ika-labing walong kabanata

33 2 0
                                    

Buwan na ng Pebrero, nandito kami sa laguna nagtatago na parang mga daga malapit na rin ang kalayaan konting tiis nalang. Kahit paunti-unti na titiis kong sikmurain ang dalawa ni Jose at Tanya, nandyan naman kasi sila Teodora para pasiyahin ako saka isang buwan din akong hindi umimik o nakipagkwentuhan.

" Teodora ano ka ba naman pwede ba, huwag mong sanayin ang aking anak na laging nakakalong sayo dahil baka maging tamad ito paglaki"-syanga pala nanganak na si Miranda babae ang anak nila ni Pedro, pero sabi saakin ni Cecelia lalaki ang isisilang nito, nababago na ba ang tadhana

" Ito naman si Cecelia laging putlado at laging nahihilo, alam mo ba iyan ang senyales ng mga buntis"- sabi ni teodora na  akala mo ay eksperto sa panganganak samantalang hinimatay sya nung nanganak si Miranda, andami nya talagang alam.

Nitong mga lumipas na buwan andaming nangyari, mabuti na nga lang walang gaanung hadlang sa aming paglalakbay, ang humadlang lang naman sa aking  paglalakbay ay yung sakit na aking nararamdaman, iniwasan ko sila pati si Leandro pakiramdam ko kasi pinagkaisahan ako, nabalitaan ko na madalas din sumama si Jose sa mga laban para manggamot ng mga sugatan kaya pala si Tanya lang nakikita ko dito.

" Magandang araw sainyong tatlo mukang abala kayo sa mga pinag uusapan nyo?"- si Celestina pala habang karga-karga si Segundo

" Pinag-uusapan lamang namin itong si Cecelia dahil putlado lagi at laging nahihilo"- tiningnan naman ako ni Celestina, sama talaga ng pakiramdam ko hindi ko alam kung bakit, iba naman ito sa nararamdaman ko na paninikip ng dibdib.

" Totoo ba ate? Bakit hindi mo lamang sakin pinaalam?"- sobra syang nag aalala, medyo napalayo kasi yung loob nya saakin kasi hindi ko sila gaanung iniimikan saka medyo malaki talaga ang epekto ng mga nangyari.

Hinawakan ko ang kamay nya saka ngumiti " huwag kang mag-alala Celestina, ayos lamang ako hindi mo kailangan isipin iyon, mas maigi pang ituon mo ang pansin sa iyon anak at kay leandro"- sabi ko sa kanya, pero bakas pa rin sa mga mata nya ang lungkot, halos di rin ako kumain ng isang linggo nung mga araw na yun muka akong bangkay na humihinga. Pumayat nga yata ako.

" Subalit hindi mo pa rin maalis saakin maalis ang mag-alala, kapatid mo ako kaya kahit anong oras maari mo akong lapitan. Saka aking napapansin na nagiging mailap ka na saaking pamilya simula nung dumating si Tanya, tanging si Ginoong Alejandro at sila Miranda lamang ang iyong nilalapitan hindi ko lamang iyon pinupuna dahil alam ko na napakalaki ng aming kasalanan sayo, kaya lubos akong humihingi ng tawad"- sabi nya saakin, sa loob kasi ng dalawang buwan tanging sila Miranda lang ang aking kinakausap saka kung sakali man na magkasalubong kami ngiti lang ang ginagawad ko sa kanya at kusang umiiwas ang katawan ko palayo sa kanila.

" Ayos lang ako, Huwag kang mag-alala" - sabi ko sa kanya, tahimik lang sila Miranda habang nakikinig. Hindi pa rin namin nakakasama sila kuya subalit nagpapadala ito ng sulat na mas lalong umigting ang gira sa Nueva Ecija kaya mas nahihirapan sila sumunod dito.

" Andito na sila Ginoong Jose, nagbalik na sila sa loob ng isang buwan" - ang lakas ng tibok ng puso ko nung narinig ko yung pangalan nya, tumayo naman si Celestina para salubungin ang asawa. Dalawang buwan ko syang iniiwasan at hindi inisip pero sa tuwing nararamdaman ko ang presensya nya nasasaktan ako. Nasa iisang kweba lamang kami at nagtatago hindi ito magiging maganda.

" Mahal ko, kamusta ka?" - rinig na rinig kong tawag ni Tanya kay Jose, tumutulo nanaman ba ang mga luha ko, tama na, pagod na ako.

" Cecelia nasasaktan ka pa rin ba?" - mahinang tanong saakin ni Teodora habang hinahawakan ang aking kamay. Wala kasi si Alejandro sumama sya sa ibang katipunero upang maghanap ng makakain sa bayan, mga isang linggo din ang kanilang paglalakbay sigurado akong bukas naririto na rin sya.

Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon