Chapter 30

19 3 0
                                    




Maurine Antheia's POV


"Buti wala kaming flight bukas, sakto sa birthday mo!" Masayang sabi ni Pia kay K. Magkakasama kasi kaming magkakaibigan sa mall ngayon with K. Nakabalik na kasi kami sa Pilipinas at bukas na rin yung birthday niya kaya bumili sila ng mga susuotin nila bukas. Meron naman na kong isusuot kaya iba nalang binili ko.



"I'm happy na makakapunta kayo tomorrow and thank you kasi mabait kayo sakin." She smiled at us kaya ganon rin kami. Oo minsan naa-awkwardan ako sa kanya pero mabait naman kasi siya kaya I can't stop myself being nice to her tsaka ayos siya kasama. May similarities din kami kaya di ganon kahirap makisama sa kanya.



"Oo naman 'no. Kaibigan ka ni Migo kaya dapat mabuti rin kami makitungo sayo." Nakangiting sabi ni Cams. Well, mabait naman kasi talaga si Cams kahit di ganon kaganda yung unang pagkikita namin. At tama naman siya, K is Zepp's friend that's why we should respect her the way we respect Zepp.



"Yeah, but I still don't like you that much ha, but I don't hate you too. Uh, basta we're okay na." Natawa naman kami sa sinabi ni Zel. Eto talagang si Zel mapili sa friends e, and nothing's wrong with that naman. It's her life, it's her choice kung sino yung pipiliin niyang pakisamahan but she's nice. I swear, mabuting tao yan si Zel.



"Okay lang 'no. At tsaka tara na nga, kumain na tayo." Natatawang sabi naman ni K samin at syempre, si Blake agree agad. Basta talaga pagkain. Pero ako din naman, hehe basta foods.


Mag c-cling na sana ko sa braso ni Zepp kaso nauna si K. Okay, medyo lumayo nalang ako kasi alangan namang dalawa kaming naka cling sa kanya? Ano nalang iisipin ng ibang tao dito diba. Sabagay, marami na ring nagbago, marami naring taon yung lumipas na si K yung kasama niya at hindi ako. Wala akong say kung mas close na sila.


Ano ba yan, dapat talaga di nalang ako kinilig sa mga posts at caption niya. Hindi na lang naman kasi ako yung bestfriend niya, there's K. She's been there with him nung mga times na wala ako sa tabi niya, and she's still here with him until now. Walang laban yung ilang buwang nakasama ko siya sa ilang taong shinare nila sa isa't isa. Hayyy.





Nakakain na kami at nasa timezone kami ngayon, marami-rami narin kaming nalaro. Tuwang tuwa naman 'tong mga 'to, kala mo naman mga bata pa kami. Hello? We're already 25 and turning 26 (except kay K na mag t-twenty five palang) and we should be worrying about our works but now, they're worrying about the timezone tickets. Aish, ayun nagpapadami pa sila ng ticket at ako naman eto at naglalaro ng barilan HAHAHAHA! Ewan ko ba, feel ko lang maglaro.


"Uy." Napatingin ako nung may kumalabit sakit. Si Zepp lang pala. Buti naman at di nakadikit si K sa kanya ngayon at makakausap ko ang best friend ko. Minsan lang kami magkausap ni Zepp pag anjan si K eh. Ang daldal din kasi ni K kaya lagi niyang kinakausap si Zepp. Nakakainggit nga siya e, di siya nauubusan ng topic. Lol.



"Uy ka din." Sagot ko at ibinaba na ang laruang baril. Nag-cling ako sa braso niya at hinila siya sa may Just Dance. Back then, maliban sa cheerleading ay mahilig din talaga ko sumayaw. Sumasayaw din naman si Zepp kaya nga hinila ko din siya dito eh hindi lang para manood, para samahan ako.



"Don't tell me we'll dance here." Nagaalangan niya pang sabi kaya ngumiti lang ako at niswipe ang card.



"Sige na, minsan lang eh." Pagpilit ko pa at pumili na ng song.


"Papanoorin nalang kita." Sabi pa niya at tumayo sa tabi. Sumimangot naman ako sa kanya at yumuko. Sana gumana. Kaso, bigla kong naalala na hindi na pala kami ganoon kagaya ng dati. As if naman gumana pa yung ganitong pag iinarte ko. Maglalakad na sana ko palayo kaso pag angat ko ng ulo ko ay nakita ko si Zepp na nasa harap ko na.


Definitely My Happy PillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon