She's definitely having fun...
Patuloy lang sa pag-inom ng cocktail si Estrella habang ang mga mata ay halos hindi kumukurap sa pagsubaybay kay Yunis na enjoy na enjoy sa pag-indak sa dance floor kasama ang iba niyang kaibigan. Halatang sanay na sanay ito sa mga ganitong pagtitipon dahil hindi pa nagtatagal nang makarating sila sa party ay kaliwa't-kanan na ang nakakakuwentuhan nito. Ilang beses pa nga siyang niyayakag ni Yunis para ipakilala sa mga local tourist na nakakausap nito mula kanina pero tumatanggi si Estrella dahil mas gusto niyang obserbahan lang ito. Besides, she wasn't here to gain friends. Sociable naman si Estrella kahit papaano dahil required iyon sa trabahong meron siya. Pero sa araw na iyon ay kaarawan ng isa niyang kaibigan kaya't parang gusto niyang mahiya sa ginagawa ni Yunis dahil sa halip na sila-sila ang magcelebrate ay kung saan-saang table ito nakikihalubilo.
Pero mukhang hindi naman iyon alintana ng birthday girl na si Muse. Mukha pa ngang naaaliw ang kaibigan niya sa pagiging "friendly" ni Yunis.
"Watch out your alcohol intake, Ester. Baka naman sa halip na si Yunis ang binabantayan mo ngayon ay ikaw ang maging pabigat sa kanya mamaya," ani Muse na naiwan sa table nila kasama ang nobyong si Bench. Muse never liked dancing, anyway. While she's somehow good at it. Pero hindi iyon ang panahon para sumayaw.
"I'm not watching her, Muse..." sagot niya bago muling tumungga ng cocktail at bumaling kay Bench. "And Bench, please. Stop the PDA," angil niya sa nobyo nito na walang ginawa kundi yumakap kay Muse.
Tumawa si Bench. "Masyado kang seryoso, Estrella. Bakit hindi ka makipagkilala katulad ng future stepmother mo? Kaysa naiinggit ka d'yan."
She rolled her eyes. "Hindi ako naiinggit. Pwede ba! And stop calling her my stepmother."
"Pero bakit? Totoo namang magiging-- Aray!" Nakita niya ang pagkurot ni Muse sa braso ni Bench kaya hindi na nito naituloy ang sasabihin.
"Sorry, babe," malambing na sabi ni Bench kay Muse.
Nasamid siya. "Sa akin ka may kasalanan, kay Muse ka nag-so-sorry?" Napailing siya. "Kausapin mo 'yan, Muse Samantha. At pwede ba, stop being clingy, you two! It's annoying."
Humalakhak si Muse. "But I like it when he's clingy, Ester."
Oh, good Lord! Halos mapatampal siya sa noo. Buti na lang at nagpaalam saglit si Bench para mag-cr bago pa siya umapela na naman.
"You're not enjoying yourself, Ester," wika ni Muse na umangkla pa sa braso niya. Kinuha nito ang shot glass na sasalinan niya sana ulit ng cocktail.
Open area ang beach party nila sa Zambales na sadyang naka-schedule para sa mga turista ng lugar. Ayaw kasi ni Muse ng private party. Mas gusto nito na makihalubilo sa marami. Mukha namang nahahalata ng ibang guests na may selebrasyon sila kaya kahit halatang marami ang nakakakilala sa kanila ay wala namang nagtatangkang lumapit.
"I am. I'm really sorry about Yunis, Muse," Buti na lang at hindi nila kailangang magsigawan dahil hindi kulob ang lugar.
Kumunot ang noo ni Muse. "What for?"
"She's being too close with everybody outside the circle. I somehow find it insensitive. Tapos gusto niya pang ipakilala ang mga nakikilala niya."
Ngumiti si Muse. "Ikaw lang ang nag-iisip niyan, Ester. Come on, she's just being nice. I don't find it annoying. Ano ba dapat ang gusto mong maging ugali niya?"
Huminga siya ng malalim. Hindi malaman ni Estrella kung ang inis ba na nararamdaman niya ay dahil kumakampi si Muse kay Yunis o dahil may punto ang sinasabi nito... that Yunis is being genuinely nice to everyone.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 7: Past, Present, and Forever
RomanceLumaki si Estrella Cassandra na ang katuwang ay ang daddy niya. She was very fond of her father. He's her idol and her hero. Naniniwala siya na hindi na nila kailangan ng ibang tao na bubuo pa sa kanila. At siguradong ganoon din ito sa kanya. They c...