"It was a mild attack. Mabuti na lang din at nadala kaagad dito. But this should raise awareness, Miss Monipelier. Mild attacks increased the chances of major heart attacks. And I would like to ask you to watch your father's lifestyle. Ang gamot niya at ang mga kinakain niya. And I told you before, Miss Monipelier, too much emotions can overwhelm your father's heart. I suggest a stress-free environment and bed rest. Stable naman na siya ngayon."
Nakahinga ng maluwag si Estrella sa paliwanag ng doctor ng daddy niya. Pero hanggang ngayon ay nanginginig pa rin sa panlalamig ang mga kamay niya dahil sa takot sa nangyari rito. Hindi niya yata kakayanin kung mas malala pa roon ang nangyari!
"Thank you, Doc," mahina ang boses na tugon niya habang nawawasak ang puso sa pagkakatingin sa ama na naka-dextrose.
Tumango ang doctor. "I'll be back later to check on him again, Miss Monipelier," anito bago lumabas ng kwarto.
Maliliit ang mga hakbang na lumapit siya sa kama ng ama at umupo sa gilid niyon. Kinulong niya ang mga kamay nito sa palad niya.
"What happened, Yunis?" narinig niyang tanong ni Wayne kay Yunis na nakatayo lang sa tabi.
"I talked to him..."
Pagod na bumaling siya rito. Kahit gustong maghanap ni Estrella nang pagbubuntunan ng sisi ay hindi niya magagawa. In the first place, siya naman ang naging dahilan nito.
"Nagalit ba ng sobra sa akin si Daddy kaya nagkaganito?" nanghihinang tanong niya.
Umiling si Yunis at malungkot na ngumiti.
"Your father cried, Estrella. That's why..."
Mariin siyang napapikit. Parang may mainit na hanging humaplos sa tiyan niya nang maramdaman ang kamay ni Wayne na marahang humaplos sa likod niya.
"He'll be fine... Pangako 'yan."
Tila may bumara sa lalamunan niya nang sulyapan ito. Puno ng assurance ang mga mata ni Wayne na tila ba sapat na ang mga salita nito para maging sandigan niya.
"Frederick..." mahinang tawag ni Yunis.
Napapiksi si Estrella nang maramdaman ang mariin na pagpisil ng kanyang daddy sa kamay niya. Nanlaki ang mga mata niya at tumindig. Dahan-dahang iminulat ng daddy niya ang mga mata nito at nang siya ang unang mabungaran ay ngumiti ito.
"Anak..."
Tila gripong binuksan ang mga mata niya dahil bigla na lamang tumagas ang kanyang luha. Parang batang dumaluhong siya ng yakap sa ama. Nakarinig siya nang pagbukas at pagsara ng pinto pero hindi na niya iyon masyadong pinansin.
"Estrella," bahagyang natawa ang daddy niya.
"Dad, I'm sorry. Sorry, daddy... I'm a very bad daughter. Ako ang gumawa sa'yo nito..." humihikbing sabi niya. Marahang tinapik ng ama ang likod ng ulo niya.
"Estrella..."
"I was just scared, daddy... Sorry, hindi ko po sinasadya..."
Bahagya siyang nilayo ng kanyang ama sa pagkakayakap dito. Sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang pagngiti ng kanyang ama habang pinagmamasdan siya. Her father was all she had now. Kung mawala ito dahil sa sama ng loob sa kanya ay lalo lamang hindi mapapatawad ni Estrella ang sarili.
Her heart is too heavy. Ang sakit sakit ng pakiramdam niya...
"You look like your mother when you cry..." masuyong sabi ng kanyang daddy habang pinupunasan ng daliri ang pisngi niya. "You know you're wrong and you said sorry... matitiis ko ba na hindi ka patawarin? Pasensya ka na, anak... Alam kong nasaktan ka sa nangyaring ito."
BINABASA MO ANG
Girlfriends 7: Past, Present, and Forever
RomanceLumaki si Estrella Cassandra na ang katuwang ay ang daddy niya. She was very fond of her father. He's her idol and her hero. Naniniwala siya na hindi na nila kailangan ng ibang tao na bubuo pa sa kanila. At siguradong ganoon din ito sa kanya. They c...