Kamusta na kaya ang aking kapatid sa espanya?
Pinagbawalan kami ni ama, magpadala ng sulat sa espanya dahil isa daw iyon sa mga napagkasunduan, isang taon na rin ang nakalipas ng mawala sya.
Naikasal na kami ni Leandro, Si Ginoong Jose naman ay hindi na gaanong kasaya ang bawat sulyap sa kanyang mga mata nya na lumuluha tuwing gabi. Naalala ko pa ang araw na umalis si Cecelia, nagising si Jose na walang kaalam alam tanging tangis ko lamang ang kanyang narinig habang nakayakap saakin asawa na si Leandro, pagmulat ng kanyang mata agad nyang hinanap ang kasintahan na si Cecelia na aking kapatid.
Hindi namin alam ang isasagot, pinalabas na lamang ng aming ama na patay na sya, hindi rin matanggap ni ama ang paglisan nya kaya pinalabas nila na wala na sya. Nung una hindi ako pumayag sa plano ng aking ama subalit mas mabuti na raw iyon kaysa umasang babalik pa ang aking kapatid, naging malungkot nanaman ang aming tahanan, lalo na akong nalungkot ng ako ay ikasal sapagkat mas lalong nakakalungkot maubusan ng tao sa bahay.
Nanunumbalik na ako sa kanya, subalit hindi na sya makakabalik dito sa Pilipinas. Umiiyak nanaman ako kapag naalala ko sya tanging ang asawa ko lang ang nagpapatahan sa kalungkutan na aking nadadarama. Nabalitaan kong si Jose ay isa ng ganap na doktor at dito nalamang nya binubuhos ang pagmamaktol at ang pighati.Isang taon bago namin muling nasilayan ang kanyang mga ngiti na may halong luha sa mga mata, noong ikasal kami ni Leandro, gusto nya rin maikasal sa tao nyang mahal.
Nabalitaan ko rin na laging tulala si Jose, muli naman nagparamdam ang kaniyang dating kasintahan na si Tanya, subalit hindi na maibabalik ang dating sya, bihira syang umuwi dito sa Nueva Sicubya, laging paliwanag nya ay ayaw nyang sariwain ang mga alaala, sinusubukan nyang umalis sa kahapon, sinubukan nyang makihalubilo sa mga kaibigan nyang doktor." Mahal ko ang lalim nanaman ng iyong iniisip, halika mag-saya tayo, fiesta de agosto ngayon"- muntik ko ng malimutan, ngayon nga pala ang unang araw ng kapyestahan.
" Naalala ko lamang ang aking kapatid" - sambit ko sa kaniya, ngumiti naman ito.
" Mahal alam kong ayos lang si Binibining Cecelia sa espanya" - matamis ang mga ngiti ang ginawad ko sa kanya, alam kong nagkagusto rin sya kay Cecelia subalit nanaig pa rin ang pag-ibig nya saakin.
" Mahal sabihin na kaya natin kay Jose na buhay pa si Cecelia" - sabi ko sa kanya, lubha na akong nag-aalala sa kanya.
" Hindi maari, lalo mo lamang papaasahin ang aking kapatid lalo na't hindi natin alam kung may asawa na sya"- hindi ko alam subalit lumapat ang palad ko sa muka ng aking asawa.
" Patawad Celestina hindi ko sinasadyang masaktan ang iyong damdamin" niyakap nya ako, napaiyak nanaman ako.
" Ehemmm"- parehas kaming napatingin kung sino ang pumasok si jose. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko
" Magandang umaga kapatid, akala ko ba' y hindi ka na uuwi ngayong araw ng agosto"- sabi ni Leandro sa kapatid at niyakap ito
" Kung ako sayo Leandro hindi na ako gagawa ng mga kalokohan, para paiyakin ang aking sinisinta"- ngumiti lang si Leandro, at pinaupo naman si Jose
" Naalala lang nya si Cecelia"- sambit ni Leandro, nalungkot yung mga mata nya peri nabawi agad iyon ng ngumiti sya
" Kailangan nanatin tanggapin na wala na sya, mahirap mabaon sa nakaraan pero alam kung sinusubaybayan nya ako, ayaw nyang makita ako na ganito"- sabi ni jose, na ikinagulat naman namin ni Leandro.
" Bagkus mas pipiliin pa nya na umibig ako sa iba, upang matakpan ang sakit na aking nadadarama ganun kamartyr ang aking sinta, handa syang isakripisyo ang lahat para lamang saakin, namatay sya ng ganun ganun na lamang"- nangingilid na ang mga luha nya, nilapitan sya ni Leandro at niyakap
" Sigurado akong magiging masaya si Binibining Cecelia kung gagawin mo ang nais nya"- sabi ni Leandro at niyakap ang kapatid
" Ang katapatan ay isang simbolo ng iyong pagmamahal Ginoong Jose, subalit ang aking kapatid ay kasiyahan ang nais nyang makita sa kanyang iniibig, mas pipiliin nyang maging masaya ka"- sabi ko sa kanya, hindi ko man sya ipinagtutulakan sa iba subalit may puso si Jose, hindi ko rin masabi sa kanya na buhay pa si Cecelia kaya dapat tama ang mga desisyon na gagawin namin. Alam kong Ginagabayan kami ng panginoon.
Patawad Cecelia nasira ko ang mga pangako na binitawan ko at hindi ko nagawa ang mga bilin mo. Patawad kapatid..
BINABASA MO ANG
Mi Amor
Historical FictionAng istoryang ito ay naganap noong araw kung san nabuo ang himagsikan noong Hulyo 7 1892, at kung saan nagkaroon ng pagkakaisa ang mga pilipino upang wakasan ang pagpapahirap ng bansang espanya.