Ika-labing limang kabanata

54 2 0
                                    

Ang sakit talaga ng ulo ko, pakiramdam ko sinusunog ang buong katawan ko. Hala baka nakahilata pa rin ako sa lupa, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, nasan ako, sobrang naninikip ang dibdib ko, inilibot ko ang tingin ko sa kwarto nasan ba kasi ako.. tatayo na sana ako ng bigla akong nahilo at nawalan ng balanse at nahila ko ang sapin ng lamesa na naging dahilan upang mabasag ang Vase sa lamesa, ang naalala ko ay may tumawag saakin, boses iyon ng isang lalaki. Maya Maya pa ay may pumasok na lalaki, puting puti ang suot nito, hindi ko sya gaanong maaninag dahil nahihilo ako, binuhat nya ako pabalik sa higaan at nilinos ang aking nabasag

" Sino ka?" - nakapikit kong sabi, ang bango nya sobra, narinig ko pa na may pumasok pa na tao

" Gising ka na pala bini---" - si Leandro, boses nya iyon, kung nandito ako kala Leandro ibig sabihin nandito si Celestina. Lumapit sya saakin at hinaplos ang aking noo, mas pinili ko nalang ipikit ang aking mga at hindi sumagot sa kaniyang sagot.

" Lalabas na muna ako Leandro" - isang boses ang nagpapatak ng mga luha ko sa mata, ang taksil kong luha pumatak nanaman, tumagilid ako ng higa upang hindi nila mahalata

" Gusto mo ba bigyan ko kayo ng oras mag usap aking kapatid" - sabi ni leandro kay Jose.

" Para saan pa ang pag-uusap kung wala naman patutunguhan, naandito man sya saakin pamamahay subalit wala na kaming dapat pang pag-usapan, maigi pa ay umuwi ka na sa inyong tahanan baka hinahanap ka na ng iyong asawa, at isa pa hindi mo ba talaga nais na ipagbigay alam kay Celestina ang na nandito si Señora kristen"- ang lamig ng boses nya, pero kailangan talaga iparinig saakin lahat, sabagay wala naman na talagang dapat pag-usapan pa. Tuluyan na itong lumabas sa pintuan

" Binibining Cecelia, ipagpaumanhin mo ang pagdala ko saiyo dito, alam ko ang iyong nararamdaman kung kaya hindi na kita pipilitin pang kausapin ako, hindi pa alam ng iyong kapatid na naandito ka sa pilipinas, aalis na ako binibini paalam"- tumayo na ito, hinawakan ko ang manggas ng kanyang damit

" Gusto kong makita si Celestina" - sabi ko sa kanya, madami akong gustong tanungin kahit masakit, ngumiti naman ito saakin

" Masusunod Binibining Cecelia, sa ngayon magpahinga ka na muna"- at tuluyan na syang lumabas, nilalamig ako ng sobra. Ibinalot ko ang sarili ko sa kumot na nasa higaan, nilalamig ako. Inaantok din ako tanghali naman pero sobrang lamig.

Hindi ko namalayan na sobra na pala akong nakatulog at gabi na rin, nilalamig ako, nangangatog ang mga tuhod ko, subalit ayaw ko manatili dito, kayanin mo self, kung patuloy mo syang makikita masasaktan ka lang.

Sinubukan kong tumayo at inalis ang balot sa aking katawan, mamatay ako sa gutom dito, may pagkain din sa lamesa, kinuha ko iyon at wala akong malasahan, inubos ko pa rin iyon para magkaroon ako ng lakas, pagkaubos ko tumayo na ako, at kahit hinang hina lumabas ako sa kwarto, tamang tama walang tao, pero nasusuka ako, sobrang nasusuka ako, at hindi ako nagkamali naibuga ko ang aking kinain. Napaluhod pa ako sa sobrang sama ng aking pakiramdam, narinig ko naman ang pagbukas ng isang kwarto, patakbo itong pumunta saakin.

" Bakit ba ang tigas ng payo mo" - galit nya akong hinila paupo, shit umiikot ang paningin ko sa paghila nya. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko, wala akong paki kung napakamessy ko ang baho ko amoy na amoy ko yung suka ko.

" Pwede ba bitawan mo ako Ginoong Jose, uuwi na ako" - kahit hinang hina nasabi ko iyon sa kanya, sobrang nanghihina ako.

" Masyado ng malalim ang gabi, wala ng karwahe na maghahatid saiyo patungo sa tahanan ng Del mundo"- sabi nya saakin, tiningnan ko sya, nagiging dalawa sya sa paningin ko

" Mahal mo ba si Tanya?" - wala na akong paki sa mga sinasabi ko kahit hinang hina ako.

" Sumagot ka jose"- sabi ko nag iiyak na ako, hindi ko na kaya yung habol hininga na lang ako dahil sa sobrang sakit ng dibdib ko, tahimik lang sya.

Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon