Hindi alam ni Estrella kung bakit sa kabila ng mga ginawa niyang pagkastigo sa sarili ay nagising na lang siya isang araw na lulan ng sasakyan patungo sa SMX Convention Center kung saan gaganapin ang construction expo nila Wayne. Kagabi lang siya nag-confirm pero si Nikki ang tinawagan niya. Kaninang umaga ay nagpadala na kaagad ito ng damit na sponsored ng Pick Nikki's.
It's a good thing, though. Lalo pa at hindi naman niya alam ang dapat suotin.
"Anong oras ang tapos mo mamaya?" tanong ni Levi na siyang naghatid sa kanya dahil hassle pa ang magbitbit ng sasakyan.
"Not sure. Around 5pm siguro? Tatawagan kita."
Tumango ito. "I'll be around the area."
Marami-rami na rin ang tao pagdating niya ng SMX. Particularly ay iyong mga nag-aayos ng booths. May mga nakita rin siyang pamilyar na mukha ng mga modelo na palagay ni Estrella na minsan na niyang nakasama sa ibang events.
Hindi siya nahirapang hanapin ang booth na pakay niya dahil nasa may bandang bungad lang ang Way Worx. Napalunok siya nang makita kaagad na nakatayo roon si Wayne na nakakunot ang noo habang may kausap sa cellphone.
He was wearing a fitted blue polo shirt na lalong nagpapadepina sa matitipunong braso nito. Ang itim na pantalon ay tamad na yumayakap sa solidong hita at mga binti. May white cap din na suot ito na may tatak ng pangalan ng firm.
Napalingon ito sa gawi niya nang siguro ay mahalata ang kanyang panonood. Napatikhim siya at napaiwas ng tingin. She saw him walked towards her from her peripheral vision.
"Hindi ka nagsabi sa akin, sana pinuntahan kita sa labas," nakataas ang kilay na sabi ni Wayne bago walang kaabog-abog na pinasadahan siya ng tingin.
Bumaba rin tuloy ang tingin niya. Black off-shoulder top, white pants, and black high-heeled ankle boots. Siya na rin ang nag-make up sa sarili na ibinagay niya sa kulay ng suot at ang buhok ay naka-high ponytail.
Hindi siguro ka-"revealing" katulad ng mga nakikita niyang suot ng ibang models doon pero mukha naman siyang presentable.
"This is from your sister," saad niya bago pa kung anong pagpuna ang gawin nito.
Marahang pinaglaruan ng mga daliri ni Wayne ang lower lip nito.
"You're perfect."
Nag-init ang mga pisngi niya. "Huh?"
"You're supposed to advertise Way Worx. Pero mukhang ang Way Worx ang nag-a-advertise sa'yo," nagsalubong ang mga kilay nito. "Pumasok ka rito ng ganyan?"
Atubili siyang tumango habang pilit na pinapagpag ang tila kung anong hangin na sumisirko sa tiyan niya dahil sa papuri nito. Hindi naman na bago kay Estrella ang papuri pero taob lahat ng mga narinig niya dahil sa sinabing iyon ni Wayne. Pathetic!
"Kaunti pa lang naman ang tao sa labas kaya wala naman masyadong lumapit."
Umigting ang panga nito at bumuntong-hininga. Umangat ang kilay niya nang tumalikod ito at bumalik sa booth. Sumunod naman siya.
Bakit ang sungit?
Namangha siya nang makita ang mga miniature sa booth na nakapaloob sa malalaking salamin. May resort, condominium units, even malls. Ang mga kilalang establisyemento ay naka-flash sa LCD screen ng booth kahit ang future projects ng firm.
Napailing si Estrella sa sarili. This booth would actually function without her, though. Sapat ng advertisement ang lahat ng naging proyekto ng Way Worx at siguradong mapapansin kaagad ang booth nito. Bonus na lang siguro na physically present ngayon ang head engineer ng firm.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 7: Past, Present, and Forever
RomanceLumaki si Estrella Cassandra na ang katuwang ay ang daddy niya. She was very fond of her father. He's her idol and her hero. Naniniwala siya na hindi na nila kailangan ng ibang tao na bubuo pa sa kanila. At siguradong ganoon din ito sa kanya. They c...