" Celine anak tahan na, hindi na mauulit, sorry na" - si daddy yun, dadddyyy miss na po kita, Daddy limang taon na ang lumipas pero masaya ako dahil naging mabuting anak sainyo si Cecelia, Daddy Yung anak mo dito nasasaktan na
" Sorry na Celine, hindi na kita ipagkakasundo sa anak ng mga Santos, buksan mo na ito anak"- pagkatok ni Daddy, lumabas ang isang babaeng, panglalaki ang gupit, hindi maaring si Cecelia yan, nakasuot ng pang army na uniform, tinupad nya ang pangarap ko
" Ayos lamang yun ama, napagod lamang po ako sa pag-eensayo" - grabe ang ganda pa rin nya bagay sa kanya
Pero bakit nandito ako, may nangyari bang masama... Tinitigan ko sya ganun nalamang nagtigil ang buong paligid kami na lamang ang taong may kakayahan gumalaw
" Kamusta ka Celine? Nakikita mo ba ang itsura ko ngayon, ginawa ko ang lahat ng ito para sayo, sana gawin mo rin ang parte ng bawat kabanata ng buhay ko, Celine ilang taon din tayong hindi nagkita, may nangyari bang hindi tama?"- sabi nya saakin ng nakatingin sa mga kuko nya, kailan pa ito natutu ng ganyang moves.
" Nasaktan mo sya hindi ba o ikaw ang nasaktan nya? Iiwasan mo ba sya? Gusto mo pa bang makuha ang katawang lupa mo ay mali nais mo pa bang magpalit tayo, kaya ko naman gawin ang parte mo subalit may kapalit nga lang "- sabi nya saakin, ano namang kapalit, nakayuko lang ako sa kanyang harapan, hinawakan nya ang dress ko na sira sira...
" Bakit ganyan ang iyong postura, bakit napakadungis mo at basang basa? Ahh nagkausap na kayo tapos hindi kayo nag kaliwanagan kasi nasaktan ka, sakit diba? Ganyan din yung nararamdaman ko ngayon Celine kaya hindi ka nag iisa, sa tuwing nasasaktan ka sa kabanata ng buhay ko, nasasaktan din ako, mas doble pa sa nararamdaman mo"- sabi nya tapos tinaas nya yung t-shirt nya, may sugat ito, hindi ko gaano kalaki pero may benda
" Gusto mo ng bang bumalik? Pagbumalik ka may kaparusahan, magiging miserable ang iyong buhay, mababaliw ka Celine hindi mo makakamtan itong narating ko para sayo, Captain Maria Celine Magdayao"- sabi nya saakin ang bilis naman nyang mapromote.
" Tapusin mo ang misyon ko Celine Parang awa mo na pagod na pagod na ako, gusto ko ng magpahinga, alam kong napamahal kana kay Jose kaya patawad pero nagmamamakaawa ako sayo tapusin mo na ito, pigilan mo ang kasal, mahal ko si Jose"- sabi nya saakin nagmamakaawa na sya.
" Jose" - yun ang unang lumabas sa aking bibig, masakit ang buong katawan ko. Nakatulog na pala ako sa pwesto ko kagabi, ganun pa rin ang suot ko. Tumayo na ako pero ang sakit ng ulo ko.
Umaga na rin pala, sumisibol na ang liwanag, magkakasakit talaga ako nito natuyuan ako ng damit wala man lang gumising saakin para lumipat sa kama at magpalit. Ako na yata ang pinakatanga sa okasyon na ito, nilockan ko nga pala yung pintuan kaya pinabayaan ako. Makaligo na nga lang.
Bakit ka pa bumalik, sana namatay ka nalang ng tuluyan, bumalik ka ba para guluhin pa ang nararamdaman ko, nandun na ako sa puntong malilimutan na kita pero bakit bumalik ka pa, bakit ka pa nagpakita, bakit ka nandito, ginugulo mo lang ako, hindi ka nakakatulong
BINABASA MO ANG
Mi Amor
Historical FictionAng istoryang ito ay naganap noong araw kung san nabuo ang himagsikan noong Hulyo 7 1892, at kung saan nagkaroon ng pagkakaisa ang mga pilipino upang wakasan ang pagpapahirap ng bansang espanya.