Hindi mapigilang matawa ni Estrella habang pinapanood niya ang pagkaligalig ni Wayne. Hindi matigil ang mga daliri nito sa kakatapik sa manibela habang nagmamaneho. Nagpasundo siya rito sa opisina at niyaya si Wayne na sa kanila na mag-dinner para pormal na maipakilala sa daddy niya.
"Feeling mo magiging okay ako sa daddy mo?" hindi na niya mabilang kung pang-ilang beses na iyong itinanong ni Wayne.
"Kilala ka naman niya. Ikaw pa nga ang nag-ayos ng gripo namin, 'di ba?" tumawa siya para maalis ang pagka-tense nito.
"Iba 'yon. Syempre kailangan mas maganda pa ang first impression sa akin."
Napailing siya. "Wayne, kilala ka na ng daddy ko kahit noong nag-aaral pa tayo. What are you so scared about? Baka nga matuwa pa iyon na may seryoso akong ipapakilala."
"I didn't know you were a playgirl," nalukot ang mukha nito.
"I'm not!" mariing depensa niya. "Sinasabi ko lang na wala akong pormal na pinapakilala sa bahay. Usually ay nakikilala lang sila ni daddy over dinner sa labas."
"Marami pa rin," mukhang nawala na ang nerbiyos nito pero napalitan naman iyon ng inis. "Bakit kayo nag-break ng mga naging ex mo?"
"Kasi hindi nag-work," simpleng tugon niya.
Sumulyap si Wayne sa kanya na tila desidido talagang pag-usapan iyon. Magtatanong tapos kapag sinagot ay maiirita, anong klase iyon?
"Why not? Was it you? Was it them?"
Nagkibit-balikat si Estrella. Hindi naman marami ang naging relasyon niya nang matapos sila ni Wayne lalo pa at abala rin naman siya sa career. At dahil hindi naman nagtagal ang mga iyon ay hindi siya nagkaroon ng malalim na koneksyon sa mga naging ex niya. Or maybe, sadyang wala lang talagang pumantay kay Wayne. And she admits that it was unfair to compare.
It wasn't just about them. She had a share from her failed relationships. May mga pagkakataon na siya ang toxic dahil alam niyang hindi niya naibibigay ang buo. Kaya wala siyang karapatan na ibunton ang sisi sa iba kung hindi man iyon nag-work.
"How about the recent one?"
"Travis?"
"Whatever his name is," umikot pa ang mga mata nito. "Bakit galit siya sa'yo? Did you dump him?"
"Not really. He was too aggressive. I don't like that. Maybe he was just so full of himself kaya hindi niya matanggap na ako ang nakipaghiwalay. Pride? I don't know."
"Ang hirap mo palang pakawalan nang ganoon. Laging may aaligid. Paano na lang kung hindi ako bumalik?"
Bumuntong-hininga siys. "If you're meant for me, no one else would ever work but you."
"At kung hindi?"
"Huh?" napakurap siya.
Umigting ang panga nito at umiling. "Nevermind. I'll make sure I'll be the one to keep you."
Pagkadating nila ni Wayne ay nagulat pa sila na naroon din si Yunis. Ito ang nagluluto sa kusina habang ang daddy niya ang nag-aayos ng hapag. Hindi naman mukhang nabigla si Yunis nang makita sila at mukhang ngang inaasahan nito iyon dahil marami ang naihandang pagkain.
"Sir, good evening..." pormal na bati ni Wayne at nauna pang lumapit sa daddy niya para magmano. "I'll take care of your daughter."
Narinig niyang nasamid si Yunis dahil sa pagtawa nito. Tumango ang daddy niya na mukhang naaliw sa sinabi ni Wayne.
Baby, you just got him...
"You sound like you're ready to marry my daughter, Engineer."
"I am, sir!" mabilis na agap ni Wayne. "With your permission, of course."
BINABASA MO ANG
Girlfriends 7: Past, Present, and Forever
RomanceLumaki si Estrella Cassandra na ang katuwang ay ang daddy niya. She was very fond of her father. He's her idol and her hero. Naniniwala siya na hindi na nila kailangan ng ibang tao na bubuo pa sa kanila. At siguradong ganoon din ito sa kanya. They c...