Mataas na ang sikat ng araw nang marating nila ni Wayne ang Tplex. Ang tugtog lang mula sa stereo ang naglilikha ng ingay sa pagitan nila. She wanted to at least talk to him about anything pero hindi naman niya alam kung ano ang bubuksang usapan dito.
Ipinirmi na lang ni Estrella ang sarili sa upuan at tumingin sa labas ng bintana. This wasn't really how she planned this day but she somehow felt excited... Matagal na rin kasi siyang hindi nakalabas for leisure. Tuwing lalabas siya ng Metro Manila, madalas ay trabaho lang at hindi na nagkakaroon ng oras para magliwaliw.
Tumikhim si Wayne. Pasimple niyang sinulyapan ito mula sa sulok ng mga mata.
"Okay lang ba na bumili ng pagkain?" tila nag-aalangang tanong nito.
Doon siya tuluyang napabaling. "Hindi ka kumain kanina?"
"A little. Actually, baka lang kasi magutom ka rin. May isang oras pa ang itatakbo natin," sabi nito at inginuso ang nakaprogramang Waze sa cellphone.
Parang bigla tuloy siyang nakonsensya. Nawala na sa isip niya na tanungin pa ang tungkol doon.
Itinuro ni Estrella ang cellphone ni Wayne. Tumango naman ito. Maingat niya iyong inalis sa holder at naghanap ng stop na pwede silang bumili ng pagkain.
"May malapit na ritong Petron. May fastfoods doon. We can drop by. Magpapalit na rin siguro ako ng damit," napangiwi siya nang sabihin iyon. She probably still smells like bed.
Bago niya kastiguhin ang mga kaibigan mamaya ay sisiguraduhin ni Estrella na maliligo muna siya.
Nang marating nila ang gasoline station ay sa labas kaagad ng CR ipinarada ni Wayne ang sasakyan nito. Pinatay nito ang makina at nakangiting bumaling sa kanya. Kumunot ang noo rito ni Estrella. What's was he smiling about now? Kanina pa ito ngiti ng ngiti. Mukhang aliw na aliw ito sa nangyayari sa kanya ngayon, ah?
"Saan ka bibili?" tanong niya. Inabot niya ang isang pink travel bag sa likod. Sa loob na lang ng cr niya iyon hahalungkatin.
"Hihintayin na muna kita. Bantay lang ako rito sa labas."
Napalingon siya sa double doors ng comfort room. May lady guard sa labas niyon. Bakit siya babantayan? Wala naman siyang aamukin ng away sa loob.
Huminga na lang siya ng malalim at lumabas ng sasakyan. Sumaludo ang lady guard na mukhang nakikilala siya. Ngumiti siya rito.
Namangha si Estrella nang makita ang naka-impake sa bag. Tamang-tama ang mga sweatshirts at jeans na nakalagay doon.
She pulled out a pink hobo sweatshirt and black jeans. Nanlaki ang mga mata ni Estrella nang makitang bedroom slippers pa rin pala ang suot niya! Kinalkal niya ang bag pero walang naisiksik na rubber shoes o kahit sandals doon. Maghahanap na lang siguro siya nang mabibilhan.
She pulled her hair for a high bun. May maliit na pouch doon na may kaunting pang-make up. Pero baka abutin siya ng siyam-siyam para doon. Hindi naman kailangan. Her morning face was her barest look on a daily basis. Matapos siyang makita ni Wayne na namumutla pa kanina, ngayon pa ba siya mahihiya?
Nag-apply lang siya ng press powder with light lip and cheek tint. She's good to go!
Sumaludo siya sa lady guard na tumawa at tumango lang. Talagang hindi nga umalis si Wayne sa pagkakaparada nito sa tapat.
Pagbukas ni Estrella ng pinto ay bumagsak kaagad ang tingin niya sa rubber shoes na nasa lapag. Iyon ang sapatos na binigay sa kanya ni Wayne.
"You just forgot. Nasa ilalim kasi ng upuan," ani Wayne nang tila mapansin ang pagtataka niya.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 7: Past, Present, and Forever
RomanceLumaki si Estrella Cassandra na ang katuwang ay ang daddy niya. She was very fond of her father. He's her idol and her hero. Naniniwala siya na hindi na nila kailangan ng ibang tao na bubuo pa sa kanila. At siguradong ganoon din ito sa kanya. They c...