Nalula si Estrella sa mga tao nang marating nila ni Wayne ang event. Sanay siya sa ganitong malaking pagtitipon pero hindi maikakaila ni Estrella na medyo nakaka-out of place dahil syempre, ibang industriya ang kay Wayne.
Wayne introduced her to some of his colleagues. May ilan na nakakakilala sa kanya na mukhang nagtataka kung bakit siya naroon sa event. Sumasagot lang si Wayne na guest siya nito which is just fine for her dahil ayaw niyang sila ang mapag-usapan ngayon.
"Okay ka lang?" malambing na tanong ni Wayne nang makapuwesto sila sa table.
Ngumiti siya. "Yup."
"Do you need anything? Do you want to eat?" tinuro nito ang buffet.
"Eat agad? Hindi pa nga tayo nakakatagal dito," napasimangot siya sa pagtawa ni Wayne. Iniisip yata nito na sumama siya dahil sa buffet.
"Baka lang ma-bored ka. You know, this event isn't about fashion like you're used to," anito na inaalis ang takas na buhok sa mukha niya. Napansin niya na nagiging mannerism ni Wayne iyon kapag naglalambing ito.
Umiling siya. "Okay lang. Don't worry about me."
Tumango ito. "Just tell me if you need anything, hmm? Kung gusto mo nang umuwi, magsabi ka lang din."
"I'm fine!" patawa-tawa niyang sagot.
"Engineer Alcambre!"
May isang lalaking mukhang may edad na ang bumati kay Wayne. Sumulyap muna si Wayne sa kanya. Tumango lang siya at inudyukan itong lapitan ang kakilala. Tumayo ito para saglit na kausapin ang lalaki pero ang mga mata ay panaka-nakang bumabaling sa kanya.
Sa paglagpas ng tingin ay namukhaan kaagad ni Estrella ang papasok sa hall entrance. Agaw-pansin ang makinang na yellow gown ni Yurika. Hindi naman maitatanggi na talagang maganda ito. Kung si Yunis ay soft ang features, kay Yurika naman ay masyadong sophisticated. Dalang-dala nito ang kasosyalan sa sarili.
Sinalubong kaagad si Yurika ng ibang guests. Hindi alam ni Estrella kung dahil ba kay Wayne kaya parang nakakaramdam siya ng kaunting insecurity. Wayne loves his profession so much. At pareho nito ang mundo ni Yurika. Sa ganitong klaseng pagtitipon, pakiramdam niya ay wala siyang ambag. Para bang hindi siya makakasabay.
Pero baka pini-personal lang iyon ng isip niya. Dahil may naging issue siya kay Yurika. Kaya pakiramdam ni Estrella ay lagi niya dapat itong natatapatan. It isn't healthy, of course. This is not a competition, anyway. She really should stop comparing because they have different areas of expertise.
Hindi sa lahat ng bagay ay dapat mong ipilit na magaling ka. Even if you're at your best on something, kung hindi ka masaya ay wala ring silbi iyon.
Pinanood niya ang paglawak ng ngiti ni Yurika nang mapansin nito si Wayne. Lumapit ito kaagad na sinundan din ng iba. Their circle became crowded. Napapansin niya pa ang pagtagilid ng ulo ni Wayne para lang hindi siya mawala sa mga mata nito. Tumango lang siya at ngumiti.
Nang mapagtantong mukhang hindi pa kaagad babalik si Wayne ay tumayo muna siya at nagtungo sa restroom para mag-retouch.
"I heard nirereto iyong head engineer nila sa dalagang Enriquez. They actually look good together, 'no?"
Nabitin ang tangkang paglabas ni Estrella sa cubicle nang marinig iyon. Of course it stings! Kapag iyong mahal mo ay sinasabihan na bagay sa ibang tao, hindi ka naman magtatatalon sa tuwa, eh!
"Well, the young Enriquez liked the guy. Kaya nga kinukuha yata lagi na head engineer ng chain of hotels and resorts nila. Iyon ang unang big break ng head engineer nila. Kaya hindi na ko magdududa kung magkakatuluyan sila," humalakhak ang isa pang babae.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 7: Past, Present, and Forever
RomanceLumaki si Estrella Cassandra na ang katuwang ay ang daddy niya. She was very fond of her father. He's her idol and her hero. Naniniwala siya na hindi na nila kailangan ng ibang tao na bubuo pa sa kanila. At siguradong ganoon din ito sa kanya. They c...