ika-dalawangpu't isang kabanata

45 3 0
                                    

Unti-unti kong ginalaw ang aking kamay, ang sakit ng katawan ko. Sa pagmulat ng aking mata puro puti ang aking nakikita at isang lalaki ang aking nasa tabi. Napabangong ako ng napagtanto ko na panaginip lang ang lahat. Hindi maari may mga luha ako sa aking mata at patuloy pa rin ang pagtulo nito.

" Gising na si Ma'am" - sabi ng sundalo na nasa sofa ng hospital. Panaginip lang ang lahat pero paano nangyari na ako si Celine at Cecelia lahat ba may koneksyon sa buhay ko.

" Captain Sandy F Portugal maigi naman at gising kana, sabi ng doktor na maigi nalamang daw na hindi ka napuruhan"- nabaril ako sa misyon namin. Ako si Sandy F Portugal isang sundalo at nabaril ako sa private mission namin. Wala akong kilalang Celine at wala akong kilalang Soliman.

" Sandy nag-alala ako sayo ng sobra-sobra, sa isang linggo na pagkakacomatose mo laging tumutulo ang luha mo, Sgt. Abilla call a doctor immediately"- sabi ni Carlos, my best friend and partner in crime. Totoo ba ito gising na ako.

" Caloy!! Kurutin mo nga ako o kaya sampalin mo manlang" - nagulat sya sa sinabi ko tapos biglang tumawa.

" Siraulo ka ba, kagagaling mo lang sa comatose magpapasampal ka kaagad tsk!!!"- sabay kurot saakin.

" Arayyy, totoo nga nasa present na ako"- sabi ko napakunot naman ang noo ng bestfriend ko, tiningnan ko uli sya hindi naman nya kamuka si Alejandro. Omoooooo!!!

" May salamin ba dito Msgt. Aguirre" napatunganga naman sila pati yung bestfriend kong ugok.

" Seryoso? Titingnan ko lang sarili ko" - tumawa naman si Carlos hindi naman makatawa yung iba nyang kasama dahil mas mataas ang ranggo ko sa kanila, sila rin ang kasama ko sa laban. Inabutan ako ng salamin ni Msgt. Aguirre, pagtingin ko hala totoo kamuka ko nga si Cecelia tapos yung Celine.

" Himala yata at nagsalamin ka, hindi ka maganda remember" - sabi nya, dumating naman si Sgt. Abilla kasama ang isang nurse. Mabilis akong sinuri tumayo rin ako kasi sinusuri ko rin ang sarili ko para akong tanga. Ungas ka talaga sandy!!! Panaginip nga lang ang lahat, tsk ang hilig mo kasi sa historical story. Hindi ko na pinakinggan yung mga sinasabi nung nurse at patalon akong humiga sa kama.

" Huyy babae anong akala mo sa katawan mo, Okay na ang lahat, sigurado ako wala kang sakit sa katawan pero sa ulo meron"- inirapan ko nalang sya.

" Mag-silayas nga kayo dito, gusto kong mapag-isa"- sabi ko sa kanila, tapos gumulong-gulong pa ako sa higaan.

" Attention..." - hindi ko na pinatapos ang formal na pagpapaalam nila kasi tinuro ko na yung pintuan. lumabas naman ang mga kasama ko tapos mataray kong tiningnan si  Carlos.

" Ano hindi ka lalabas?" - Sabi ko sa kanya, lumabas naman sya at maya-maya bumalik rin.

" Syanga pala sabi ni tita pupunta raw sya dito at yung doktor mo huwag mo ng asahan kasi normal naman daw ang sitwasyon malaking himala ng araw iyon"- sabi nya, binato ko naman sya ng unan  at tuluyan ng umalis. Mag-iisip ako ng sobrang lalim kung bakit ako pa ang nakaranas nun.

" ARRRGHH" - gigil na gigil ako sa nangyari saakin, tsk.

..................................

Dalawang linggo na ang nakalipas ng madischarge ako sa ospital, si Mommy naman may business trip sa Switzerland. Sa condo ako tumuloy kasi bukod sa only child ako wala na rin akong daddy. Tanging si Mommy nalang ang pamilya ko at yung mga kapamilya ko pala sa ibang bansa

Napatalon ako sa pagkakahiga ng nagring ang selpon ko, si chief of secretary defense pala.

" Captain Portugal, nareceived mo na ba yung files ng bago mong mission? "- sabi ni chief, ini-open ko kaagad ang laptop ko at tiningnan ang files na sinend sakin

Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon