It was the year of 2010, last year of Highschool.
Estrella and Wayne were classmates. Pero magkaiba sila ng circle of friends na kinabibilangan. Wayne was too academically inclined at siya ay sakto lang. She's more active in extra-curricular activities, anyway. Sports, pageants, name it... She wasn't a top on her class pero hindi rin naman siya nangungulelat.
But that year was different. Tila ba ang huling taon sa highschool ang siyang magdidikta ng future mo sa kolehiyo. She began to be conscious about her grades lalo na at may hinihinging required average ang unibersidad na gusto niyang pasukan. Pero sa taon din na iyon, malaki ang tulong ng extra-curricular activities para sa dagdag puntos ng grado. Kaya ipinagsasabay niya ang pag-aaral at pagsali sa kung anu-anong paligsahan.
Pero sa huling tatlong buwan ng last grading ay nagkabuhol-buhol ang priorities niya. Estrella was a candidate for her school's prestigious pageant and she was so determined to take the title. Ganoon ang hilig niya. She was bagging beauty pageant titles left and right, in and outside of school. She loves the stage, the crowd, the light... Kaya nga pagtuntong niya ng kolehiyo ay Theater Arts ang gusto niyang kunin.
But the call for academics was very critical too. Nagkakataon pa na nag-o-overlap ang rehearsals niya sa week ng final exams. At napakahirap niyon pagsabayin. After class, diretso sa rehearsals. Gagabihin ng uwi. Kaya minsan ay makakatulugan na niya ang pag-ri-review. Tuloy ay parang lumulutang ang mga letra at numero sa exam papers dahil hindi mahulaan ni Estrella ang isasagot sa mga iyon. It was that hard... Manghuhula na nga lang ay hindi mo pa alam ang ihuhula mo.
The pressure was there. Kaya hindi niya alam paano nagagawa ng ibang kaklase niya ang mag-aral ng mabuti, magkaroon ng ibang hobbies, at pasukin pa ang lovelife. Oras nga ng tulog niya ay kulang pa!
"You almost failed the Science exam, Estrella. Kapit na kapit, ah?" komento ng kaibigan niyang si Jackie habang naka-break sila. Hindi siya kumain at nanatili na lang sa library para gawin ang homework para sa next period na nakatulugan niya ulit kagabi.
Napakatraydor talaga ng antok! Or maybe, it is just her... Hindi siya marunong bumalanse ng mga bagay na ito.
"Quiet, Jack. Hindi ako makapag-concentrate," reklamo niya bago bahagyang nilakasan ang binabasa dahil hindi iyon rumirehistro sa isip niya.
Sumilip ang kaibigang si Angel sa librong binabasa niya. "May rehearsals ka mamaya, 'di ba? Susunduin ka ba ng pinsan mo?"
Her friend was asking about Levi, her cousin. Doon din ito nag-aaral sa pinapasukan niya pero magkaiba sila ng section. She was on the star section, this makes it more pressuring.
"I'm not sure, Gel. You can just ask him," tugon niya na hindi ito nililingon.
Narinig niya ang pagrereklamo nito. "Hindi naman ako pinapansin no'n."
Tumawa si Jackie. "Alam mo naman pala, Gel. Interesado ka pa rin?"
Marahas siyang napabuntong-hininga. She rolled her eyes in frustration. "Dito talaga kayo magkukwentuhan?"
"Gusto sana kitang pakopyahin na lang, Es. Pero hindi rin ako sigurado sa sagot ko. Either papasa tayong dalawa o babagsak tayong dalawa," si Angel na natatawa pa.
Tumango si Estrella. Wala naman siyang plano na kumopya sa gawa ng iba. She wasn't that dependent. And it isn't good to be dependent that way. She really hates failing but she doesn't want to pass through cheating.
"You should get a tutor, Es. Malaking tulong 'yon. You know, Lim is tutoring me," suhestiyon ni Jackie na ang tinutukoy ay ang kasintahan nitong alumni na nila.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 7: Past, Present, and Forever
RomanceLumaki si Estrella Cassandra na ang katuwang ay ang daddy niya. She was very fond of her father. He's her idol and her hero. Naniniwala siya na hindi na nila kailangan ng ibang tao na bubuo pa sa kanila. At siguradong ganoon din ito sa kanya. They c...