Chapter Ten

736 30 2
                                    

Alanganing napangiti si Estrella nang sa pagbukas ng pinto ay babae ang sumalubong sa kanya. Mukha pa itong aburido at ang mga mata ay bahagya pang namumula na mukhang galing lang sa kakaiyak.

This scene felt so surreal... Pumunta ka sa bahay ng lalaki, babae ang nagbukas ng pinto, and all those dirty ideas will cloud your mind... and then you'll just leave feeling betrayed. A perfect scene straight from the movies.

Kaso, hindi naman ganoon ang nangyari sa kanya. Because it's too impossible to become suspicious about it... The girl looks so much like Wayne! A young, girl version! Unang tingin pa lang ay alam na niyang magkadugo ang mga ito.

"Hi..." bati niya. Hindi alam ni Estrella kung tama bang inimbitahan niya ang sariling magpunta rito o dapat ay sumunod na lang siya sa naging usapan nila ni Wayne.

"You are?" kaswal na tanong ng babae na pinasadahan siya ng tingin.

"I, uh... I'm here for Wayne. I'm Estrella... a friend."

Saglit na pinakatitigan nito ang mukha niya bago tinutop ang bibig. Nawala ang mukhang pagkairita nito. The girl even squealed, much to her surprise.

"Estrella? Wow! It was so soon to meet you!" natatawang wika nito habang siya ay natutulala. "Where are my manners? I should call you Ate? Yep, I should... I'm Nikki, Wayne's my Kuya."

Napatango siya. "Oh, right..."

Nasabi na ni Wayne na may kapatid ito pero namamalagi sa ibang bansa. Actually, buong pamilya nito ang nasa ibang bansa. His parents are both working abroad. Ito lang ang nasa Pilipinas habang naghihintay na ma-approve ang migration papers. Ang kapatid naman nito ay doon na sa Amsterdam ipinanganak. Wayne was staying with her grandmother before kaya pinili nitong manatili sa Pilipinas dahil lumaki ito na nasanay na Lola ang kasama. His grandmother died about two years ago... but he still chose to stay for some reasons.

"Pasok ka, Ate Estrella... Sorry for the attitude. Nabitin kasi ako sa pinapanood ko," natatawang paumanhin nito bago itinuro ang TV kung saan naka-pause ang eksena ng dalawang sikat na artistang sila Bea at John Lloyd.

"It's fine... Uh... Nandito ba Kuya mo?"

"Hindi pa bumababa, e. Tatawagin ko na lang. May usapan ba kayo?" nakangising tanong nito.

"Dapat. Pero okay lang."

Tumango si Nikki at nagmamadali nitong inakyat ang ikalawang palapag. Iginala niya ang paningin sa paligid. Sakto lang ang laki ng bahay pero presko sa mata. The house was generally made from stones and woods. Kompara sa bahay nila na puro modern furnitures, karamihan dito ay vintage na kahit halata ang kalumaan ay bakas pa rin ang pagiging matibay sa tagal ng panahon.

Wayne lives here alone, basically that explains the minimalism. Kaya maluwag at maaliwalas ang paligid niyon.

"What are you doing here?"

Lumingon siya sa nagitlang si Wayne. Mapupungay pa ang mga mata nito na halatang nanggaling pa sa mahimbing na pagkakatulog. Ang buhok ay tila dinaanan lamang ng mga daliri. Bahagya pa ngang tabingi ang pagkakasuot nito ng salamin. He looks adorable, though... Parang gusto niyang mapahagikgik.

"Good morning... Hindi kasi kami natuloy ng alis ni daddy kaya dumiretso na ako rito. Wala rin naman kasi akong ibang gagawin."

Katulad nang pinandigang paniniwala ni Wayne ay nanalo si Estrella sa school pageant. And Wayne didn't miss it as he promised, sa unang row pa nga ito nakaupo katabi ng mga kaibigan niya. Parang nawala ang katahimikan at awkwardness nito sa bawat malakas na palakpak at hiyaw tuwing lalabas siya ng entablado. Daig pa ni Wayne ang daddy niya na natatawa na lamang sa pagka-hyper nito.

Girlfriends 7: Past, Present, and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon