Ika-labing isang kabanata

34 2 0
                                    

"Ate Celine gumising ka na, kanina ka pa inaantay ni kuya Clerk" - narinig kong wika ni Celestine sa isang dalagang nakahiga.

" Ito na nga Celestine, babangon na" - nakita ko ang sarili ko sa isang dalagang Pilipina, si Cecelia ginagawa nya ang nais nya sa panahon ko, ginagamit nya ang katawan ko, ang pananamit ko ay nagbago she's wearing a long plain skirt and a long sleeves blouse.

Isang lalaki naman ang pumasok sa aking silid, si kuya Clerk, tumakbo ako at yumakap sa kanya subalit tumagos ako sa katawan nya.

" Bakit malamig sa iyong kwarto, eh sarado naman ang aircon mo? "- sabi ni kuya Clerk kay Cecelia, alam kong nakikita nya ako at naririnig dahil kaluluwa nalang sya na may kailangang tapusin, at may kailangang paghigantihan

" Halika na kayo baka isang ligaw na kaluluwa na lamang ang Naramdaman mo kuya Clerk"- sabi ni Cecelia

" Wag ka nga magbiro ng ganyan"- sabi sa kanya ni kuya.

It can't be, ako kaluluwa nalang hindi maari.

Si Jose, kailangan syang makapunta sa hospital. Pero paano kung patay na ako.

Nanghihina akong napaluhod, hindi ko mapigilan umiyak. Nakaluhod ako at nakayuko, kasalanan ko ito. Hindi mapapahamak si Jose sa aking kagagawan, kung hindi ako humiwalay ay hindi iyon mangyayari.

" Celine tumayo ka dyan, harapin mo ako" - narinig kong sabi ng isang binibini, ng iangat ko ang ulo ko, biglang nagbago ang paligid nandito kami kung saan nangyari ang lahat.

" Cecelia ano ba ang kailangan mo saakin, ibalik mo na ang mga kinuha mo saakin"- lumapit sya saakin na matalas ang mga tingin

" Gusto mo ng bumalik, Nais mo ng bumalik, kung ako sayo hindi ko nanaisin na bumalik sa katawan mo ngayon"- naguguluhan ako sa kanya

" Mahina ka Celine, mukang hindi nanaman matatapos ang aking misyon"- Sabi nya saakin, anong misyon? Hindi ko sya maunwaan, at hindi ko rin maunawaan ang mga sinasabi nya

" M-misyon" - sabi ko sa kanya.

" Hindi mo kasi alam, Celine ilang beses ng naisulat ang aking mga kabanata subalit hindi iyon natutugma sa nais ng bathala, Nais nya akong maikasal sa aking Minamahal at magsilang ng isang sanggol, nais ng bathala na maging masaya ako, kaya ginamit nya ang ilang saling lahi sa pamilya nyo upang isulat ang aking kabanata, ang pamilya mo ay nagmula kala Miranda at Pedro, si Pedro ang magiging ama ng lolo mo na pinanggalingan ng lola mo na pinanggalingan ng iyong ina. Nakuha mo ang aking itsura sapagkat si Pedro at si Ako ay magpinsan. Ang iyong ama ay ang kaniyang angkan naman ay si Alejandro, kung iyong papansinin lahat ng ito malalapit saiyo, kaya kailangan mo silang ingatan Celine"- bakit hindi nya binanggit si Jose

" Si jose? " Nanginginig kong tanong sa kanya.

" Hindi pa nasusulat ang kabanata ni Jose dahil naputol ito ng may mangyari sa inyong masama"- patay na ba sya!!!! Hindi yun maari..

Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon