Ilang kasambahay na ang nagtatanong kung tapos na ako duhh sabi ko ay susunod na lamang ako, medyo dumidilim na ng matapos kong ayusan ang sarili ko, kinuha ko na yung dress na off shoulder puff sleeves applique, pretty para akong dyosa. Narinig kong nagsisimula na, hindi ko rin narinig kong sino yung ikakasal pero duhh wala akong paki matanghal lang ako tapos tataas na ako tapos matulog yun lang... Mabilis ko na rin sinuot yung sandals ko then kinuha ko na yung violin ko. Pagkababa ko sa hagdan agaw pansin ako, attention seeker ka cyst..
" deja regalar por aquí de aplausos por Señorita Kristen Cecelia Adõr( lets give around of applause to señorita kristen Cecelia Adõr)" - nahiya naman ako kaya napayuko ako, bakit ako mahihiya bwesit. Nagpasalamat naman ako sa nagpakilala tapos tinungo ko na ang entabalado kung saan ako magtatanghal, pumalakpak muli sila sinimulan ko ng tumipa. Madami akong naririnig na ang ganda ko daw tapos may kamuka daw ako, nakapikit ang aking mga mata habang tumitipa sa aking violin, dinadama ko ang aking pagtugtug sa paraang ito nararamdaman ko pa rin ang pagmamahal ni Jose.
" Ating bigyang espasyo ang pagsayaw ng dalawang pusong nagmamahalan na si Binibining Atanya Del Mundo at... " Bakit bitin lagi ang pagtawag, ang swerte ni Tanya sino kaya ang maswerteng lalaki na papakasalan nya
" At si Ginoong Jose Soliman" - parang tumigil ang mundo ko, kasabay ng pagtugtug ng byolin ang sakit na aking nararamdaman, naimulat ko ang aking mga mata, sumasayaw sila habang nakangiti sa isa't isa.
Pumikit ka nalang Celine, huwag kang mumulat masasaktan ka lang. Hindi nya ba ako nakita ang sakit, tumulo na yung luha ko sa pagtigil ko, nagpalakpakan sila, pero tuloy pa rin ang tugtug ng sweet song kaya hindi sila tumigil sa pagsayaw, aalis na sana ako sa okasyon na iyon para umiyak sa taas ng makabangga ako ng gwapong lalaki nakangiti saakin.
" Maari ba kitang maisayaw" - pinahidan nya muna ang luha sa aking mga mata, si Caloy lang naman ang lapastangan na lalaki ang nagtanong, hindi na nya ako inantay sumagot dahil kinuha na nya ang kamay ko. Magkatalikuran kami ni Jose, hindi nya ako napapansin, kami lang dalawang pares ang nasa gitna. Suot pa rin nya ang porselas namin, suot ko pa rin yung akin, hindi ko dapat ipakita na mahina ako, sinabayan ko si Caloy
" Huwag kang umiyak Binibining Cecelia, dahil ikaw ang pinakamagandang dalaga ang nakita ko dito ngayong gabi"- dahil sa sinabi nyang yung biglang umikot ang kabilang pares at nagtama ang mata namin sa isa't isa, naiiyak nanaman ako.
Nakilala nya ba ako? Mahal pa ba nya ako? Siya pa rin ba yung dati kong minahal pero bakit
Nakatulong ba nu'ng lumayo ako?
'Di ba 'yon naman ang 'yong ginusto?
Simula pa no'n, kahit hanggang ngayon
Lahat ng daan ay pabalik sa'yoBakit ang sakit yung mga tingin nya na walang emosyon, yung mga tingin nyang nakalimot na ng kahapon
Nariyan pa ba ang pinangarap ko
Na aking tinalikuran para mabuo?
Bakit gano'n, kahit sa'n lumingon
Lahat ng daan ay pabalik sa'yo?
BINABASA MO ANG
Mi Amor
Historical FictionAng istoryang ito ay naganap noong araw kung san nabuo ang himagsikan noong Hulyo 7 1892, at kung saan nagkaroon ng pagkakaisa ang mga pilipino upang wakasan ang pagpapahirap ng bansang espanya.