Mabilis lumipas ang panahon.
Pagkatapos ng isang buwan na pamamalagi namin ni Alejandro sa Britanya nagpakasal kami, Nanirahan kami ng tahimik sa Britanya habang lumalaki ang aking tiyan. Patuloy pa rin ang pagpapadala ko ng sulat kila Celestina ganun na rin kay Jose subalit wala pa rin akong natatanggap na sulat sa kanila.
Pinapanuod ko si Alejandro sa kanyang pag-eensayo sa pagbaril, pawis na pawis sya at para na rin talaga syang isang ama.
Matapos nyang pakawalan ang huling bala sa kanyang bayonetta lumapit sya saakin." Liya, ano ba ang pakiramdam ng pinupunasan ang pawis ng kanyang kabiyak?"- napangiti nalang ako sa kaniyang sinabi, napaka-isip bata talaga nya, syempre ako naman kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan sya. Napatingin sya sa mesa at tiningnan ang aking pinipinta.
" Hindi mo talaga sya makalimutan Liya, halos apat na buwan na rin ng lisanin natin ang bansang Pilipinas"- tanging pagpinta at pag-guhit nalang ng muka nya ang nagpapasaya saakin. Napangiti ako ng biglang sumakit ang aking dibdib, mabilis rin akong inalalayan ni Alejandro at binuhat papunta ng aking silid.
Kagaya ng lagi nyang ginagawa pag-sumasakit ang aking dibdib, nagpapatawag sya ng doktor at sa aking silid natutulog kapag may nararamdaman ako.
"Maari ba akong makisuyo Ale, Maari mo bang patayin ang ilaw"- sabi ko sa kanya, napatayo naman agad sya sa pagkakahiga
" P-papatayin natin ang ilaw?" - natatawa talaga ako sa reaction nya bagay sinasabi ko sa kanya na papatayin ang ilaw, takot kasi si Ale sa madilim.
" Oo" - matipid na sagot ko, tumango nalang sya at pinatay ang ilaw. Maliwanag ang buwan ngayon kaya kitang kita ko ang mabilis na paghakbang nya patungo sa higaan nya
" Ale" - muling tawag ko sa kanya, alam ko kasi na hindi nanaman yan makatulog.
" Ale" - hindi pa rin sya, umiimik.
" Ale" - pangatlong tawag ko, pero ngayon sumagot na sya
" Bakit" - mahina pero natatakot
" Dito ka na sa tabi ko matulog" - hindi pa rin sya gumagalaw, tumayo uli ako at binuksan ang maliit na lampara na malapit gilid ko.
" Hindi maari Liya, ayos na ako dito" - sabi nya, kahit kailan talaga wala syang intensyon na samantalahin ang kahina ko.
" Halika kana dito, asawa naman kita saka tatabi ka lamang, wala naman tayong gagawin"- sabi ko sa kanya at humiga na, tinalikuran ko nalang sya. Maya-maya lang may naramdaman akong tumabi saakin. Ipinulupot ang kanyang braso. Nagkunwari nalang akong tulog.
" Salamat Liya" - iyon lamang ang narinig ko, napangiti nalang ako dahil ramdam ko ang kanyang mga bisig, dinadama ang pag-galaw ng bata.
" Anim na buwan na ang iyong tiyan, nasasabik na akong masilayan ang sanggol Liya"- gumalaw ako at humarap sa kanya, agad naman nyang binawi ang pagkakayakap.
" Ako man rin ay nasasabik sa pag-labas ng aking anak, at maraming salamat sayo Ale"- sabi ko sa kanya, ngumiti lamang sya.
" Wala iyon, ako yata ang iyong tagapagtanggol, saka kahit anong mangyari hindi kita pababayaan"- sabi nya, ang gwapo nya talaga. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang aking nararamdaman sa kanya.
" Diba pangako ko sayo sa harap ng altar na sa Pilipinas isisilang ang iyong dinadala, uuwi tayo ng Pilipinas mamumuhay tayong muli sa pilipinas ng walang gulo"- bigla naman akong nalungkot dahil parang ako yung dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi pa nya nahahanap ang pag-ibig nya.
" Masaya ka ba sa ginagawa mo?" - sabi ko sa kanya, para kasi ako yung hadlang sa buhay pag-ibig nya tapos ngumiti sya saakin
" Masaya ako sa ginagawa ko at wala akong pinagsisisihan, Huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano Liya maigi pa ay magpahinga kana"- isang malawak na ngiti lamang ang iginawad ko kay Ale.
Araw-araw nya akong inaalagaan at lagi syang umuuwi ng maaga galing sa kanyang trabaho para ipagluto ako. Kapag sabado at linggo dinadala nya ako sa magagandang tanawin. Wala rin akong balita sa Pilipinas pero alam ko nalalapit na ang kalayaan, ilang araw nalang pansamantalang ng makakamit ng kalayaan sapagkat sasakupin pa ito ng dalawang bansa.
Hunyo 12 1898 acta de proclamation De La Indepencia De Pueblo Filipino, ito na ang araw ng kalayaan, kahit hindi sabihin saakin ni Alejandro ay alam na alam ko pa rin kung kailan naganap ang mga pananakop at kung kailan makakalaya ng tuluyan ang bansang Pilipinas. Mabilis man lumipas ang panahon ay damang-dama ko pa rin ang lungkot ng kahapon, hindi na rin nagpaparamdam ang totoong Cecelia sa panaginip ko. Hindi pa rin sila sumasagot sa mga sulat ko, ligtas kaya sila, naalala pa kaya nila ako at kamusta na kaya si Jose.
Hulyo 7 1898 ng bumalik kami sa Pilipinas, unti-unti ng nanghihina ang katawan ko gawa sa sakit ko sa puso pero kinakaya ko para sa anak ko. Hindi rin naman ako pinapabayaan ni Alejandro, Nanirahan kami sa bayan ng San Pablo sa Nueva Ecija sapagkat nabili pala ni Alejandro ang lupain na iyon noong bago kami magkakilala ay pagmamay-ari na nya pala ang hacienda ng tabacco. Nanirahan kami ng tahimik sa bayan na ito at walang sawa pa rin si Alejandro sa pagpapasaya saakin kahit alam nya sa sarili nya na hindi pa rin nawawala si Jose sa puso ko. Kahit sa ganung paraan naiibsan ni Alejandro ang sakit na aking nararamdaman.
Agosto na pala, buwan na ng kapanganakan ko. Abala si Alejandro sa paghahanap ng pinakabihasang doktor na syang mag-papaanak sa akin. Napansin ko rin kay Alejandro na hindi na sya mapakali na makita ang aking anak, sya pa nga.
" Ahhh, argh," - sunod-sunod na sigaw ko, si Alejandro naman ay silip ng silip, sinusuway naman ito ng mga nurse.
" Sige i-ere mo pa" - sinunod ko ang nais ng doktor at lumabas na nga ang bata saakin sinapupunan, nakakapanghina pero ng marinig ko ang iyak ng aking anak. Unti-unti namang nablangko ang aking paningin.
Napabalikwas ako gawa sa sinag ng araw na tumama saaking muka. Pagkamulat ko nakita ko ang isang lalaking karga-karga ang isang sanggol.
" Ale" - mahinang sabi ko, mabilis naman syang sumikbay saakin.
" Liya nagsilang ka ng batang lalaki, napagwapo nya parang ako" - natatawa nalang ako sa sinabi ni Alejandro, inaangkin nya talaga ang bata. Ibinitang naman nya sa tabi ko ang bata, kamukang kamuka sya ni Jose.
" Ano nga palang nais mong ipangalan sa anak mo Liya?" - tila ba hindi na makapag-antay si Alejandro nasabihin ang pangalan ng bata.
" Nais ko sanang isunod sa pangalan ni Jose, Christian Joseph Cortez ang nais kong pangalan nya, ikaw ang ituturing nyang ama at may isa pa akong kahilingan hanggang maari sana ilayo mo si CJ sa kanyang ama, ayaw kong makisalo o makisampid sya sa oras ng pamilya ni Jose, papalabasin mo na anak natin si Cj"- sabi ko tumango-tango naman sya.
" Para namang mawawala ka sa iyong sinasabi, syanga pala isang linggo nalang fiesta de agosto na"- sabi nya tapos nakangiti pa sya habang nakatingin saakin.
" Sandali kukuha lang ako ng iyong makakain, sabi kasi ng doktor na kailangan mong magpalakas"- lumabas na sya, mas lalong suma-sama ang pakiramdam ko. Pinakain ako at inalagaan ni Alejandro.
Hindi umalis ng bahay si Alejandro at nais nya daw akong bantayan, noong isang gabi halos hindi ako makahinga, hindi ko na rin kayang lumabas ng bahay at mas pinili kong tumago sa kanila, alam ko na mawawala na ako pero hindi ko alam kung ano ng mangyayari at ayaw ko man lumisan pero nararamdaman ko na.
Unang araw ng fiesta de agosto ngayon, mas pinili ni Alejandro na sa hacienda maghanda, tanaw na tanaw ko ang kasiyahan habang nakaunan sa balikat ni Alejandro.
" Ale salamat, alagaan mo si Cj para saakin at sana maging masaya ka" - sabi ko sa kanya, tumingin naman sya saakin.
" Liya naman, para ka namang nagpapaalam" - sabi nya, ramdam ko na kahit anong oras mahuhulog na ang kanyang mga luha. Iniba nya ang direksiyon ng kanyang tingin.
" Pagod na Pagod na ako Ale, Ayaw ko na! Ayaw ko na sa panahong ito"- sabi ko, tuluyan ng bumagsak ang mga luha nya at umakbay sa akin.
" Magpahinga kana, subalit sa kabilang buhay susundan at susundan pa rin kita, Hahanapin kita Cecelia"- napangiti nalang ako sa kanya, hinubad ko ang aking porselas at iniabot sa kanya, sobrang hirap na akong huminga.
" Huwag mo na akong hanapin, gusto kong kalimutan ang mga nangyari sa buhay ko, ayaw ko na dito at kung maari sana ibigay mo iyan sa aking anak bilang tanda ng aking pagmamahal, matutulog na muna ako"- patuloy pa rin ang pag-agos ng luha nya, habang ako unti-unti kong nararamdaman ang pag-kaubos ng aking hininga, unti-unting dumidilim ang paligid, paalam sa lahat.
BINABASA MO ANG
Mi Amor
Ficción históricaAng istoryang ito ay naganap noong araw kung san nabuo ang himagsikan noong Hulyo 7 1892, at kung saan nagkaroon ng pagkakaisa ang mga pilipino upang wakasan ang pagpapahirap ng bansang espanya.