ika-siyam na kabanata

58 2 0
                                    

Kitang kita ko si Jose nga ito subalit hindi si Tanya ang kasama nito, ang kasama nito ay hindi ko kilalang estranghera, Hindi man nga lang nya nakuhang lumingon

" Celestina sabihin mo nga kilala mo ba yung babaeng iyon"- nag iling iling sya, tiningnan ko si Alejandro, at nagbitin bitin sa braso nito habang hila hila yun

" I don't know her" - sabi nitong englisherong palaka, napag-alaman ko rin na dito na natutu na magtagalog si Alejandro kaya medyo slang na parang bisaya sya magsalita.

" Tara na Cecelia, alam kong may paliwanag jan si Ginoong Jose" - sabi ni Celestina, hindi naman tama na pinagkasundo kami tapos mag-sasama sya ng ibang babae at hindi ako. Nakabusangot lang ako sa buong paggagala namin nila Celestina nababadtrip ako sa mga lalaking ngumingiti saamin. Nandito rin si Leandro para kaming couple, tae. At kanina pa ako tiningnan nung dalawa ni Celestina, sinabi rin ni Celestina na nawala na raw ang pagtingin nya kay Jose, simula nung dumating ako at nakita daw nya ang halaga ni Leandro. Tumatawa yung apat sumunod kasi si Leandro at Teodora, sinabi ni Ama na isama daw ni Leandro si Teodora para may katulong daw kami sa mga bibilhin namin.

"Anong nakakatawa?" - sabi ko sa kanila at mas lalong lumakas yung tawa nila

" Hindi ko mawari ang iyong itsura Binibining Cecelia" - inirapan ko lang sila, kanina magkasabay si Alejandro at Teodora subalit pinaggitnaan ako nitong dalawa

" You look exhausted, do you wanna go home?" - nag aalalang tanong ni Ale, nag-iling iling lang ako

" Kung ano man ang sinabi ni Ginoong Alejandro siguradong tama sya binibini, mukang wala kang gana gumala"- sabi ni teodora, nakakabadtrip kasi si Jose, pinapaisip ako.

" Si Jose ba ang may kasalanan?" - nanlaki ang mata ni Teodora. Nilakihan ko rin sya ng mata

" Hey ladies stop, " - sabi ni Ale.

" Hindi ba binibini tanging sa kasunduan lang naman kayo nagkatali, bakit ka naman magtatanim ng galit, dahil ba yun sa kasama nya kanina?"- para nya akong sinampal ng limang beses, grabe magsalita Parang pinapalabas na wala talaga.

" Kilala mo ba yung binibini na kasama nya?" - sabi ni Ale, tumango tango naman si Teodora, nakakasigurado ako na hindi yun isang mayaman dahil sa pananamit palang nalalaman mo na ang estados ng buhay dito.

" Isa sya sa mga utusang babae ni ..." - pangbibitin ni Teodora, parehas kaming nabitin ni Ale

" Teodora Naman, kailangan talaga binibitin"- ngumiti lang ito tapos nakita kong patungo sa likuran ko si Leandro

" Jose maigi naman nakadalo kayo ni Tanya sa aking pag anyaya na lumabas tayo"- tama ba narinig ko, Jose, Tanya, paglabas..

" Maraming salamat Ginoong Leandro sa imbitasyon, nagkaroon uli kami ng pagkakataon ni Jose na magkasama"- mas lalong pumakla ang timpla ng muka ko, ano masayang  masaya ka ngayon tanya. Halata rin ang pagkagulat ni Jose, kala ko ba na may gagawin itong mahalagang bagay .

" Hey Cecelia Don't be so obvious, I will make him jealous okay, Let's play with them"- inaayos ko na yung sarili ko at ngumiti, alam kong hindi nila naunawaan ang sinabi ni Alejandro.

" Wala yun saka alam naman namin ang inyong pag-iibigan ni Jose kaya handa kaming paglapitin muli kayo" - sabi ni Celestina na ikinainit ng muka ko,  Mapanuya akong ngumiti sa kanilang lahat,

Handang paglapitin muli?

Ano pala yung ginawa nya kahapon laro lang? Ano ang lahat ng iyon kasinunggalingan?. Parang gustong kong bumaril ng babaero.

" Alam naman namin na nagkukunwari lamang kayo Cecelia at Jose sa harap ng maraming tao"- boommm!! Gusto kong manuntok, bakit nakukuha nyang ngumiti , samantalang ako yung ngiti ko pilit lang

Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon