Chapter Twenty-One

802 31 6
                                    

Natatawang ibinagsak ni Estrella ang sarili sa isang bench matapos mangawit ang paa niya kaka-bike. Nagpapaunahan kasi sila ng mga kaibigan sa oval gamit ang tandem bicycle at ang twist ay silang mga babae ang dapat mag-pedal. Si Wayne ang pasahero niya kaya't halos lumawit ang dila niya sa pagod dahil sa bigat nito.

Kaya nang manalo siya isang beses sa cycle ay nagpaalam na muna siyang maupo. Ang iba naman ay nagpatuloy pa para raw sa "runner-ups".

"Okay ka lang?" tumingala siya sa nakatindig na si Wayne sa harap niya. Inabot nito ang isang bottled water na hindi siya nag-atubiling tanggapin.

"Bigat mo! Parang hindi ako makakapaglakad bukas," biro niya rito.

Sa gulat niya ay biglang itong umupo sa harap niya. Nakarinig siya ng mga pagsinghap at nangunguna roon ang mga kaibigan na napadaan sa pwesto nila. Marahang inangat ni Wayne ang binti niya at pinisil-pisil iyon. Nag-init ang pisngi niya at tinangka iyon na bawiin pero humigpit lang ang hawak nito.

"Okay lang..." mahina niyang tugon bago inabot ng kanyang kamay ang binti. His hand felt warm against her skin. Kahit naka-jeans siya ay tumatagos ang init ng kamay nito sa kanyang balat.

"Bubuhatin na lang kita para 'di ka maglakad," nangingiting sambit nito.

Natawa siya. "You'll be on the news tomorrow. Gusto mo bang magulo ang buhay mo?"

"Iniisip mo ba na maayos ngayon?" umiling ito at bahagyang sumeryoso. "Ang gulo-gulo nga..."

Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. She gasped when she felt something was tied on her ankle. Niyuko niya si Wayne na sinisipat ang nilagay nito roon.

It was a handmade flower bead anklet.

Parang may kung anong bumara sa lalamunan niya. Lalo lang iyong pinalala ng panlalamig ng pagkatao niya.

"Wayne."

"I knew it would fit you," tumingala ito sa kanya. He smiled and licked his lower lip. "What do you think?"

"Para saan ito?"

Tumayo si Wayne at humalukipkip. "I don't really need a reason to give you something. Gusto ko lang."

Nanliit ang mga mata niya. "Gusto mo lang?"

"I can only try a little right now, Cassandra..."

Hindi siya kaagad nakaimik. She opened her mouth to say something that probably would clear the score between them. Almost. But then she didn't. Dahil siguro ay mas matimbang ang takot na dadalhin ng mga salitang iyon.

Gusto niyang matawa sa sarili. How could she even speak clarity when there's only confusion inside her? May gusto siyang malaman pero natatakot naman siya sa pwedeng marinig.

She couldn't just assume. Hell, of course not! Maybe he just wanted to make things comfortable for them. But it doesn't mean anything deeper. If he would just stay away right now... pero tila pati iyon ay kinakastigo pa ng sarili niya.

"Ayoko na!"

Napakurap siya sa paglapit ng nakasimangot na si Bree. Kasunod nito si Levi na tatawa-tawa lang sa likod. Nagsisunuran na rin ang iba na may kanya-kanyang bitbit na bottled water. Hindi niya pinansin ang makahulugang tingin ng mga kaibigan na tila nasaksihan ang nangyari.

"Sa Botanical Garden tayo tapos sa Camp John Hay. We can take our dinner after," ani Yhen.

Tumango sila. Iwas na iwas ang mga mata niyang bumaling kay Wayne na sigurado siyang nakatunghay sa kanya. Lumingon lamang siya nang akbayan ito ni Bench at naunang maglakad.

Girlfriends 7: Past, Present, and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon