ika-sampung kabanata

36 2 0
                                    

Napahikab ako sa sobrang antok, bakit kasi ginaganap ang mga sayawan dito nakakaantok. Siniko ako ni Ina ng makita ang mga hindi kanais nais kong ginagawa. Kawasa nakakaantok, andami pangkandila tapos nagsasalita pa yung prayle na puro kayabangan ang ginagawa.

" Celestina nagugutom ako" - sabi ko, hindi kasi ako kumain ng gabihan kasi excited ako, pero ang boring pala

" Diba sinabi ko naman sayo na kumain ka muna, ang tigas kasi ng ulo mo" - para talagang matanda magsalita si Celestina

" Busog pa kasi ako kanina saka hindi ko naman na labis na nakakainip ang gabing ito" - nanlaki ang mata nya, totoo naman kasi sobrang tagal magkainan.

Natapos na ang pagispeech-speech nung pari at una una na akong lumabas gutom na gutom na kasi ako. Humiwalay na din ako kila Celestina. Di kalaunan ay nasumpungan ko si Jose na walang kasama at parang may hinahanap. Nang mapasadahan ako nang mata niya ay ngumiti ito saakin.

"JOSE!" - sumigaw ako nang sumigaw at di ko namalayan na di pala kaaya - ayang tignan ang ginawa ko. Nang malapit na ito saakin ay kinapa ko ang bulsa ko at umaasang may makapa akong pera. Sa kasamaang palad wala, nasa harapan ko na ngayon.

"Ano ang hinahanap mo binibini?" - tanong ni Jose saakin habang napakalawak nang ngiti. Di ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako kay Jose at nakapasok parin yung kamay ko sa aking bulsa.

"Binibining Cecelia ako ay nagaalangan kapag ako ay natunaw" - naalimpungatan ako sa sinabi ni Jose. Ngumiti nalang ako ng bahagya at inilabas ko ang kamay ko sa aking bulsa habang naka-oppa sign. Hindi ko namalayan yung ginawa ko. Eww self ano bang ginagawa mo, para akong nalipang siguro ay epekto nang kakanood nang mga video sa tiktok. Natawa naman si Jose sa ginawa ko at nag-oppa sign din.

"May alam ka bang kainan dito?" - ngumiti naman si Jose.

"Binibini hindi ko inaasahan na ako ay bibigyan mo ngayon nang senyas na puso hindi ko mawari ang iyong ginawa ngunit sa tingin ko ay dala lang iyan ng gutom"- hindi ako nakaimik, sabagay may point  naman siya ngunit hindi ko namalayan yung mga ginagawa ko pag kasama ko na siya.

"Basta tara na gutom na ako" - abot tainga nanaman yung ngiti niya sa di ko mawaring dahilan. Pinagtitripan ba ako nang isang tohh ngayon. Dapat pala di na ako humiwalay kila ina nakakahiya ang pinagagawa ko ngayon.

"Binibini nasaan na sina Celestina ako ay nagtataka sapagkat wala kang kasama" - bakit parang pinagsisisihan na kasama niya ako ngayon "Ako ay nagaalangan lamang na baka ikaw ay mapahamak"-dag dag pa nito.

"Huwag kang magalala kaya ko naman ang sarili ko. Mukhang ayaw mo akong makasama. Gusto ko lang naman samahan mo akong umuwi di ko na kasi alam kung nasaan na sina Celestina may pupuntahan pa daw kasi sila, kasi gutom na talaga ako" - paliwanag ko naman kay Jose. Kanina kasi sabi saakin ni Celestina may pupuntahan pa daw sila nila ina. Sa sobrang inip at gutom ko humiwalay na ako sa kanila.

"Binibini wala ngayong mga nagpapasadang kalesa sapagkat ngayon ay may pagdiriwang at wala rin ngayong bukas na panciteria o kainan. Kung iyong nanaisin ay maglalakad tayo papunta sa inyong hacienda" - saad ni Jose. Ouch nakakahilo yun malayo-layo din yun ngunit ayus lang sanay naman ako dahil sa training.

"Fight na!" - kaya ko pa naman maglakad. Nakatatakda naman kaming ikasal magpabuhat nalang kaya ako o bumaba , erase, erase ano ba yan self kung ano ano pa iniisip mo.

"P-payt?"- nagtataka na si Jose sa pinagsasabi ko ngayon.

"Ahh,ang ibig sabihin noon ay laban na maglalakad na ako pauwi basta huwag mo akong iiwan"- napalitan nanaman ang pagtataka niya nang malawak na ngiti.

Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon