Ilang araw na matapos ilibing ang katawan ni Cecelia sa Nueva Sicubya, Sobrang nagdadalamhati si Alejandro sa mga nangyayari, yakap-yakap nya ang larawan nila ni Cecelia habang umiiyak
" Don Alejandro dadalhin ko na po muna Cj sa labas para pasikatan sa araw" - tumango nalang si Alejandro.
Maya-maya pa ay dumating na si Celso na kapatid ni Cecelia. Mabilis nitong hinanap si Cecelia, tulala naman si Alejandro na iniabot ang sulat kay Celso. Mabilis iyon binuksan ni Celso at nang mabasa ay pumatak din ang luha sa kanyang mga mata. Mas lalong lumakas ang pagtangis ni Alejandro.
" I-ipagpaumanhin kong tinago ko ang pagkamatay ni Cecelia sapagkat ayaw nyang malaman nyo ito"- sabi nito.
Isang malakas na pagbukas ng pinto ang nakaagaw ng pansin ni Alejandro.
" Jose anong ginagawa mo dito" - mabilis naman sinungaban ni Jose si Alejandro.
" NASAN SYA, SABIHIN MO!! MATAGAL NA PALA KAYO RITO AT BAKIT MO PINAGTATAKPAN ANG MGA SULAT NYA, BAKIT PANGALAN MO ANG NAKALAGAY SA SULAT ALEJANDRO"- sigaw ni Jose, napaupo naman si Alejandro, at nakita ni Jose ang larawan nila noon kinasal sila
" HINDI AKO PAPAYAG, KUKUNIN KO SI CECELIA" - sabi nya at naglibot sa buong bahay habang sinisigaw ang pangalan ni Cecelia.
" Jose wala na si Cecelia" - napatigil naman si Jose sa narinig, hindi sya makapaniwala kaya unti-unting tumulo ang kanyang luha. Iniabot naman ni Alejandro ang huling liham para kay Jose. Binuklat iyon ni Jose at binasa
Jose
Mahal, sa oras na binabasa mo ito ay wala na ako. Mahal ko patawarin mo ako kung nasaktan kita ng sobra, subalit hindi yata talaga tayo para sa isa't isa hindi ako nangaling sa panahong ito, pero masasabi ko na talagang napamahal na sa akin kayong lahat lalo na ikaw aking mahal. Sa paglipas ng panahon hindi ko pa rin malilimutan ang mga ngiti sa iyong mga labi at ang pag-ibig mong walang kapantay hangand ko ang iyong kaligtasan at kaligayan. Te amo Mi Amor
Nagmamahal
Cecelia Mariano" Patawad Jose, Itinago ko ang pangalan ni Cecelia upang hindi malaman ng iyong asawa, namatay si Cecelia sa sakit sa puso ayaw nya rin magpagamot dahil sabi nya saakin pagod na pagod na sya"- halos mabaliw si Jose sa sobrang sakit at panghihinayang hindi nya alam ang gagawin, nakita nya ang isang baul na naglalaman ng gamit ni Cecelia, kompletong kompleto ang lahat ng iyon, pati Camera at Cellphone ni Celine ay naroon.
" Kukunin ko ito" - nang kukunin na ni Jose ang gamit ay pinigilan ito ni Alejandro, subalit hinila pa rin iyon ni Jose at umalis. Tanging si Celso at Alejandro nalang ang natira sa loob ng bahay. Hindi mapigilan ni Alejandro ang pagtangis.
" Minahal mo sya ng higit pa sa kaibigan, tama ba? "- sabi ni Celso at niyakap si Alejandro na tanging pagtangis lamang ang naririnig.
................
Pitong taon na ang lumipas ng pagkamatay ni Cecelia. Fiesta de agosto ngayon subalit mas pinili ng mag-ama na pumunta sa puntod ni Cecelia. Tumakbo naman si Cj kung kaya nabitawan iyon ni Alejandro kasing kulit ni Cj ang kanyang ina. Nadatnan naman ni Cj ang isang lalaki sa puntod ng kaniyang ina, napatingin sa kanya si Jose
" Masama ang tumitig sa isang Ginoo bata" - nakabusangot naman ang bata habang nakatingin kay Jose.
" Mawalang galang na ginoo pero masama rin ang tumitig sa aking ina" - nagpalinga-linga pa si Jose, subalit wala syang makita na kasama ng bata.
" Nasaan ang iyong ina?" - sabi nito, ngumuso naman si Cj at tinuro ang puntod ni Cecelia.
" Sya ang pinakamagandang babae sa Nueva Sicubya ginoo" - nagulat naman si Jose sa bata.
" Sinunggaling"- sabi ni Jose na aalis na sana.
" Cj diba sinabi ko sayo na huwag kang takbo ng takbo, kung nabubuhay lang si inay mo ay naku sigurado akong magagalitan k..... "- natigilan naman si Alejandro ng makita si Jose na nakatingin sa kanila.
" Anak mo? Anak nyo ni Cecelia?" - tanong nya kay Alejandro, hindi naman umimik si Alejandro bagkus kinapitan pa si Cj sa kamay at itinatago sa likod.
" Aalis na kami, halika na Joseph aalis na tayo"- sabi ni Alejandro, tumigil naman ang bata
" Ama galit ka ba saakin"- sabi ni Cj sa ama, umiling naman ito at pinipilit ang anak na umalis na muna
" Subalit tinawag mo akong Joseph, tinatawag mo lamang ako sa pangalang iyan bagay nagagalit ka saakin, at ama kilala mo ba sya"- sabay turo ni Cj sa kanyang tunay na ama gamit ang kaliwang kamay. Nabigla naman si Jose ng makita nya ang porselas ng bata.
" Akin ang bata Alejandro" - mas hinigpitan ni Alejandro ang kapit sa bata.
" Hindi maari Jose, saakin ibinilin ang bata" - sabi nya, kinarga pa nya ang bata at sinabihan na takpan ang tainga.
" Ako ang kanyang ama" - madiin na sabi ni Jose, na ikina-init ng dugo ni Alejandro
" Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo makuha si CJ, mahigpit na ipinagbilin ni Cecelia na ilayo sa saiyo dahil ayaw nyang maging kaawa si Cj na namamalimos ng oras sa kaniyang ama na may pamilya. Gusto nyang mabuhay si Cj na binibigyan ng buong atensyon at hindi nakikihati sa iba"- paliwanag ni Alejandro, nakatingin lang si Cj sa kanila. Para namang binuhusan ng tubig si Jose sa sinabi ni Alejandro
" Kung ganun maari ba akong dumalaw sa inyong tahanan at maari ba na ako nalang ang maging doktor ni Cj kapag nagkakasakit sya"- sabi ni Jose.
" Kung yun ang iyong nais papayagan kita" - sabi ni Alejandro at ibinababa si Cj.
" Nakuha nya ang kakulitan ng kaniyang ina, matalino at magaling rin sya sa lahat ng asignatura nya at sa lahat ng aktibidad"- pagkekwento ni Alejandro.
Simula ng malaman ni Jose na anak nya si CJ lagi nya itong pinupuntahan at kung may sakit lagi nya itong inaalagaan. Kulang nalang ay doon na tumira si Jose sa bahay nila Alejandro. Naging mabuting ama si Alejandro at Jose kay CJ, hindi na rin nag-asawa pang muli si Alejandro kaya nagfocus sya kay CJ at sa kanilang mga negosyo.
Si Jose naman ay ginawang inpirasyon ang anak na si CJ at halos ibigay ang lahat ng oras dito. Nakapagpatayo din ng sariling hospital si Jose matapos ang digmaan. Naging matagumpay ang hospital na patuloy pa rin ang paglilingkod sa kasalukuyan.
Nang mamatay si Jose, nangako sya sa sarili nya na hahanapin nya si Cecelia sa makabagong panahon at ang lahat ng kanyang angkan ay kailangan kumuha ng kursong medisina. Namatay sya sa edad na 98 noong taong 1970 at mas pinili nyang ilibing sa libingan na kung saan nakalibing ang kanyang pinakamamahal.
Wakas
©
Alright Reserved
February 11- May 15 2020
BINABASA MO ANG
Mi Amor
Historical FictionAng istoryang ito ay naganap noong araw kung san nabuo ang himagsikan noong Hulyo 7 1892, at kung saan nagkaroon ng pagkakaisa ang mga pilipino upang wakasan ang pagpapahirap ng bansang espanya.