Maurine Antheia's POV**KRING** **KRING**
Aish! Anong oras na ba? Sarap sarap ng tulog ko e.
6:30? Ah okay, alam ko na.
Shemay male-late nanaman ako. Agad akong pumunta sa banyo at naligo. Nagbihis rin ako agad at inayos ang sarili bago bumaba para kumain. Nang matapos ako sa morning routine ko ay nagpaalam na ko kina mama at papa para pumasok sa school.
At dahil late na ko ay nag tricycle na ko kahit walking distance lang ang bahay namin at ang school ko hays. 1st week pa lang ng school year pero nakakapuyat agad sa dami ng gawain.
Oo nga pala, di pa ko nagpapakilala. I'm Maurine Antheia Monteverde,17 years old. You can call me Mau, short for Maurine, last year ko as a Senior High School student sa paaralang pinapasukan ko. Scholar student lang ako dahil di naman kami mayaman haler pero di rin naman kami sobrang hirap 'no, kaya nga nagsisikap ako mag aral. Di namin kaya yung tuition sa school ko dahil isa to sa pinaka maganda at sikat na paaralan sa bansa.
Eto na nga at nasa school na ko jusko, dumiretso agad ako sa classroom namin at wala akong nadatnang professor sa loob. Nasa seminar daw, sayang effort ko magmadali tsk. Sayang benteng pamasahe sa tricycle.
At teka, bakit may lalaking naka upo sa upuan ko?
"Excuse me upuan ko yan, baka nagkamali ka ng napasukang room?" tanong ko sa lalaki, omg ang pogiii as in, ang gwapo niya besh yung lang.
"Transferee yan Mau." Sabi ng isa sa mga kaklase ko. Woah so siya pala yun? Lumipat kung kelan last year of senior high na duh pero in fairness, ang gwapo hayst pero bat sa upuan ko pa umupo?!
"E san ako uupo?" tanong ko sa kanila. Tumayo yung transferee at kumuha ng extrang upuan pero sa tabi ko paren nilagay. Hay jusko nakakaloka.
"Okay ka na?" Tanong ng transferee at naghiyawan naman ang mga kaklase ko tsk, baliw. Umupo na lang ako at nag review saglit, wala akong magawa e may quiz agad kami mamaya.
"Nagre-review ka?" tanong ng katabi kong transferee. Ang pogi niya talaga besh pero obvious naman diba? Tinatanong pa, char.
"Ah mej, may quiz kase mamaya e. Kung gusto mo review ka ren para kahit papano may alam ka dito sa topic." sabi ko sa kanya, baka mamaya wala siyang maisagot kase kakasimula niya lang pumasok.
"Ah yan ba? Alam ko na yan, sige review ka muna jan." sabi niya sabay ngiti, wao alam niya na, alam ko na ren naman to noh. Pero in fairness mas lalo siyang gumwapo nung ngumiti siya pero study first hAHAHAH.
Ewan ko pero naalala ko si Sky sa ngiti niya, taga kabilang section. Heartthrob siya dito pati yung mga tropa niya, kase hindi lang sobrang gwapo, matalino, talented at may manners pa. Wala naman akong gusto sa isa sa tropa nila pero lagi siya shiniship sakin ng iba amp. Pero sa totoo lang ang swerte ko kase kaclose ko sila.
Napatigil ang room namin sa pag iingay nang biglang dumating ang prof namin sa math kung saan may quiz kami, 1st quiz agad actually.
"Good morning class." bati ni sir at nilapag ang gamit niya sa table.
"Good morning Sir Jason." bati namin sa kanya.
"Like what I have said last tuesday, today is your 1st quiz in Mathematics, get 1 sheet of yellow pad paper." sabi ni sir at thursday na ngayon, ang iba kong kaklase naghingian sa meron.
BINABASA MO ANG
Definitely My Happy Pill
Teen FictionLove or Friendship? But what if you found both love and friendship in one person? Will you choose one? Or both? [TagLish] [On-Going]