Nakatulog na pala ako sa sobrang sakit na aking nadarama, maigi pa siguro ay sulitin ko ang araw na kasama ko sya. Tumayo na ako ala-singko palang pero maaga daw aalis, nag-asikaso at kumain ng almusal na inihanda ni Celestina. Pagkalabas ko ng kubo si Jose kaagad ang hinanap ko, aalis na kami pero wala pa rin sya.
" Binibining Cecelia" - si Teodora, kasama sila Miranda niyakap ako nila, halata sa mata na nag aalala sila
" Binibining Cecelia bakit ka namumutla, masama ba pakiramdam mo? " Ngumiti lang ako sa kanila, nasa espanya palang ako nararamdaman ko na ang sakit na ito, ang paninikip ng dibdib at ang pagkakahilo
" Ayos lang ako, saka huwag kayong mag alala, hindi lamang ako nakapag lagay ng palamuti kaya ako namumutla"- mukang hindi sila kumbensido lalo na si Teodora, kabisado nya ang buong muka ko pati ugali ko
" Hindi ka magaling magsinunggaling Liya, kahit hindi ka maglagay ng palamuti sa iyong muka ay namumula pa rin ang iyong labi"- sabi ko na nga ba kabisado na nya ako, ngumiti lang ako sa kanya.
" Sila kuya Celso nasan?" - nalungkot naman ang muka ni Miranda, ang laki na ng tiyan nya pero ang ganda pa rin
" Naatasan sila na sumama sa laban sa ibabang bayan, kaya pinauna na kami, pero huwag kang mag alala Liya dahil ligtas na makakauwi ang iyong kapatid"- paliwanag ni Teodora. Tumango-Tango lang ako.
" Mga kababayan, magandang umaga maikli man ang ating paghahanda subalit kailangan nanatin lisanin ang ating bayan pero pansamantala lamang ito, babalik din tayo sa bayan na ito, sa ating paglalakbay pagigitnaan ang matatanda, buntis, at mga kababaihan, at kung maari bantayan mabuti ang ating mga anak para hindi tayo mahirapan, halina kayo tayo magsisimula ng tumungo sa kabilang bayan,"- sabi nung namumuno na katipunero, wala akong planong alamin ang pangalan nya kasi wala ako sa mood, nakabusangot ako at sinimulan ko na rin lumakad, bakit hindi ko pa nakikita si Jose, nasan na kaya sya, ang hirap naman bagay ganito, inaalalayan ni Teodora si Miranda na nakasakay sa kalabaw, si Celestina naman inaalayan si Segundo na nakasakay sa kariton na hinihila ng kalabaw. Nagpatuloy lang ang paglalakad wala akong Jose na nakikita.
" Ayos ka lang ba aking kapatid, masama ba ang iyong pakiramdam?" - ngiti lang lagi ang itinitugon ko sa mga katanungan nila, wala akong planong sagutin ng lahat ng iyon hanggang hindi ko pa nakikita si Jose. Ayos lang kaya yun, nakatulog kaya sya ng ayos. Iniisip nya ba ako.
Pansamantalang tumigil ang grupo para mananghalian, isang kamote lamang ang kinuha ko at umupo sa isang punong malaki. Naalala ko tuloy, noong araw na umiiyak si Jose, ang gwapo nya pa rin noon tapos parang bata, hayyy nasan na kaya sya, kakawalang ganang kumain bagay hindi sya nakikita. Napapangiti nalang ako bagay naaalala ko sya.
" Tanya kumain ka pa, patawarin mo ako dahil hindi na matutuloy ang ating kasal"- si Jose, tama boses yun ni Jose, sumilip ako si Jose nga kausap nya ngayon si Tanya.
" Ayos lang mahal ko, maari naman natin iyon ituloy bagay wala ng gulo saka masaya ako dahil kasama kita"- naglapat ang mga labi nila, para akong tanga na nakatulala lang habang pinapanuod sila, nabitawan ko ang aking kinakain, Naramdaman ko ang mga tubig na umaagos saakin mga mata. Bakit ang sakit? Bakit hindi ko matanggap? Bakit ka nagsinunggaling Jose? Andaming bakit na hindi ko kayang sagutin.
" Liya ikaw ba yan?" - napatingin ako sa nagsalita si Alejandro, bakit sya naandito. Gumalaw ako sa kinatatayuan ko dahil ramdam ko na napatingin din sila.
" Ale, bakit ka naandito?" - sabi ko, umupo naman sya para mapantayan ako, binigyan nya ako ng panyo
" Don't cry, I will marry you if you are always like this, smile" - seryoso nyang sabi naiyak na ako ng tuluyan. Niyakap nya ako, at hinaplos ang buhok ko. Alam kong hindi nila maunawaan ang wikang english, ginagamit lang iyon ni Alejandro bagay mag uusap kami ng mga bagay na pasekreto
BINABASA MO ANG
Mi Amor
Ficção HistóricaAng istoryang ito ay naganap noong araw kung san nabuo ang himagsikan noong Hulyo 7 1892, at kung saan nagkaroon ng pagkakaisa ang mga pilipino upang wakasan ang pagpapahirap ng bansang espanya.