Chapter Fourteen

672 29 2
                                    

"Life may not be as easy as how it was here. And honestly, what you learned here wasn't even on half of what's in store for you on the next page. So be strong, keep the faith, and take all the lessons you learned here to learn more."

Naging emosyonal ang program para sa graduation day nila Estrella lalo na sa ginawang valedictory speech ni Wayne.

Matapos ang event ay kanya-kanyang iyakan at tawanan ang mga estudyante bitbit ang kaalaman ng magiging malaking pagbabago sa susunod na yugto ng kanilang buhay.

Hindi na mabilang ni Estrella kung ilan na ang lumapit sa kanya at nakipagbatian. Sa sobrang pagkawili ay nawala na rin si Wayne sa paningin niya. His family flew all the way from Amsterdam just to be with him on this special day. Kaya talagang gayak na gayak si Estrella dahil ipapakilala raw siya nito.

"Pupunta ba ang mga kaibigan mo sa bahay?" tanong ng daddy niya nang lumapit siya kung saan ito.

"I'm not really sure, dad. Baka kasi may celebration din sila."

May graduation dinner kasi na inihanda ang daddy niya at nag-imbita pa ito ng ilang malalapit sa kanila. Pero duda si Estrella kung simpleng dinner lang talaga ito knowing her father. Malamang ay gumastos pa talaga ito para maging enggrande iyon.

It isn't necessary, though. Okay lang naman kahit sila lang ang mag-celebrate kasama na rin ang pamilya ni Levi. Pero gusto na rin niyang pagbigyan ang ama sa kagustuhan nito.

"Uuwi na ba tayo? Mukhang may mga bisita na sa bahay."

Alanganin siyang ngumiti at umiling. "Is it okay if I stay for few minutes pa, dad? I just want to talk to a... friend."

Kumunot ang noo ng daddy niya at makahulugan siyang tiningnan. "A friend, Estrella?"

Palihim siyang bumulong ng dasal dahil sa pagsisinungaling. Wala namang balak si Estrella na ilihim ang tungkol kay Wayne but she wanted to make it formal. Kung ipakilala siya ni Wayne ngayon sa pamilya nito ay hihilingin din niya ritong maipakilala sa kanyang daddy mamaya.

"Yup, dad. Hindi naman ako magtatagal. And siguro, I'll try to invite the girls na rin."

Mariin lang siyang tiningnan ng ama. Siguro'y may gusto pa itong sabihin pero dahil graduation niya ngayon ay pinagbigyan muna siya.

Girlfriends 7: Past, Present, and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon