"Cecelia" - Dalawang boses na sobrang pamilyar ang dahilan ng pag-lingon ko
" Jose at Alejandro" - sabi ko, nakangiti naman si Alejandro tapos hindi ko alam kung bakit ganyan itsura ni Jose, namayat sya.
" Liya how are you? Long time no see" - sabi ni Alejandro, may kasama itong isang Ginoo.
" Magandang hapon binibini" - sabi nung lalaki na hindi katandaan pero masasabi ko na parehas sila ng ngiti ni Ale
" Tomas" - sabi ni Ama, na pare-parehas kaming napatingin
" Pascual" - sabi nito sabay nagyakap, magkaibigan pala sila ni ama
" Syanga pala tomas sya ang aking anak Si Alejandro" - pagpapakilala ni Don Tomas kay Alejandro, parehas kami napatawa ni Ale, ibinalik ko ang atensyon ko kay Jose na nakikipagkamustahan sa kanyang pamilya, parang lumayo lalo yung loob ko sa kanya at ganun din sya. Ang tanging namamagitan nalang saamin ay ang kasunduan
" Halika kana, maigi siguro na sa bahay na tayo magkamustahan, Ako'y nalulugod sa pagdalo mo sa aking imbitasyon"- sya pala mismo ang nagpapunta sa kanila, naki gulo naman si Don Cristomo sa kamustahan, magkaibigan pala sila. Ngumiti lang ako kay Alejandro at dumiretso na sa karwahe, habang binabaybay ang daan pabalik ng mansyon, kinukulit ni Clara si Celestina, si Celestina naman ay magiliw na nagkekwento kay Clara
" Celestina alam mo ba yang si Cecelia madami na yang natutunan saka ang galing galing nya magpinta, ipinintq nya kaming tatlo nila ina at ipininta ka rin nya pati na rin si Celso"- sabi nya, dito ko rin naiintindihan na hindi masyadong gumagamit ng kuya at Ate kadalasan ay sa pangalan lang tinatawag.
" Totoo ba yun Cecelia" - sabi ni Celestina, tumango naman ako
" Nababatid ko rin ang pagbabago mo Cecelia hindi ka naman ganyan katahimik, kanina pa kita sinusubaybayan, laging kang tulala at kung nakakalunod lang ang pag-iisip sigurado akong patay ka na"- seryosong sabi nya saakin, ngumiti lang ako.
" Hindi naman, Iniisip ko lang kung anong itsura ng Maynila"- sabi ko sa kanya, napahinga sya ng malalim. Sasabihin daw nya sakin pagdating sa bahay, Ng makarating kami sa bahay nandun din si Alejandro at ang kanyang ama, nag uusap sila ni Ama
" Nandito na pala ang aking mga munting Binibini, Tomas sya nga pala ang aking panganay na Dalaga si Cecelia, sya naman si Celestina at ang aking munting anghel si Clara"- nagmano kami tapos nag act naman si Clara na parang isang prinsesa
" Magandang hapon mga binibini, Nais ko naman ipakilala sainyo ang aking nag iisang anak Si Alejandro"- tumayo ito at bumati
" Ipagpaumanhin nyo sapagkat hindi pa gaanong sanay si Alejandro dito sa Pilipinas kahit mahigit anim na taong na syang naririto sa pilipinas"- paliwanag ng tatay nya na si tomas
" Nalulugod po kaming makilala ang inyong anak Don Tomas" - ngumiti lang ako, tapos nakangiti lang din si Alejandro saakin na Parang bata na sobrang nanabik sa kaibigan.
" Don Pascual, ama maari po ba akong maglibot libot sa inyong tahanan"- sabi ni Alejandro na naghahanap ng daan para makapag-usap kami.
" Oo naman kung papayag si Pascual" - sabi ng kanyang ama
" Bakit hindi, para ka namang iba Tomas" - tumingin si ama sa aming dalawa ni Celestina
" Celestina maari mo bang samahan si Alejandro sa paglilibot-libot sa ating tahanan"- alam kong sobrang pagod si Celestina sa byahe subalit wala rin itong magagawa dahil pag si Ama ang nag utos wala na syang magagawa
" Mawalang Galang na po Don Pascual, subalit batid ko na pagod si Binibining Celestina kaya maari po bang si Li-, si Binibining Cecelia nalang ang sumama, magkakilala na rin naman po kami"- tumango lang si ama, pare-parehas kami nag aantay ng sagot
BINABASA MO ANG
Mi Amor
Historical FictionAng istoryang ito ay naganap noong araw kung san nabuo ang himagsikan noong Hulyo 7 1892, at kung saan nagkaroon ng pagkakaisa ang mga pilipino upang wakasan ang pagpapahirap ng bansang espanya.