"Hi, Engineer and... Estrella?"
Hilaw ang ngiti na iginanti ni Estrella kay Yunis nang makita siya nito sa likuran ni Wayne. Bahagya pa siyang nilingon ni Wayne kaya inayos niya ang pagkakatindig. She wanted this... hindi pwedeng mapangunahan siya ng hiya.
"Hi, Yunis..." bati niya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Yunis sounded formal. Siguro ay dahil kaharap nila si Wayne. Or maybe... there wasn't really any reason to be cheerful about seeing her. Bakit naman ito matutuwa?
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Yunis sa kanilang dalawa ni Wayne, halatang may iniisip itong kakaiba. Mabilis niyang ipinilig ang ulo na may kasama pang kumpas ng kamay para pawiin ang kung anumang malisya na pumapasok sa isip nito.
"Her friend is a client," si Wayne na ang naglinaw niyon. Bahagyang natigilan si Estrella nang makita ang relief sa mga mata ni Yunis. Relief... Para saan kaya iyon?
"Sinong friend, Wayne?"
Wayne? Oh, they're also on first name basis... They are probably close... Gaano na kaya katagal magkakilala ang dalawa? Dito lang kaya sa firm o acquiantances ang mga ito sa labas?
Hinamig niya ang sarili. Bakit ba masyado niyang ginagawang big deal iyon? Wala naman siyang mapapala kung malaman man iyon.
"The model too. Brianne Clutario," sagot ni Wayne. "I'll leave you two. Gusto ka yatang makausap ni Miss Monipelier."
Kimi siyang ngumiti at pinanood ang malapad na likod ni Wayne habang naglalakad ito patungo sa maliit nitong kwarto. Mabilis namang humabol si Yunis at may kung anong sinabi rito. Sabay na tumawa ang dalawa na parang ang mga ito lang ang nagkakaintindihan.
Nang lumipad ang mga mata ni Wayne sa kanya ay napaiwas siya ng tingin. How easy it was for him to laugh like that in front of Yunis... pero sa kanya, ngiti lang ay pilit pa.
Hoy, Monipelier! Tigilan mo 'yang kaartehan na 'yan! Wayne doesn't owe you anything. Mahiya ka sa balat mo, pangangastigo niya sa sarili.
Bumalik si Yunis sa tapat niya. Bagaman nakangiti ay hindi na iyon umaabot sa mga mata nito, hindi tulad dati.
"You want to talk, Estrella? Is everything okay?" tanong nito habang nagbubuklat ng kung anu-anong folder, siguro ay hinihingi ni Wayne.
Tumango siya. "Yes, kung okay lang sa'yo. Gusto sana kitang makausap ng tayo lang."
"I see," sagot nito na hindi nag-aangat ng tingin. "Marami kasi akong kailangang tapusin ngayon para sa files na hinihingi ni Wayne. May construction expo kasi na gaganapin a week from now kaya..."
"Oh..."
Hinila nito ang isang folder bago humarap sa kanya. "Is it urgent? Ipagpapaalam ko kung matatagalan."
Gusto sana ni Estrella na ipakiusap ang tungkol doon pero nakakahiya namang abalahin ito sa ganitong pagkakataon. Kung umiiwas lang ba si Yunis ay hindi masabi ni Estrella pero ayaw naman niyang makulitan ito. She wanted to do this the right way.
"Hanggang anong oras ka ba rito? Maybe I could drop by..."
Tumingin si Yunis sa relo nito. "I'm not really sure, Estrella. Minsan, I leave early. Minsan naman ay late na. Ngayon, depende pa. I'll be out to join Wayne's meetings."
Nakakaintindi siyang tumango. "Siguro dadaan na lang ako rito after my appointments? I'll just see if you'll still be here by then. Around 7 siguro?"
"You can try, yes... I'm sorry, I have to give this to Engineer..." atubiling paalam nito.
"Yes, sure. Go ahead," sagot niya. Napagtanto ni Estrella na nakaharang pala siya sa dadaanan kaya mabilis siyang tumabi.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 7: Past, Present, and Forever
RomanceLumaki si Estrella Cassandra na ang katuwang ay ang daddy niya. She was very fond of her father. He's her idol and her hero. Naniniwala siya na hindi na nila kailangan ng ibang tao na bubuo pa sa kanila. At siguradong ganoon din ito sa kanya. They c...