Ika-walo na Kabanata

41 3 0
                                    

Maaga akong nagtungo sa tahanan nila Jose, pinayagan din ako ni ama. Dala dala ang basket na naglalaman ng agahang para sa Ginoong nagtanim ng tampo saakin.

Wala doon ang mag asawang sila Don Cristomo at Donya Maxima dahil maaga itong umalis para tumungo sa ikatlong bayan ng Nueva Sicubya gabi pa ito darating, wala rin si Leandro dahil may tinatapos pa ito. Malapit rin naman ang Manila dito sa Nueva Sicubya dahil nasasakupan din ito ng Luzon, Pero mas pinipili Nila ang sumakay sa barko dahil nay mga nakaabang na rebelde sa bawat daan kaya mas lalong tumatagal ang byahe.

" Magandang umaga Binibining Cecelia, naparito po ba kayo dahil nais nyong makita si Ginoong Jose"- sabi ng isang Ginang, magsasalita na sana ako ng magsalita si Jose

" Kung hindi ako nagkakamali saakin narinig, tama ba na naandito si Binibining Cecelia"- pagkahakbang nya ay nakita nya ako, nanlaki ang mga mata ko half naked lang

" Ginoong Jose" - noon lang nya napansin na wala syang pang itaas na saplot ako na mismo ang umiwas, mabilis syang pumasok sa kanyang silid at kumuha ng damit.

Pagkababa nito agad naman nya akong binati at ngumiti sya, hindi mo mahahalata na peke iyon dahil napakagaling nyang magtago

" Nagagagalak ako saiyong pagbisita Cecelia, inakala ko talagang kinamumuhian mo ako"- bawat bigkas nyang salita ay pawang katotohanan, pero bakit sya ganyan, bakit nakakabaliw ang mga binabanggit nyang Salita

" Naparito ako upang humingi ng tawad, hindi ko sinasadyang masakta...."- mabilis syang ngumiti at Ang mga katagang kanyang binitawan ay nag dulot ng sakit kirot sa aking dibdib

" Huwag kang mangamba Cecelia ikaw na rin ang nagpahayag ng sarili mong nararamdaman, walang namamagitan saatin at tayo ay kumakapit lamang sa kasunduan na tayo mismo ang lumikha"- nakangiti pa sya nung binabanggit nya yun. Pinilit kong ngumiti at kahit anong oras nararamdaman ko ang pagpatak ng aking mga luha. Kaya ibinaling ko sa iba ang usapan

" Dinalhan kita ng agahan, halika at baka lumamig ang aking dala"- kahit di ko alam ang daan patungong kusina ay nauna na ako lumakad nasa likudan ko sya, kinuha nya saakin ang Basket na dala ko.

" Aray" - nagkunwari akong napuwing para hindi nya mahalata na pumapatak ang luha ko

Bilis bilis nyang ibinitang ang basket na dala nya at hinawakan ako sa magkabilang braso upang iharap sa kanya, nung una napakunot ang Noo nya dahil yung luha ko napilit kong itinatago ay patuloy pa rin umaagos. Binitawan nya ako at binigyan ng panyo

" Magtapat ka saakin Cecelia, Hindi ka napuwing may nararamdaman ka saakin kung hindi ako nagkakamali"- napatulala ako sa kanya, Hindi ko alam ang sasabihin kasi hindi ko alam kung bakit. I feel rejected sa ginawa nya

" Halika kana mag- agahan kana at ayaw kong makita kang pumapayat"- inayos ko na ang sarili ko at ngumiti sa kanya, Hindi ko dapat maramdaman ang gantong bagay, hindi ako para sa panahong ito. Kinuha ko na ang basket kasi tulala si Jose. Napatulala rin ako nung kunin ko ang basket na dala-dala ko, May Naramdaman akong bisig na unting-unting pumupulupot sa aking beywang at nakakaramdam ako ng basa sa aking balikat. Umiiyak ba sya

" Jose" - sinaway nya ako, at mas lalong humigpit ang yakap nya.

" Cecelia, Natatakot akong muling maiwan, Natatakot ako na mapunta ka sa iba at Naninibugho ako kapag may kasama kang iba, akin ka na Cecelia at Sisiguraduhin ko na walang makakahadlang sa gaganaping kasalan"- napako ako sa aking kinatatayuan hindi ko man lang malaman kung nag-tatapat sya ng Pag-ibig o Nagpapasalamat lang sya dahil Rebound ako. Inalis nya ang pagkakayakap ng nakaramdam sya na may tao. Kinapitan nya ang kamay ko at dinala sa likuran ng kanilang Bahay may sapa sa hindi kalayuan. Hindi ako makapagsalita lalo na ng kunin nya ang basket at kapitan ang aking kamay.

Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon