Chapter Six

688 27 1
                                    

Parang tinakasan ng kulay ang mukha ni Estrella nang mabasa ang listahan ng mga Engineer sa Way Worx firm. Napakurap-kurap pa si Estrella dahil pakiramdam niya ay dinadaya siya ng paningin. If the person she knew was the same person written on the list, heaven is really punishing her hard this time.

Wayne Alcambre... It was written on top of the list. Are you fucking kidding me? Seriously?

"What's taking you so long, Ester? May kilala ka ba riyan?" untag ni Brianne na kasama niyang dinala sa Way Worx ng araw na iyon.

Hindi pa sinasabi ni Estrella kung bakit ora-orada niyang tinulungan si Brianne pero batid naman niya na papayag ito kung sabihin niya. But right now... parang biglang nabahag ang buntot niya. Tila gusto niyang magtatakbo palabas ng firm.

"Nag-chi-check lang ako ng magaling na Engineer," pagdadahilan niya.

"You're checking? Kilala mo ba sila lahat? You can't judge them by the name, Ester," natatawang wika nito. "Let's just try the first one. Siya siguro ang top."

"Maybe this is just on alphabetical order," pagkontra niya habang sinusuyod ang pagkakasunod ng mga pangalan. Napangiwi siya. "It isn't..."

"Ayaw mo ba n'yan? Si Wayne Alcambre?" tanong ni Bree na halatang nagtataka na sa pagiging aligaga niya.

Hell, yes of course I don't! This is just so crazy!

Mariin siyang napakagat sa labi. "His name doesn't seem... right."

"He's one of the best engineers in town, Miss Monipelier. Just in case you need to know," wika ng babae na nasa front desk na kanina pa sila pinapanood ni Bree. She knows them when they got here and she seemed excited. Pero ngayon ay nawala ang pagkagiliw nito. A lowkey fan of Wayne Alcambre, perhaps.

"Ayun naman pala!" tila nakahanap ng kakampi si Bree kaya umalma kaagad ang buong sistema niya. There's no way she'll meet Wayne Alcambre again!

"Miss..." Tumingin siya sa name plate ng nasa front desk. "Caroline... do you know someone named Yunis who works here?"

Nagtipa sa computer si Caroline. "Yunis... Yunis Enriquez... I believe we have."

Great. Siguro ay hindi na niya kailangang i-recommend dito si Bree. Ang kailangan lang naman niya ay ma-contact at makausap si Yunis. She didn't need to go an extra mile. Hindi ito ang inasahan niyang aabutan mula sa warning ni Levi, damn it!

"Can I have her contact number?" she pleaded. Kung alam man ng Caroline na ito ang tungkol sa naging issue nila ni Yunis noon ay hindi naman nito pinapahalata.

Mabilis ang naging pag-alma sa mga mata nito. "I'm sorry, but any details of our employees are strictly confidential, Miss Monipelier. I can just call her now and tell her that you're here."

"She's in?"

Pormal itong tumango. "Yes, Miss."

That won't be possible. Siguradong hindi siya haharapin ni Yunis kapag nalaman nito na siya ang naghahanap.

What else...

"How about the Engineer she's working for? Secretary siya rito, 'di ba?"

Tumango ito. "You can book an appointment with Mr. Alcambre. But you still need to ask it through Miss Enriquez. She's the secretary."

Marahas siyang napabuga ng hangin. Fate is playing huge tricks right now and can't ride with it so far.

How is she supposed to face Wayne Alcambre? Baka malaman pa lang nito na siya ang hihingi ng serbisyo ay ma-blacklist na kaagad siya sa building ng firm nito. Well, technically, she wasn't the client... Pero hindi naman pwedeng matapos niyang kaladkarin si Bree roon ay iwanan niya ito. And besides, naroon din ang pakay niya.

Girlfriends 7: Past, Present, and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon