Chapter Two

899 25 0
                                    

"She would definitely like that, Yunis. Gusto ni Estrella na maraming cheese sa spaghetti niya."

Napapreno kaagad si Estrella sa pagbaba ng hagdan nang marinig ang pangalan na iyon sa boses ng daddy niya na sinasabayan nang pagkalansing ng mga kubyertos.

"I don't know. Medyo nakakakaba pala magpa-goodshot, 'no?" Narinig naman niyang sabi ni Yunis bago tumawa.

Oh my gosh. Really? It's like seven in the morning at naroon ito ng ganoon kaaga? Mukhang mas kailangang agahan pa niya ang alis para lang hindi sila magkaabutan nito. Bumalik siya ng kwarto at nag-text sa pinsan na si Levi na tawagan na lang siya kung naroon na ito sa baba. May lakad sila ngayon at ayaw niyang makipag-"bonding" sa baba kasama ang Yunis na 'yon. Even at the expense of that cheesy spaghetti.

Isang linggo na halos ang nakakalipas mula nang makilala niya si Yunis. The days after that, she was trying reverse psychology with her father. Hindi niya ito masyadong kinakausap dahil gustong maiparating ni Estrella na hindi niya talaga ikinatuwa ang desisyon nito. Not that she wasn't vocal about it, anyway. Kaso ay mukhang niri-reverse psychology din siya ng daddy niya para ipakitang hindi magbabago ang desisyon nito. He was just acting like the usual. Ni hindi nga nito pinapansin ang pananahimik niya.

It isn't working. She needs to have a better plan.

Tumunog ang phone niya at nakitang ang pinsang si Levi na tumatawag.

"What's keeping you so busy na kailangan pa kitang tawagan kapag nariyan na ako?"

"There's an unwanted guest right now. There's no way I'm going down."

Narinig ni Estrella ang pagtawa nito na agad niyang ikinainis. Levi is her closest cousin on father's side. Well, not that she had so many cousins anyway. "Ester, don't you think you might be judging the woman too soon?"

Napataas ang kilay niya. "And now you're taking her side?"

"I'm not taking anyone's side, Estrella. But Yunis is a frequent customer at my resto. She seemed nice. Masyado mo lang pini-personal dahil sa relasyon niya kay Tito Fred."

"She's pretty, Levi."

"She is, yes."

"O, bakit hindi na lang ikaw? Type mo naman siguro 'yon. Lahat naman type mo."

Napahalakhak ito sa kabilang linya. "Tapos sa akin ka magagalit ngayon? It's just an advice from an older relative, Estrella. Syempre 'di ba, hindi mo naman pwedeng sumbatan ang daddy mo dahil lang nagmamahal siya. Will you lose your connection sa daddy mo dahil d'yan? Hindi ka pa ba nadala sa ginawa mo dati?"

"Alright! Enough. Don't go there!" sikmat niya sa pinsan. Kahit kailan talaga na mag-usap sila ay lagi nitong ibabalik ang nakaraan. "Just come here quick, will you?"

"Brat," Tumawa ito. "I'm almost there. Maaabutan ko pa siguro ang soon to be stepmom mo?"

"Oh, shut up, Levi!" naiiritang angil niya sa pinsan bago tinapos ang tawag.

Saglit pang nag-browse si Estrella sa cellphone nang marinig ang pagkatok sa pinto. Surely, it wouldn't be Levi. He'll call.

"Ester?" A cheerful voice filled her ears. Ester, huh? That's only for the people close to her. Kailan pa sila naging close ni Yunis?

"Yes?" She tried her best not to sound irritated. Narito ang daddy niya sa bahay. He wouldn't want him to feel that she's very unwelcoming. Though, yes, she really is.

"Are you busy? Baka gusto mo nang sabayan kami ng daddy mo kumain. And by the way, nandito rin ang pinsan mo. Pinapababa ka na rin."

Namula ang ilong niya sa inis. That Levi!

Girlfriends 7: Past, Present, and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon