Ikaanim na kabanata

69 2 0
                                    

Maaga akong nagising parang wala pa si Teodora, nag asikaso na ako dating routine lang din, maligo at magsuot ng saya wala naman akong magagawa ni siko nga bawal makita pati sakong.

Nang makababa ako nadatnan ko sila na nag aalmusal, andun si Teodora tumutulong sa gawaing bahay.

" Magandang umaga Binibining Cecelia" - bati saakin ni Teodora, ngumiti lang ako sa kanya saka binaling ang atensyon sa aking mga magulang at mga kapatid. Si ama  na nagbabasa ng dyaryo, at hindi ako makapaniwala na ang nakalagay dito ay LA LIGA FILIPINA.

" Ipapatawag ka na sana namin kay Teodora, subalit nagdalawang isip kaming ipatawag ka sa Kadahilanan hindi ka naman sumasabay sa amin sa agahan"- paliwanag ng aking ina, ngumiti naman ako saka umupo

" Ama tungkol po ba saan ang binabasa ninyo" - mapangahas kong tanong saakin ama na si Don Pascual, hindi sya tumigil sa pagbabasa subalit pinahayag nya ang nilalaman ng La Liga Filipina

" Kailan ka pa naging interesado sa mga bagay na ito Binibini," - yun lamang ang kanyang sinagot subalit kinilabutan ako

" Ama, Nasa bansang Pilipinas po ako kung ano pong nalalaman nyo ay nais ko din malaman"- sinuway naman ako ni Ina sa pagsagot ko.

" Pabayaan mo sya Josefina, dala lang yata yan ng pagkawala nya ng ilang taon, subalit Cecelia sinasabi ko saiyo anak hindi nababagay saiyo ang mga bagay na ito"- tumahimik nalang ako, ngumiti naman sakin si kuya celso na nagsasabi na okay lang daw yun. Ganun din si Cecelia

" Patawad ama" - yun lang ang nasabi ko, curious lang naman ako, kasi Manila Bulletin na lang nababasa ko. Nang matapos kaming kumain, pinag asikaso kami ni Ina dahil tutungo daw kami sa simbahan upang magpasalamat sa mga biyayang binibigay saamin, inaayos ni Teodora ang aking buhok.

" Binibini may problema ba?" - napatingin ako sa kanya sa salamin, bakas dito ang pag aalala

" Wala Teodora, Salamat sa iyong pagmamalasakit, saka sinabi ko na diba sayo na Lia ang itawag mo sakin pagtayo lang ang tao, nasan nga pala si Miranda"- tanong ko sa kanya, tumingin din sya saakin

" Binibini nasa kabilang bahay si Miranda dahil doon sya nakatalaga na magtrabaho"- tumango naman ako , saka ngumiti.

" Binibini pupunta kayo sa simbahan ngayon para magpasalamat"- nabuhayan naman ako ng dugo ng ipaalala uli ni Teodora na pupunta kami ng simbahan, ngumiti ako sa kanya yung labas ang ipin

" Teodora nais ko sanang lagyan mo ng palamuti ang aking buhok ng sa gayon ay maging kaaya-aya ako sa Diyos"- tumawa sya ng mahina, napatingin naman ako sa kanya

" Binibini lagi kang maganda sa mata ng panginoon kahit hindi ka na mag ayos, hindi lang labas na postura ang maganda sayo dahil napakaganda rin ng iyong panloob na anyo"- tama nga sya, kinuha nya yung belo na kulay puti at inilagay sa aking ulo

" Isang belong puti para sa magandang binibining nasa aking harapan" - tumawa lang ako pero mahina lang. Giliw na Giliw ako sa mga papuri at pag sang ayon nya sa mga bagay bagay

" Maganda ba ang simbahan, gaano na ba ito katagal at Teodora maari ka bang sumama, kayo ni Miranda"- tumingin sya sa mata ko tapos hinawakan ang kamay ko

" Binibini hindi kami maaring lumabas ng inyong tahanan hanggang walang hindi kami pinahihintulutan ng iyong ama,"- nalungkot ako sa sinabi nya pero sobrang higpit nga pala ng panahon na ito

" Ngumiti ka lang binibini sapagkat mas bagay sayo Ang nakangiti" - sabi nya sakin, ngumiti naman ako kagaya ng sabi nya

" Cecelia aalis na tayo" - sabi ni kuya binuksan ko na ang pinto at kitang kita ko kung paano napako ang mga nila ni Teodora, I smell fishy. Nakatayo pa rin si kuya habang ako nakahakbang na palabas ng aking silid

Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon