Chapter Eleven

706 31 2
                                    

Hindi na napansin ni Estrella ang pagsimangot ng isang lalaking taga-ibang section nang hindi niya tanggapin ang offer nito na makipagsayaw. Hindi na niya mabilang ang mga lumalapit sa kanya mula pa nang mag-umpisa ang sayawan pero ni isa ay wala siyang pinaunlakan.

Narinig ni Estrella ang pagsinghap ni Jackie sa tabi niya.

"That was Lucas, Es," mariing sambit nito na kulang na lang ay mag-palpitate sa sobrang pandidilat ng mga mata sa kanya.

"Lucas ba pangalan no'n? Nag-sorry naman ako," aniya na hindi inaalis ang tingin sa cellphone.

Suminghap ito. "Siya iyong prom king last year! What is it with you na nagmumukmok dito?"

Bahagya siyang natawa. "Hindi ako nagmumukmok. I'm fine, Jack. Wala lang akong ganang sumayaw."

Tinapik naman ni Angel ang balikat niya. "Nag-text na ba? Baka hindi na darating, Es..."

"Oh, that Wayne again?" pumalatak si Jackie. "Hindi naman iyon nagpupunta sa ganito, 'di ba? Umu-o ba sa'yo?"

Tumitig siya kay Jackie at nagbaba ng tingin.

"Naghihintay ka sa walang kasiguradong darating," mababa ang boses ng kaibigan na tila sumusuko sa kanya. "It isn't worth it to kill your mood, Es."

May dalawang lalaki na lumapit sa table nila. Namukhaan ni Estrella iyon na nag-aaya sa kanya kanina. Pero ngayon ay ang kamay na ng mga kaigan niya ang hinihingi. Nag-aalinlangan pa nga ang dalawa na pumayag pero sumenyas siya sa mga ito na sumama na. She doesn't want to be a burden to them. This is the last prom of their batch, after all.

Ibinaba niya ang tingin sa kandungan. The embellished, hand beaded crystals with thigh down nude sheer fabric was very intricate but sophisticated. Kumikinang iyon tuwing tinatamaan ng liwanag ng disco lights. Ang hanggang baywang niyang buhok ay hinayaang nakalugay na bahagyang kinulot ang dulo. She was even fancier than last year. Pero hayun at daig pa niya ang nagluluksa sa isang tabi.

She kept her phone inside her purse. Siguro dapat na siyang magpasundo sa kanyang daddy? Wala na rin naman siyang ganang tapusin ang event.

Girlfriends 7: Past, Present, and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon