I'll see you on Girlfriends 8: Game Over. :)
Thank you again for making it this far! I hope to hear your thoughts. I will always love reading your comments! xoxo ❤️--
Pinisil-pisil ni Estrella ang mga kamay habang pabalik-balik na naglalakad ang kanyang daddy sa harap niya. Dalawang oras ng nasa loob ng delivery room si Yunis kaya hindi ito mapakali.
"Do you think she'll be fine, anak? Bakit kasi ayaw niyang ipasama ako sa loob, eh!" frustrated na reklamo ng daddy niya na silip ng silip sa salamin ng pinto kahit wala naman itong nakikita.
Napangiti lang siya at napailing sa pagkaligalig ng daddy niya.
Yunis and her father got married last year. And the year after that, Yunis got pregnant with a baby boy! Sanay si Estrella bilang nag-iisang anak ng daddy niya pero ibang klaseng tuwa ang hatid sa kanya na malamang may magiging kapatid siya!
Naging sensitibo ang pagbubuntis ni Yunis. Kaya talagang hands-on ang daddy niya sa pag-aalaga rito. Naaaliw pa nga si Estrella dahil tuwing nasa bahay ay siya ang gustong kadikit lagu ni Yunis para siya raw ang mapaglihian!
Iniyakap ni Estrell sa sarili ang suot na jacket. Sa sobrang pagmamadali kanina ay hindi man lang siya nakapagpalit ng shirt at pajama. Alas-dos kasi ng madaling-araw nang kalabugin siya ng daddy niya at sabihing manganganak na ang stepmother niya. Sa sobrang aligaga tuloy ay humila lang siya ng oversized jacket at nagkaiba pa pala ng pares ang flat shoes na naisuot niya!
Napalingon si Estrella sa hallway nang marinig ang tumatakbong yabag doon. Tumayo siya nang makita ang boyfriend na si Wayne. Kani-kanina lang niya ito na-text at ang akala niya ay mamaya pang umaga nito mababasa iyon.
Oh, yeah. But look at that!
Lumapit siya at sinalubong ito ng yakap. Ipinagsisikan niya ang mukha sa dibdib nito. Sa dalawang taon na pagiging magkasintahan nila ni Wayne ay hindi talaga siya nagsasawa sa amoy nito. Maingat nitong hinagod ang likod niya at hinalikan siya sa tuktok ng ulo.
"What happened, love, hmm?" malambing na tanong nito. Saglit na lumayo sa kanya si Wayne para makapagmano sa daddy niya na tila lutang na nakasandal sa dingding.
"Bakit nandito ka?" tanong niya habang nakayakap sa baywang nito. Nag-ki-cringe na ang mga kaibigan ni Estrella sa sobrang pagka-clingy niya pero... eh, ano naman?
"You have a different ringtone on my phone, 'di ba?" ngumisi ito na ikinatawa niya.
Pinalitan kasi ni Wayne ang ringtone nito para sa mga text at tawag niya. Mukhang may sentimental value talaga rito ang kantang "Binibini" dahil iyon ang ginamit nito.
"Do you need anything? Are you hungry?"
Napanguso siya. "Seriously, Wayne! Nagka-emergency kami ngayon tapos makakaramdam pa ako ng gutom?"
Wayne playfully pinched the bridge of her nose. "Nagagalit ka na naman. Nagtatanong lang ako. Syempre ayaw kong nagugutom ang reyna ko."
Ngumiwi siya pagkuwa'y tumango. That's Wayne, anyway. Alam na alam na nito ang lahat sa kanya.
"Nagsabi ako kila Yurika. Hindi ko lang alam kung mababasa nila iyon agad. But they will be here for sure. Okay lang ba sa'yo?" tila nag-aalangang tanong nito.
Tumango siya. "Oo naman! Pamilya ni Yunis 'yon. They should be here. Don't worry about me."
Matagal na silang nagkaayos ni Yurika. They aren't friends but they're civil with each other. Ito pa nga ang personal na humiling na makipag-usap sa kanya. Humingi na ito ng tawad at inamin na naging desperada lang ito noon. Yurika probably saw Wayne as a challenge, though. Lalo na at sanay siguro ito na nakukuha ang anumang gustuhin. Si Wayne lang ang hindi.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 7: Past, Present, and Forever
RomanceLumaki si Estrella Cassandra na ang katuwang ay ang daddy niya. She was very fond of her father. He's her idol and her hero. Naniniwala siya na hindi na nila kailangan ng ibang tao na bubuo pa sa kanila. At siguradong ganoon din ito sa kanya. They c...