Chapter 23

17 3 0
                                    




Maurine Antheia's POV


"Girl ang tagal! Tara na tomguts na ko!" Agad akong tumayo nang sumigaw si Pia. 3rd year college na kami at siya lang ang same course and sched ko saming magt-tropa. Buti nga at may kasama pa kong kaclose ko.


"Eto na!" Sumunod ako sa kanya at sabay kaming naglalakad papunta sa cafeteria.


"Di parin ba kayo bati?" Napabuntong hininga ako sa tanong ni Pia. Grabe, 3 years na simula nung umalis sila Zepp. 3 years na kaming magkalayo. At halos 1 year na kaming nawawalan ng oras sa isa't isa. Nag c-call naman kami. Dati madalas, pero patagl ng patagal, dumadalang na yung pag uusap namin. Hanggang sa nagtampo na kami sa isa't isa. Alam naman kasi naming mahirap makahanap ng time lalo na't busy kami at magkaiba pa ng oras. Pero nakakapagtampo kasi, tinatry ko rin namang humanap ng time para makapag usap kami pero kapag naman magkausap na kami, di pa tumatagal yung usapan aalis na agad siya. May gagawin, may pupuntahan. Edi okay. Tas ayun, mag iisang buwan na kaming di nag uusap.



"Hindi pa." Sagot ko at siya naman yung napabuntong hininga. Hayy, sa totoo lang namimiss ko na si Zepp pero parang di niya na ko miss. Okay lang naman. Marami siyang pwedeng makilala don. Hindi naman pwedeng ako lang yung best friend niya. Or ako pa rin ba yung best friend niya? Hahay.



"Grabe yung pride niyo ha. Papaabutin niyo pa ba ng ilang buwan, taon bago kayo mag usap ulit?" Tanong niya at napailing. Tinry ko naman siyang kausapin last last week pero ang tipid ng mga sagot niya. Baka wala siya sa mood e ako kaya hinayaan ko muna siya.



"Tinry ko naman pero mukhang di siya interested. Kaya hinayaan ko muna. Kung gusto niya naman maging okay kami gagawa din siya ng paraan." Sabi ko at di na siya sumagot. Ayoko na rin munang pag usapan. Aish, it's been 3 fucking years pero siya padin. Gusto ko padin yung best friend ko. Well, ewan ko kung best friends padin kami. Pero di ko naman na iniisip na gusto ko siya, na may gusto ako. Ayoko munang isipin yung ganon, ayoko pa ring magkajowa, masaya pero minsan distraction. Wow, para naman may gustong jumowa sakin. Ah basta. Hindi pwede, kailangan ko mag focus sa studies. Di ako pinanganak na mayaman, di ko makukuha yung mga gusto at pangangailangan ko kung di ko muna paghihirapan.



"Ang tagal niyo!" Reklamo agad ni Izzy nang makarating na kami sa cafeteria. Kami lang dito ngayon nina Izzy, Pia, Blake, at Sky dahil kami lang yung walang klase ngayon. Iba iba kasi yung department at section namin kaya magkakaiba kami ng sched.


"Overtime eh." Sabi ni Pia at umupo narin kami agad.


"Uy tumatawag si couz!" Naexcite naman sila sa sinabi ni Sky pero agad ding napatingin sakin. Shoot. Bakit ako kinakabahan sa tawag ni Zep—


"Si Zel I mean." Wooh. Napahinga ako ng maluwag at napailing nalang sila sa reaksyon ko. Kasi naman, ewan ko ba. Miss na miss ko na si Zepp pero parang unti unti na niya kong nakakalimutan. Ayoko naman siyang kulitin, sino ba naman ako? Ako lang naman 'to. Si Antheia na mahal na mahal siya. Char.



"Hi couz!" Bungad ni Zel nang sagutin ni Sky ang tawag. Nag v-video call kami at pinatong ni Sky sa table yung phone niya para kita kaming lahat.



"Hi Zel!" Nakangiting bati namin. Minsan nalang rin namin kasi makausap si Zel. Pero maayos naman siya nakakausap. Di tulad ng isa don. Hmp.


"I miss you all.." Nakasimangot siya sa screen at kami ren napasimangot. Miss na miss na rin kasi namin yung kambal. Hayst. Sobra.


Definitely My Happy PillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon