Maurine Antheia's POVWooh! January nanaman at sa isang araw lang ay may pasok na ulet. Kakadating ko lang sa dorm at wala pa yung tropa. Bukas pa ata nila balak bumalik dito dahil kakauwi lang ata nung iba galing sa bakasyon. Alam niyo na, mga mayayaman kaya kung saan saan sila nakakarating hahaha! Pero alam niyo naman na kahit mayaman sila, ang babait nila at di ako jinudge kahit di nila ko kasing yaman.
Matawagan na nga lang si Zepp at matanong kung kelan babalik sa dorm. Siya lang kasi yung online sa tropa ngayon. Well, palagi naman ata tong online.
Calling Z eppal...
"Hmm?" Mukhang bagong gising pa ata. Jusko 11:20 na.
"Hoy Zepp Miguel tanghali na! Bat parang kagigising mo lang pero naka online ka?"
"Naiwan kong naka connect sa wifi. Tss, ano ba kasi yun? Inaantok pa ko eh." Grabe bat ganon yung boses niya? Ganon ba talaga kasarap pakinggan yung boses ng ibang lalaki pag bagong gising? Sarap sa ears. Ay charot. Erase erase.
"Sige matulog ka muna. Mukhang puyat na puyat ka. Sorry sa nagising pa kita. Sige na." Sabi ko, anubayan naistorbo ko pa sa pagtulog. Na g-guilty tuloy ako. I e-end ko na sana yung call pero nagsalita siya ulet.
"Tss, it's okay. Gising na ko e wala na kong magagawa. Kelan nga pala balik mo sa dorm?"
"Yun nga eh kaya ako tumawag, nasa dorm na ko. Wala pa kong kasama kasi wala pa ni isa sa inyo yung nandito." Sabi ko. Hay, di ko pa yata kayang makita si Izzy. I mean, di ako galit pero ang awkward kasi.
"Seriously? Edi mag isa ka jan ngayon?"
"Oo, obvious ba? Kasasabi lang diba? Duh." Umirap ako na parang kaharap ko lang siya. Ay nako Zepp Miguel, minsan talaga sabaw den 'to e.
"Whatever. Sunduin kita. Dito ka na mag lunch. Tsaka para naman may ibang makausap si Zel."
"Ha, wag na. Okay lang ako dito baliw. Tsaka nakakahiya anjan pa yata parents niyo."
Nakakahiya naman kasi talaga. Baka mamaya sabihin ng parents niya ang kapal ng mukha ko. Nahihiya na nga ako nung nag video call kami nung pasko at new year eh.
"Wag ka na nga mahiya. Gusto ka rin kasing maka close ni mom. Kung ano ano ng naikwento ni Zel don. Maliligo lang ako saglit. I'll be there in 25 minutes. Bilisan mo midget. Bye na, mag me-message nalang ako pag nanjan na ko."
Call ended.
Ano ba yan di manlang ako pinagsalita hmp! Pero ano? Susunduin niya talaga ko dito? Aish! Kainis nakakahiya. Huhu, pano na ko? Aish!
—
Medyo malapit na daw kami sa bahay nila Zepp. May driver siya kaya magkatabi kami dito sa likod.
"Hoy midget bat ka ba kinakabahan e di ka naman kakainin ng parents ko." Inirapan ko lang si Zepp sa sinabi niya.
"E kasi naman, baka mamaya siniraan mo ko sa parents mo! Lagi mo pa naman akong inaaway." Sabi ko sa kanya at umirap ulet. Automatic na ata yung eyeballs ko pag si Zepp kausap ko.
"Di naman, medyo lang." Hinampas ko siya sa braso pagkasabi niya non. Tinawanan pa ko ng loko at ginulo yung buhok ko. Kainis talaga.
"Biro lang eh! Napaka pikon mo talaga 'no." Sabi niya at sinagi yung braso ko. Syempre gumanti ako. Sinagi ko den siya.
BINABASA MO ANG
Definitely My Happy Pill
Teen FictionLove or Friendship? But what if you found both love and friendship in one person? Will you choose one? Or both? [TagLish] [On-Going]