Chapter Seventeen

751 28 4
                                    

Narindi si Estrella nang biglang tumili si Marge at niyugyog siya matapos ang pagkukwento niya nang nangyari sa reunion nila. Sinaway niya kaagad ito nang mapatingin sa kanila ang natatawang mga staff.

"O, tapos ano? Malaki ba iyong nahawakan mo?"

Nanlaki ang mga mata niya at tinakpan ng throw pillow ang bibig nito.

"Tumigil ka nga! Makakarating ito kay Rocco, akala mo!" pangangastigo niya na ang tinutukoy ay ang kasintahan nito.

Humalakhak si Marge. "What? Iyong bola ang tinutukoy ko. Ang dirty mo, Ester!"

She scoffed. Muli na sana niyang tatalakan si Marge nang bumukas ang pinto ng studio na katabi lang ng couch na kinauupuan nila. Iniluwa niyon ang bahagya pang hinihingal na si Nikki.

"Sorry, nagka-emergency lang!" malakas na sambit nito at ipinagdikit pa ang dalawang kamay.

Well, Nikki is just on time for the Pick Nikki's photoshoot. Pero siguro ay nakasanayan nito na mas maagang dumarating kaysa sa napag-usapan kaya ganoon na lang humingi ng paumanhin.

Lumagpas ang tingin niya nang may mamataan siyang pagkilos sa likod. Tila naumid ang dila ni Estrella nang makitang kasama ni Nikki ang Kuya nito. Mukhang napansin din iyon ni Marge dahil sige ito sa pagsiko sa kanya.

"I'm sorry, Miss Chay!" ani Nikki sa manager nila na hindi niya napansing nakalapit na pala. Pasimple niyang inayos ang laylayan ng suot na dress na bahagyang nagusot sa pagkakaupo.

"It's alright, Nikki. Sakto lang naman. Kahapon pa dumating ang wardrobe ng Pick Nikki's dito kaya nakapag-ayos na kaagad sila Ester at Marge. May ikokonsulta muna sa'yo ang magiging photographer," sagot ni Madam Chay bago nito isinenyas na sumunod si Nikki.

Napaigtad siya nang bigla na lang umangkla si Nikki sa braso niya. "May kailangan 'yan si Kuya sa'yo, kaya nandito... Hintayin ka niya," nakangising bulong nito bago sumunod kay Madam Chay.

"Engineer Wayne, ikaw 'yon, 'di ba? I'm Marge," ngumiti si Marge at agad na naglahad ng kamay. Alanganin siyang ngumiti sa ginawa ni Marge.

"Yes. Hi," sagot ni Wayne na ang mga mata ay nagmamasid sa kanya.

"Kanino ka nag-ha-hi?" natatawang tanong ni Marge nang mapuna nito iyon. Napaiwas siya ng tingin.

"I'm sorry for coming here uninvited. Sumama lang ako kay Nikki," ani Wayne.

Pumalatak si Marge. "Walang problema, Engineer! E, sino ba ang hanap mo rito? Wala si Brianne ngayon."

Naramdaman niya sa gilid ng mga mata ang pagbaling ulit sa kanya ni Wayne.

"Uh, no. I'm not here for Brianne."

"O...w..." makahulugan pa ang naging pag slow motion ni Marge. "Sino pala?"

God! Marge is really pushing this, huh? Kung 'di pa talaga mapikon si Wayne kakatanong ng kaibigan niya! Napakaseryoso pa naman sa buhay nito.

"Girls, we'll start!" tawag ni Madam Chay bago pa makasagot si Wayne.

"Ayt!" malakas na tugon ni Marge at nagmadaling lumapit doon at iniwan kaagad siya.

Hindi tuloy alam ni Estrella kung susunod na ba o ano dahil nakakahiya namang bigla na lang iwan si Wayne rito. Sinalubong niya ang tingin nito na tila hindi man lang nasindak na halatang kanina pa siya pinagmamasdan.

"Pwede ka rito sa loob... uhm, couch?" nangingiming alok niya.

Tumango ito. "After you."

Hindi na siya sumagot at mabibigat ang mga hakbang na tinalikuran na ito. She could feel his eyes on her back. Parang gusto tuloy niyang tumakbo dahil nakaka-conscious iyon.

Girlfriends 7: Past, Present, and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon