Nasa labas pa lang si Estrella ng private resort kung saan gaganapin ang reunion nila ay dinig na dinig na ang malakas na ugong ng musika sa loob.
Inihimpil niya ang kotse sa mga nakapilang sasakyan doon. Maaga pa naman pero mukhang marami na ang dumarating. Siguro ay hindi lamang nga ang section nila ang nasa loob.
Sinipat ni Estrella ang itsura niya sa rearview mirror. Light lang naman ang make-up niya and this is her usual outdoor look. Kung hindi naman kasi kailangan sa trabaho ay hindi siya masyadong makolorete sa mukha. But then she felt flustered. Hindi niya alam bakit para siyang nakukulangan sa gayak niya.
She was wearing a high-waist blue pants with tucked in white long sleeves see-through top with black tube underneath and a pair of black stilettos for her feet. Hinayaan lang niyang nakalugay ang mahabang buhok na nilagyan niya ng maliit na butterfly barrette para magmukhang masigla.
She's actually presentable. Simple but classy. Pero talagang may kulang!
Imahinasyon mo lang 'yan, 'day! Gusto mo lang na ikaw ang magiging pinakamaganda ngayon sa mata ng Engineer mo! kastigo ng isang bahagi ng isip niya.
Mabilis niyang ipinilig ang ulo para mapalis iyon. Ni hindi nga niya alam kung darating si Wayne dahil wala naman na siyang narinig dito mula nang mag-dinner siya sa bahay ng mga ito ilang araw na ang nakakaraan.
Hinugot niya sa bag ang dalawang shade ng lipsticks na lagi niyang bitbit. Red and Nude. Nude always goes for her soft features kaya iyon ang madalas niyang gamitin. Tonight, she'll go with the red shade. Dahil... wala lang. Mas mukha lang pormal.
Nang makumbinsi ang sarili sa gayak ay lumabas na siya ng sasakyan. Bukas ang malaking gate at ipinakita niya lang ang imbitasyon sa nagbabantay. From a distance, she could already see the huge hall where the loud music is coming from. Kahit ang mga tawanan ay umaabot din sa pandinig niya.
"Well, the beauty queen is here!" sigaw ni Jackie na mamataan siya.
Naghiyawan ang mga naroon at halos hindi na niya malaman kung sino ang mauunang batiin nang salubungin siya. Some are familiar faces, some are not. O siguro ay hindi na lang talaga niya nakikilala dahil sa tagal na panahong lumipas.
"Aba, akala namin hindi ka sisipot!" ani Angel na niyakag siya sa lamesa nila.
Iginala niya ang paningin sa pagkakaayos ng hall na siguradong ang mga kaibigan niya rin ang gumawa. It was almost the same as what their prom looked like before. May malaking banner ng batch nila sa maliit na stage na naroon. Pero ang talagang nakakuha ng pansin niya ay ang mga batang nagtatakbuhan sa paligid ng hall. Mas masigla tuloy ang paligid dahil sa tawa ng mga ito.
"Si loverboy?" bulong ni Jackie nang makaupo sila. Hindi na niya kailangan pang hulaan kung sino ang tinutukoy nito. "Nabigay mo ba ang invitation?"
Nagkibit-balikat siya. "Alam niya. Pero 'di ko na sigurado kung pupunta siya."
Sumimangot si Jackie. "Nag-away kayo, 'no?"
Natatawa siyang umiling. "Bihira nga kaming mag-usap tapos mag-aaway pa kami?"
Hindi nakasagot si Jackie nang tawagin na ito para magbigay ng speech. Mas maganda kung ang batch valedictorian sana ang magbibigay niyon kaso ay simula na ang kasiyahan pero wala pa kahit anino nito. Maybe he's working... there must be a reason.
Umangat ang kilay niya sa itinatakbo ng isip. Ano naman kung ayaw lang talagang pumunta, 'di ba? She should just enjoy the company, really!
"Of course, what's a reunion without the memories, 'di ba?" halakhak ni Jackie.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 7: Past, Present, and Forever
RomanceLumaki si Estrella Cassandra na ang katuwang ay ang daddy niya. She was very fond of her father. He's her idol and her hero. Naniniwala siya na hindi na nila kailangan ng ibang tao na bubuo pa sa kanila. At siguradong ganoon din ito sa kanya. They c...