Kinabukasan, maaga kaming nagtungo sa mataas na hukuman. Kahit hindi pa maganda ang Kalagayan ko nagpumilit akong pumunta. Si ama ang may hawak ng kaso nandun din sila kuya Celso hindi naman pinayagan na dumalo sila Celestina kaya kami nalang ang pumunta.
" Cecelia" - hindi ko mapigilan lumingon sa nagsalita, isang kastilang babae ang ganda nya. Kinapitan naman ni Ama ang kamay ko papasok sa hukuman.
Nakaupo na ang punong hukom sa harapan at may pagka-matanda na at puti ang buhok na medyo mataba ngunit kita pa din ang pagka mestizo. Bumugad saaking harapan si Don Fernando at nanlilisik ang tingin saakin. Si Don Fernando ang pinaghihinilaan na nagutos na ako ay ipapatay.
"Simulan na ang paglilitis" -saad nang punonghukom. Ang mauuna magsalaysay ay ang panig ni Don Fernando.
"Magandang umaga kagalanggalang hukom ako si Gerardo ang tatayong tagapagtanggol nang nasasakdal na si Don Fernando" - panimula nang abogado ni Don Fernando na nag-ngangalang Gerardo.
"Nais ko lang isaad na walang sapat na ebidensiya ang kabilang panig at pawang pagbibintang lamang. Una, walang anumang palatandaan na ang sumaksak sa binibini ay tauhan ni Don Fernando at nang mangyari ang krimen ay abala si Don Fernando sa pagdiriwang ng piyesta de agosto. Pangalwa, pawang palabas lamang lahat iyan nang binibini sapagkat siya ay may galit kay Don Fernando dahil inatake niya ang Don sa mababaw na dahilan at sa kanyang pag-atake ay maraming madla ang nakasaksi na sadyang kahihiyan para sa Don. Maraming salamat kagalanggalangang hukom"- saad ni Gerardo at nagsimula ng magbulungan ang mga madla habang ang punong hukom naman at bakas sa mukha ang pagtataka. Napabuntong hininga naman si ama at pinipigilan ang galit.
"Magandang umaga kagalanggalang hukom ako si Pascual ang tatayong tagapagtanggol ng nasasakdal na si Binibining Cecelia"-panimula ni ama.
"Nais kong ipaalam sa mga madla lalong lalo na sainyo kagalanggalangang hukom na hindi lamang pagbibintang ang lahat. Una, ang aming panig ay may sapat na ebidensiya sapagkat ang saad nang binibining nasasakdal sa aming panig na ang lahat nang grupo nang kalalakihan ay may markang krus sa kanilang kaliwang pulsuhan katulad nang marka sa kaliwang pulsuhan ni Don Fernan---"- naputol ang pagsasalaysay ni ama nang may pumasok na isang lalaking payat ang pangangatawan at nanghihina na, hila hila sila nang mga guardia civil.
"Ipakilala ang iyong sarili" -mahinahong saad nang kagalanggalangang hukom.
"A-ako si Antonio at ako ang namumuno sa grupo nang kalalakihan na tinutukoy nang binibini. Ang lahat po ito ay pinagplanuhan ni..."- panimula nang lalaking na nagngangalang Antonio at binaling nito ang kanyang paningin sa direksiyon kung nasaan ako. Kinakabahan ako sa kanyang kinikilos.
"N-ni Don Fernando!" - patuloy pa nito at umingay nanaman ang hukuman dahil sa pagbubulungan nang mga madlang nanonood.
"Tumahimik!" - sigaw nang punong hukom upang pakalmahin ang mga madlang nanonood nang paglilitis.
"Maghinay hinay ka sa iyong pagbibintang sapagkat wala kang sapat na ebidensiya"- hagas na saad ni Gerardo.
"Ang pagpapalagay p-po nang aming markang krus ay tanda nang aming grupo na kami ay pagmamay-ari ni Don Fernando at mayroon din siyang ganoong marka sa kanyang kaliwang pulsuhan. N-nangako po siya saamin na pagnapatay po namin ang binibining nagngangalang Cecelia ay bibigyan niya po kami nang pabuya ngunit pumalapak kami sa kanyang nais sapagkat buhay pa din ang binibini ako nalang po ang natira sa kanyang tauhan dahil pinagpapatay at pinatapon niya sa malayong lugar ang iba pa saamin"- pagsasalaysay ni Antonio. Mukhang malinaw na sa hukom ang lahat nang nangyari.
"Tatangapin ko po ang kahit anong hatol saakin sapagkat wala na din akong saysay dahil pinapatay na din ni Don Fernando ang aking p-pamil---"-naputol nanaman ang kanyang sasabihin sapagkat tumayo si Don Fernando.
BINABASA MO ANG
Mi Amor
Historical FictionAng istoryang ito ay naganap noong araw kung san nabuo ang himagsikan noong Hulyo 7 1892, at kung saan nagkaroon ng pagkakaisa ang mga pilipino upang wakasan ang pagpapahirap ng bansang espanya.