Nakatulog pala ako sa labas, pumasok na ako sa loob baka kasi nag-aalala sila. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid nagbabakasaling masilayan syang muli subalit may narinig akong bulong-bulongan
" Diba sya yung aliguyo ni ginoong Jose?" - napayuko nalang ako sa mga sinasabi nila, at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa aking pwesto. Nakita ko si Alejandro na nag-iimpake ng mga gamit ko at gamit nya.
" Alejandro anong ginagawa mo?" - sabi ko sa kanya, seryoso nya akong tiningnan at kinapitan ang aking kamay
" Aalis tayo sa lugar na ito, magpapakalayo-layo tayo" - sabi nya, hindi ko sya maintindihan.
" Subalit kailangan ka ng katipunan" - iyon nalang ang nasabi ko sa kanya, hindi sya maaring umalis dahil malaki ang naitutulong nya sa pagbibigay ng pagkain at marami din syang koneksyon sa labas para makatulong
" Hindi ko kayang makitang kang sinasaktan, pwede kahit ngayon lang isipin mo naman ang sarili mo, wala na akong pakialam kung ayaw mong magpakasal saakin ang mahalaga maalis kita sa lugar na madaming mapanghusga"- mas lalong nadurog ang puso ko sa sinabi nya lagi nalang nyang ginagawa ang bagay na ito
" Bakit mo ba ito ginagawa?" - sabi ko sa kanya, tinitigan nya ako sa mata at kinapitan sa balikat.
" Mahalaga ka saakin dahil kaibigan kita, diba sinabi ko naman sayo noong nasa silid aklatan tayo na para na rin kitang kapatid kaya ayaw kong nakikita kang nasasaktan kaya sa ayaw at sa gusto mo sasama ka saakin"- sabi nya at patuloy pa rin inaayos ang mga gamit nya.
" Magpapakasal ako sayo" - sabi ko sa kanya na ikinatigil nya sa paggagayak at tumingin saakin
" Hindi ka magsisi na pinakasalan mo ako, ilalayo kita sa lugar na ito pupunta tayo sa bansang britanya saaking ina at babalik tayo sa bansang ito kapag tapos na ang gira"- sabi nya saakin, tama na rin siguro ito para hindi na ako makagulo sa buhay ni Jose.
" Aalis kayo?" - tinig ni Celestina na nangaling sa likuran ko, nilingon ko sya namumuo ang luha sa kanyang mga mata.
" Aalis ka nanaman? Iiwan mo nanaman kami ni kuya Celso?" - sabi nya at tuluyan ng tumulo ang luha nya.
" Celestina babalik ako pangako, gusto ko lang maghilom ang puso kong sugatan, alagaan mo ang sarili mo pati na rin si Segundo, mag-iingat kayo mahal na mahal ko kayo"- niyakap ko sya gumanti naman sya sa mga yakap ko.
" Ginoong Alejandro alagaan mo ang aking kapatid"- tumango naman si Alejandro.
" Liya magpapaalam lamang ako"- tumungo sya sa namumuno sa grupo nila upang magpaalam. Nag-usap muna kami ni Celestina at ako naman ay nagpaalam kila Miranda at Teodora iyak naman ng iyak si Miranda para naman akong mamatay. Nagbilin sila na hindi daw magiging madali ang pag-alis namin.
Pinayagan si Alejandro na umalis sa grupo hinihatid pa nila kami sa may bangka at pinayuhan na mag-iingat daw kami dahil sa mas lumalalang gira. Nagsimula ng mamangka si Alejandro tahimik lang ako habang nakatingin sa kweba na inalisan namin, nakikita ko pa rin sila Celestina na kumakaway. Tanaw laman din ang tatawirin namin, ng makarating kami sa gitna itinapon lahat ni Alejandro ang gamit namin
" Alejandro bakit mo itinapon?" - ngumiti lamang sya at tiningnan ako
" Nakahanda na ang lahat Liya, sa pagtawid natin may nag-aabang na karwahe, magpapalit tayo ng kasuotan, kasuotan ng mga britanya ng sa ganun hindi nila tayo makilala, gagamitin mo ang pangalan mo kristen sa ating paglalakbay lahat ay inayos ko na kaya matagal akong nawawala pag-ako umaalis, inayos na rin ni ama ang bilyete natin patungong britanya" hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi nya, napakatalino nya at sobrang madiskarte.
Muli akong sumilay sa aking pinanggalingan, mula sa malayo natanaw ko ang lalaking nakatayo at nakatanaw saamin, hindi ako nagkakamaling si Jose iyon mula sa pananamit at tindig nito, paalam Jose.
BINABASA MO ANG
Mi Amor
Ficción históricaAng istoryang ito ay naganap noong araw kung san nabuo ang himagsikan noong Hulyo 7 1892, at kung saan nagkaroon ng pagkakaisa ang mga pilipino upang wakasan ang pagpapahirap ng bansang espanya.