Isang Araw na rin ang nakakalipas, wala akong ibang ginawa dito sa kwarto kung hindi magdrawing, magtahi at magitara nagsusulat din pala ako ng kwento, wala rin patawag ang mga officer ngayon sheymss bulok na ako dito, si Celestine naman busy rin pero uuwi din yun...
Bumaba na ako kasi magabihanan na ng makasalubong ko si ate Ana, nagulat naman sya at nagulat din ako kung bakit sya nagulat...
" Celine Hindi ka dapat lumabas ng kwarto mo, Gagalitan ka ng iyong nanay"- sabi ni ate ana, nakakawindang naman ito si ate ana kakain lang naman ako hindi naman ako mangugulo
" Ate nagugutom na po ako"- sabi ko sa kanya at naglakad na papuntang hapag kainan, nakita kong kompleto lang para sa apat ang plato at sinasadyang hindi ako isama sa pagkain, nakaramdam ako ng tampo parang hindi ako belong sa pamilya, parang hindi ako anak, nandun na rin si Celestine na halatang kakauwi lang din
" Kala ko ayaw mo pang kumain Lyn"- sabi ni Dad na napatayo at kukuha ng plato.
" Sinong nagsabi na lumabas ka ng iyong kwarto Maria Celine ?"- paupo na ako nung sinabi nya yun, hindi nalang ako umupo dahil pinagtatabuyan na rin naman ako ng aking ina
" Ma, wag ka namang ganyan kay Celine "- sabi ni kuya at sinabihan ako na umupo, tumahimik naman ang lahat at nagsimula ng kumain, bawat pagsubo ko ng kanin parang, sumasabay ang luha ko ansakit lng kasi na habang nagtatawanan sila parang hindi ako kasali sa pamilya parang anlaki ng kasalanan ko ..
Nang matapos ang pagkain pumunta na agad ako sa aking kwarto at nagpatugtog, ang sakit na ipagtabuyan ka, ansakit sakit...
" ate Celine, gising ka pa ba?"- si Celestine, nagkunwari akong natutulog, lumapit naman sya at sumikbay sakin
" ate alam mo ba nasasaktan ako bagay ginaganun ka ni Mommy, hindi ko alam pero parang anlaki laki ng kasalanan ko sayo, ate alam mo ba nanaginip ako nung araw na nahimatay ka, alam mo ba na napaginipan ko na pinaluhod ka raw sa asin dahil sa pagsisinunggaling ko tapos pinadala ka raw ni Daddy sa Espanya, at nagpakamatay ka raw sa barko.. Ate alam kong panaginip lang yun pero sana wag mong gagawin yun masasaktan ako ng sobra ate, mahal na mahal kita kahit na magkaribal tayo, ate alam mo ba na nag iibigan kami ni Sir Rene"- medyo kumirot yung puso ko hindi ko alam pero sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, wala naman akong gusto kay sir pero parang anlakas naman maigi ng kabog ng puso ko parang sasabog
" at alam mo ba ate medyo nagkakalabuan na kami ngayon dahil nararamdaman ko na may iba na syang gusto, at alam mo ba ate hindi ko maitatanggi na nagseselos ako sainyo dumating pa nga yung araw pinag awayan ka namin, Kung dumating man yung time na mainlove sayo si Lean Rene ibibigay ko sya sayo ng buo at walang alintana kasi alam kong makakabuti kung nasa pangangalaga mo sya ate handa akong magparaya wag ka lang mawala, Good night ate Love you"- ramdam ko ang pagtulo ng luha nya habang papalabas at ako naiwan naman ako mag- isa ibig sabihin nanaginip din sya nung napanaginipan ko, pero sana wag na sila idamay ng mga napapanaginipan ko ....
" Ama, ayaw kong lumisan at pumunta ng espanya, gusto kong manatili at makita ang aking iniibig na magtagumpay sa kanyang pangarap"- sabi nung babae habang umiiyak dahik sa kanyang pag ibig
" Gustuhin ko man anak na ikaw ay mamalagi dito sa atin tahanan ngunit hindi maari ayaw kong nakikita kang nasasaktan anak dahil sa iyong pag-ibig at nakikita mo naman na kahit Bata pa kayo ni Celestina, si Celestina na talaga ang tinitibok ng kanya puso, at hiniling din ni Leonardo na ikasal sa kanya si Celestina sa Loob Ng wastong taon"- sabi ni Don Pascual hindi naman napigilan ng babae ang kanyang pag-iyak sa balikat ng ama, masakit man sa ama ang makitang umiiyak ang kanyang anak hindi wala na syang magagawa dahil sa sobrang galit nito na asawa at halos wala ng Panahon na nagiging tahimik ang mansyon ....
BINABASA MO ANG
Mi Amor
Fiction HistoriqueAng istoryang ito ay naganap noong araw kung san nabuo ang himagsikan noong Hulyo 7 1892, at kung saan nagkaroon ng pagkakaisa ang mga pilipino upang wakasan ang pagpapahirap ng bansang espanya.