Sana panaginip lang, Sana pag-gising ko nakabalik na ako sa tamang panahon at tamang pamilya ko, ayaw kong masaksihan ang buhay ni Cecelia, baka ako lang ang sumira...
"Binibini gising na, anong oras na? Tanghali na, may pupuntahan pa kayo ni Ginoong Jose"- napamulat ako, tapos bigla kung kinuha ang Bag ko at kinuha ang ang training na damit.....
"Binibini"- napatingin ako sa nagsalita, ay shit nandito pa rin ako nanlumo ako, ng makita ko ang bestida na suot ko, bestida na pantulog, nanlumo ako then tumingin ako sa kanya na parang sinasabi na ayaw ko na doon
" Pasensya na akala ko kasi nasa pag eensayo ako"- binalik ko na mga gamit ko, saka naligo naglagay lang ako ng lipbalm na dala ko hindi naman ako putlado, pulbo lang ang nilagay ko sa muka ko at bumababa para mag almusal, hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, nakita ko naman ang pamilya ni Cecelia
" Cecelia gising ka na pala"- wika ni Don pascual tapos binababa ang dyaryo... Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko yung dalawang soliman, umikot ako pabalik ng kwarto
" Magandang umaga Binibining Cecelia"- pagbati ni Leandro, ngiting ngiti ito wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa kanya pero napabalik ako papunta sa hapag kainan, at nakita ko sarili ko na nakangiti kay Leandro..
" Magandang Umaga maganda kong binibini"- kaumaga umaga nagbibigay ng mga mabubulaklak na salita, ngumiti lang ako uupo na sana ako ng bigla nyang inalalayan ako pag upo
" nakikita ko na, mapapabuti ang kalagayan ng aking dalawang dalaga sainyo dalawa Jose at Leandro"- ang paplastic naman ng ngiti nila Celestina at Jose, Samantalang si Leandro halos mapunit ang labi at ako tulala iniisip kung kailan makakauwi...
" Anak ayos ka lang ba?" Nagulat ako at bumalik sa katotohanan ng tanungin ako ng aking ina" Nabigla lang po ako sa mga pangyayari aking ina, at sinasariwa ko po ang una namin pagkikita ng aking mapapangasawa"- ngumiti sya na hindi mo makikita na ayaw nya sa kasalan, tiningnan ko sya ng nakakaloko
" Naalala ko kung pano ka kiligin aking binibini"- parang ako yata yung namula sa sinabi nya, hindi ko alam kung paano ako rerebat
" Tingnan mo Mahal parang tayo lang rin dati diba?"- sabi ni Ina, tumawa naman si Don Pascual pero tawang maginoo lang
" Ina naman"- sabi ni Celestina, natawa ako sa reaksyon ni Celestina, nakatingin sya ngayon kay Jose at si Jose naman ay nakatingin sakin
" Tama na nga yan at kumain na tayo"- sabi ni Don pascual, kumain naman kami ng inam, ang sarap ng fresh milk, pagkatapos namin kumain pinagpaalam na kami ng dalawa kay ama't ina, at nagtungo kami sa Kabilang bayan kung saan may ginaganap na kasiyaham. Tiningnan ko si leandro masaya naman sila pagmagkasama pero bakit hindi yata matanggap ni Celestina na itakda silang ikasal. Andaming magagandang banderitas n nakasabit.
" ehem, hindi ba kayo mag-iimikan?"- sabi ni Leandro. Tiningnan namin sya ng masama.
" Bakit, ikakasal na rin naman kayo bakit kayo mahihiya?"- ang galing talaga badshot, bigla naman napatahimik si leandro kakatawa at sumeryoso ang muka
" Kapatid wag kang lilingon sa likudan mo"- napataas ng kilay si Jose, syemprw mas mataas yung akin papatalo ba ako, kita ko rin yung pag aalala ni Celestina akmang lilingon na si jose ng umimik uli si leandro
" Wala naman akong dapat ikatakot kapatid, may hindi ba ako nalalaman?"- ngumiti ito, ngunit kasabay ng kanyang pagtalikod ay nawala ang kanyang mga ngiti, sinipat ko ang kanyang tinitingnan nakatingin ito sa dalawang magkasintahan.. Nangingilid na ang kanyang mga luha
" Kapatid Ipagpaumanhin mo ang paglihim ko sa namamagitan sa dalawa, sa kadahilanan ayaw kitang masaktan, ako rin ang nakatanggap ng sulat ni Tanya nitong nakaraang 4 na buwan na wala ka, ngunit nakasaad sa sulat na makikipaghiwalay na sya at meron nang nagpapatibok ng puso nya"- hindi natinag ang ng tingin ni Jose, dun sa babae, maganda sya pero mas maganda ako, babaeng babae nga lang sya. Nabigla ako nung tingnan ko sya tumutulo na ang mga luha nya, hindi maari dahil papalapit na yung tanya dapat hindi makita ni tanya na marupok ito, kinuha ko ang panyo ko at humarap sa kanya, tumingki ako para kunwari hinihipan ko mata nya.. Pinunasan ko ang mga luha sa mata nya..
BINABASA MO ANG
Mi Amor
Ficción históricaAng istoryang ito ay naganap noong araw kung san nabuo ang himagsikan noong Hulyo 7 1892, at kung saan nagkaroon ng pagkakaisa ang mga pilipino upang wakasan ang pagpapahirap ng bansang espanya.