Chapter 27

10 3 0
                                    




Third Person's POV


Nagising na sa kwarto ni Zel ang mga magkakaibigan. Puro sila masasakit ang ulo pero maya maya lang din ay nabawasan na.


"Good morning mga mehn." Bati ni Blake at napatayo na silang lahat galing sa pagkakahiga.


"Grabe sakit ng ulo ko." Reklamo ni Cas habang nakahawak sa ulo niya.


"Teka, nasan si Mau?" Tanong ni Zel at nagkatinginan silang magkakaibigan. Wala rin si Migo at alam naman nilang sa kwarto niya matutulog yun.


"Baka nag cr lang yun." Sabi ni Pia pero ang iniisip niya ay sana magkasama ang dalawa. Um-oo nalang sa kanya yung iba dahil di nila iniisip na magkasama sina Mau at Migo dahil di naman sila okay dalawa.



"Dito muna tayo, maya maya na breakfast." Sabi ni Sky at umupo ulit silang lahat palibot sa lamesa sa may carpet.


"Gisingin niyo na nga si Migo." Sabi ni Xyrix. Hindi nila alam na magkasama ang dalawa sa kwarto nito.


"Ayun pa, hindi naman nagpapapasok sa kwarto niya yun." Sabi ni Cams kaya napabuntong hininga ang iba sa kanila.


"Diba si Zel daw pinapapasok niya?" Nagtatakang sabi ni Kaydee. Naniwala siya sa sinabi ni Migo noong nakaraang gabi.


"Ah ang totoo kasi niyan..." Napakamot sa ulo si Sean at di alam kung sasabihin niya ba ang totoo kay Kaydee.


"Uh, K kasi ano eh. The truth is... hindi talaga ako. Si Mau yun, si Mau lang babaeng pinapasok niya dun. Di niya lang sinabi nung dinner kasi alam mo na, di sila okay." Pag amin ni Zel at tumango lang si Kaydee. Pero ang totoo, nasaktan siya. Gusto niya kasi talaga si Migo. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman dahil di niya alam kung gusto ba ni Migo si Mau.



"Ang tagal naman ni Mau. San na ba yun?" Tanong ni Izzy at nakatingin sa may pintuan. Parang kinutuban na sila.


"Hindi kaya?" Nanlaki ang mga mata nila at dali-daling lumabas ng kwarto ni Zel kasama si Kaydee.


"Shhh." Pagsaway ni Zel at nakaabang sila sa labas ng kwarto ni Migo. Di naka lock ang pinto kaya binuksan nila kaunti.


"Bat kasi dito mo pa ko dinala tapos magrereklamo ka!" Rinig nilang sigaw ni Mau. Nagkatinginan silang lahat.


"Hindi ako nagrereklamo! Eh san kita dadalhin? Wala ng space sa kwarto ni Zel. Ano gusto mo? Sa pool kita patulugin, sa garden, sa hagdan, o sa bathtub? Buti nga di kita iniwan don sa c. r!" Sagot ni Zepp at mukhang napipikon na sila pareho.


"Eh sino ba kasi nagsabing sundan mo ko sa c.r? Pano kung nakahubad ako don?!" Medyo napatawa sila kaya agad silang nagtakip ng bibig. Medyo natutuwa din sila sa naririnig nila. Nag uusap na ulit ang dalawa kahit papaano.



"Oh kasalanan ko? Sino ba yung nag iwang bukas yung pinto? Tsaka ano naman kung nakahubad ka? Kala mo naman may mamanyak sayo!" Nagkatinginan ulit yung magkakaibigan sa labas at pinipigilang tumawa.



"Wow! Epal ka talaga! Epal! Epal!" Sigaw ni Mau at pinaghahampas si Migo.



"Aray ko! Aray! Ano ba! Hilig mo talagang saktan ako 'no?" Napatigil si Mau don. Hindi niya alam isasagot niya.


"Nice one Migo, hayop." Mahinang bulong ni Sky at nakangisi. Natigilan din ang iba nilang kaibigan sa sinabi ni Migo.



"E ikaw? Anong hilig mo? Hilig mong baliwalain ako 'no?" Si Migo naman ang natigilan ngayon. Ang mga kaibigan nila sa labas ay nakikinig parin at di alam ang gagawin dahil mukhang naiiba na topic ng dalawa.



Definitely My Happy PillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon