Chapter Four

682 26 0
                                    

Estrella didn't know how ego is such a crucial thing for man until this happened. Sobra yatang nasugatan ang pride ni Travis sa ginawa niya noon kaya bumawi ito sa ibang paraan. Now she was on the receiving end of his wrath. Kating-kati tuloy siyang mahanap si Travis at mabawian ito sa kagaguhang ginawa.

Base sa sinabi ni Muse kay Estrella, Travis introduced himself to Yunis as her friend. At siguro, dahil sa sobrang kagustuhan ni Yunis na mapalapit sa mundo niya ay naging magiliw ito kay Travis. Kapagkuwan ay inimbitahan ni Travis sa Yunis sa cottage nito para humingi ng tulong na kausapin ang kapatid nito na malaki ang problema sa pag-ibig. Naniniwala raw si Travis kay Yunis na makikinig ang kapatid sa huli dahil masyadong "positive" ang isip nito. What a fucking thread of story, isn't it? Bukod sa wala namang kapatid si Travis ay ganoong-ganoon ang paraan nito para may madala sa kama.

Buti na lang at may isang guest ang nakakita kung saan dinala si Yunis at alam nito na kasama ni Yunis ang Girlfriends sa party. Kaya nang magsimulang hanapin ng mga kaibigan niya si Yunis at magtanong-tanong ay nasabi ng guest kung nasaan ang mga ito. If her friends came a little later, baka kung anong kademonyohan na ang nagawa ni Travis kay Yunis.

Yunis was saved. Pero dinala ito sa ospital dahil sa shock na inabot nito. At hindi alam ni Estrella kung ano ang magiging reaksyon ni Yunis kapag nakita siya. Why, Travis told Yunis that it was Estrella's plan to get her out of the way! Alam pala ng hudyo na fiancee ito ng daddy niya na na-overheard nito mula sa mga kaibigan niya. And it would probably be a convincing story for anyone dahil hindi naman niya itinatago sa mga kaibigan ang pagtanggi sa kagustuhan ng ama na magpakasal.

And her father... God! How would her father react upon learning all these? Travis was nowhere to be found dahil ora-orada itong umalis matapos isisi sa kanya ang lahat. Everyone was waiting for Yunis to talk. At sa paraan ng naging pakikitungo niya rito, hindi malabo na maniwala ito na pinagplanuhan niya iyong lahat. And yet... deep down... she was hoping Yunis would not. Her bitchiness would never make it this far.

"Hinahanap na ng management niya si Travis at humingi na rin sila ng tulong sa mga pulis. But you got to brace yourself, Estrella. Marami ang nakaalam ng tungkol sa sinabi ni Travis and this is already circulating in the social media. We are trying to control this situation but we can't guarantee that it won't reach your father," pagkausap sa kanya ng manager ng Girlfriends na si Madam Chay mula sa kabilang linya ng telepono.

Huminga siya ng malalim at napahilot sa sentido. It doesn't sound like a good plan but she's not planning to keep this from her father. Pero hindi alam ni Estrella kung paano iyon sasabihin nang hindi magdudulot ng emotional stress sa ama.

"What are the chances of fixing this, Miss Chay?" tanong niya.

"Well, the most important thing is Yunis' statement, of course. Kapag sigurado siyang wala kang kinalaman dito at si Travis ang nagpakana ng lahat. You know that the public sympathy goes out to her, right?"

"Yes."

"You can release a statement right now to defend your side but..."

Tumango siya dahil agad niyang nakuha ang punto niyon. "It's not a good idea, Miss. People would think I'm guilty."

This is the entertainment industry. Defending yourself makes you guilty. Kaya wala siyang magagawa ngayon kundi ang maghintay.

Nang matapos ang tawag ay naisubsob ni Estrella ang mukha sa mga palad. Maybe, she's really guilty, anyway. Nang kausapin pa lang siya ni Travis ay alam niyang may interes ito kay Yunis. At hindi man niya alam na paraan nito iyon para sirain siya, still, this would have not happened if she told Yunis about it. Pero hindi. She kept her hands out of it when she could have done better.

Girlfriends 7: Past, Present, and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon