"Hindi talaga ako makatulog. Seryoso ba kayo matutulog lang tayo?"
Napatagilid ng higa si Estrella nang magsalita si Marinela na kanina pa daldal ng daldal. Hinigpitan niya ang yakap sa maliit na teddy bear na napanalunan ni Wayne sa isang game sa SkyRanch kanina. Halos hatinggabi na pero sa halip na makatulog dahil sa pagod ay hindi man lang siya dinadapuan ng antok.
"May pinuslit akong mga flavored beer kanina. Ano, game?"
Napabangon si Marge. "Dapat kanina mo pa sinabi!"
She growled in frustration nang hilahin ng kaibigan ang kumot niya. "Nagpapanggap ka pang matutulog, pwede ba, Estrella!"
Nakarinig siya ng tawa galing sa kung sinong kaibigan niya.
"So ano'ng nangyari noong nasa ferris wheel kayo?" umahon si Muse mula sa pagkakahiga nito sa lapag. Lumundo ang kama nang tumalon ito roon.
"Wala," tipid na sagot niya at iwinaksi ang kamay ni Muse na hinihila ang t-shirt niya.
"Wala, as in? Hindi kayo nag-kiss?" si Yhen.
Muntik na siyang masamid sa panunuyo ng lalamunan.
"Kiss? Bakit may kiss?" nasindak siya.
Naitirik ni Muse ang mga mata. "God! Just kiss and make up already! Ang aarte niyong dalawa! Ganda ka d'yan?"
Mapait siyang natawa. "Come on, Muse. It's not like I could just run and throw myself on him. I barely even know him. It's been ten years. Hindi na kami mga bata."
"Exactly!" Hinila nito ang buhok niya. "Hindi na kayo mga bata. At nako, Estrella Monipelier, tigilan mo ako d'yan sa ten years na 'yan. If your heart still recognized the same feeling from years ago, it's just a fucking time."
"True that!" magkapanabayan pa sila Yhen at Chesca. Nagtawanan ang mga ito at ipinagbangga ang mga bote.
Right, they should be sleeping but they aren't. Nakasalampak sila ngayong lahat sa sahig habang ang mga bote ng San Mig ay nakakalat sa gitna.
"Ano na ba iyong kay Yunis? Sila ba?"
Lumagok muna siya ng beer bago sumagot kay Marge. It was just one bottle down for her pero nagsisimula nang mag-init ang mukha niya.
Oh, well, if she would like to give her friends a good talk, a little alcohol on her system might help. Dahil kung hindi ay pipiliin niya na lang itulog ang mga naiisip kaysa ikuwento pa iyon.
"Hindi raw. But it was probably her sister."
Suminghap si Cloe. "Sister naman ngayon? Ang dami palang side characters, ah!" tumawa ito.
"She's the architect of his house. I don't know. She really seemed to like him."
"Nakilala mo na pala. Ano ang sabi ni Wayne?" si Siena ang nagtanong.
Nagkibit-balikat siya. "Wala lang daw iyon."
"O, gaga ka? Wala naman pala, eh!" sikmat ni Bree bago pinitik ang hawak na bote. "Ito... feeling ko magandang pamukpok 'to sa'yo, eh."
Ngumiti siya at umiling. "It's not that easy, Bree. Kahit hindi nagbago ang tingin ko sa kanya sa loob ng sampung taon na iyon, paano mo naman masisigurado na ganoon din ang kanya?"
"Alam mo, girl..." si Yhen na umusod pa sa pwesto niya. "Isang bagay na natutunan ko sa ganyan, kapag nahihirapan kang pagkatiwalaan ang isang tao, paniwalaan mo kung paano mo siya minahal."
"Preach!" yumukod si Marinela at ibinaba pa ang dalawang mga kamay sa sahig para purihin ito.
"My father did that, Yhen. Sobra-sobra pa nga. And look what happened after."
BINABASA MO ANG
Girlfriends 7: Past, Present, and Forever
RomanceLumaki si Estrella Cassandra na ang katuwang ay ang daddy niya. She was very fond of her father. He's her idol and her hero. Naniniwala siya na hindi na nila kailangan ng ibang tao na bubuo pa sa kanila. At siguradong ganoon din ito sa kanya. They c...