Nagising ako na masakit ang buong katawan ko, sinubukan kong imulat ang aking mabigat na tulikap, wala si Jose sa tabi. Ang tanga mo talaga baka bakit mo kasi ibinigay lahat ang palpal mo girl
" Magandang umaga mahal ko, halika na at kakain na tayo" - nabunutan ako ng tinik ng makita ko ang magaganda nyang ngiti, sana hindi na ito matapos, alam kong mali ito subalit hindi ko ito maitatanggi na napakasaya ng aking nararamdaman. Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko ng maalala ko ang nangyari kagabi. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya, I feel ashamed. Lumapit sya saakin at hinalikan ako sa noo.
" Huwag kang mahiya mahal ko, ginusto natin parehas iyon at sigurado akong wala ng makakapigil sa pagmamahalan natin"- umupo pa sya sa kama at hinawakan ang kamay ko.
" Baka mahuli tayo ni tanya mahal ko" - sabi ko sa kanya, ngumiti sya ng walang pag-aalala
" Huwag kang mag-alala, hindi ito alam ni Tanya, kami lang nila Leandro ang nakakaalam nito, kaya halika kana kakain na tayo"- sabi nya, maigi pa siguro wag ko na munang isipin ang kasal na magaganap bukas, ang iisipin ko ay ang meron saamin ni Jose. Inalalayan nya ako tumayo naging maayos agad ang pakiramdam ko, magaling na doktor si Jose kaya mabilis akong gumaling. Pagkarating namin sa hapag kainan may nakahain na.
" Wala ka na bang nararamdaman masama mahal ko?" - tanong nya saakin.
" Meron akong nararamdaman"- sabi ko sa kanya, ngumiti naman sya at lumabas ang kanyang biloy at ang kompletong ngipin, ang gwapo nya
" Siguradong saakin iyang nararamdaman mo" - tumawa pa sya, ako yata ang namula saakin yung linyahan na yun
" Haha ang daya mo talaga, maigi pa kumain na tayo," - sumangayon naman sya, sinandukan nya pa ako ng kanin tapos ulam
" Binibini masamang tumitig sa isang ginoo"- sabi nya, ayaw talaga nyan Tinitingnan sya ng matagalan nauuyo sya
" Jose" - sabi ko sa kanya, kaya napatingin sya, kumindat ako tapos tumawa
" Talagang napaghahalataan na baliw na baliwa ka saakin sinta"- sabi nya na ikinatigil ko, ako daw baliw totoo naman aangal pa ba
" Jose" - natatawa ako sa itsura nya, hindi mawari.
" Ano iyon mahal ko?" - sabi nya tapos sinubo yung kanin
" Jose"- naiirita na tumingin sya saakin
" I love you mi amor" - ngumirit sya tapos uminom ng tubig
" Narinig ko na yan binibini, I love you too, te amo mi amor" - naks naman taray naman ng bebe ko
" Otso"- sabi ko kumunot naman ang noo nya, tapos ngumuya.
" Ano naman ibig sabihin ng otso,?" - sabi nya saakin, na mukang nahihiwagaan.
" Binububuo ng walong letra ang salitang I Love you kung kaya naisip ko na kapag maraming tao at gusto mo akong sabihan ng I love you, ang sasabihin mo lang ay otso o walo okay"- mas lumawak ang ngiti nya, tapos nag isip isip, ang korny ko diba
" Otso mi amor" - sabi nya saakin, tumawa lang ako tapos sinubo yung kanin
*Booooommmmm*
Isang malakas na pagsabog ang sumira sa magandang araw ko, kaagad naman kaming bumaba at dumapa. Anong date ba ngayon, pagtingin ko sa kalendaryo na maliit ay December 17, wala akong matandaan
" Jose anong nangyayari?" - tanong ko sa kanya, tumingin sya saakin
" Maigi pa siguro magpalit ka na ng iyong baro't saya binibini sapagkat nagsimula ng lumusob ang mga katipunero sa bayan"- mabilis syang kumilos, ganun na rin ako sunod sunod ang mga pagsabog at mga putok ng baril kahit medyo malayo saamin ay rinig na rinig ko pa rin iyon.
BINABASA MO ANG
Mi Amor
Ficción históricaAng istoryang ito ay naganap noong araw kung san nabuo ang himagsikan noong Hulyo 7 1892, at kung saan nagkaroon ng pagkakaisa ang mga pilipino upang wakasan ang pagpapahirap ng bansang espanya.