Chapter 26

11 3 0
                                    





Third Person's POV


"Ano na? Tara laro!" Bungad ni Blake nang makaupo ang magkakaibigan sa carpet ng kwarto ni Zel. Nakapalibot sila sa maliit na table sa gitna ng carpet. At nagkatabi pa sina Mau at Migo. Napapagitnaan si Migo nina Mau at Kaydee.



"Anong laro naman? At may dala ka pang beer?" Tanong ni Zel at tumingin sa beer na kinuha nina Blake at Xyrix sa ref nila. Nagtatakang napatingin ang iba sa kanya at nakataas ang kilay ni Zel.


"Truth or Dare, pero hindi ka muna pipili kung truth ba or dare. Ibibigay agad yung tanong, tapos kapag di mo masagot, id-dare ka namin! Ganito, kung sino nagpaikot ng bote siya yung magtatanong o mag d-dare. Tapos kung kanino tumapat, pagkatapos niya, siya naman ang magpapaikot ng bote." Nakangiting paliwanag ni Blake at mukhang excite na excite sa laro.


Iniisip ni Mau na 'sana lang at wag ako painumin ng beer dahil hindi ako umiinom. Kahit dalawang beses na ko nakasama sa kanila mag bar, never ako uminom ng alak.'


Ayaw ring malasing ni Migo dahil baka kung ano masabi niya tungkol sa kanila ni Mau mamaya kapag nakainom siya.


"Sounds fun!" Sabi ni Kaydee at kumindat naman sa kanya si Blake. Kinurot siya ni Izzy sa tagiliran kaya siya napatigil.


"Okay I'm in!" Sabi ni Pia at sunod-sunod na nga silang nag agree. Ano pa magagawa ni Mau? Edi um-oo nalang din.


"Okay, let's start!" Excited na sabi ni Sky at pinaikot ang bote sa table. Unang tumapat kay Blake ang bote.


"Okay bro! Anong pinaka tinago mong sikreto sa tropa natin?" Tanong ni Sky at kinabahan naman si Blake. Baka kasi may mag away nanaman. Isa lang naman yung pinaka tinago niya.


"Anong dare?" Tanong ni Blake, natatakot siyang sabihin yung sikreto niya. Ayaw niyang magkaron ng awkwardness.


"Halikan mo sa lips yung pinaka close mong babae dito maliban kay Izzy, ano?" Nakangising sabi ni Sky at yung iba nakangisi rin sa kanya. Nakataas naman yung kilay ni Izzy sa kanya.


"Tangina yung una nalang." Sabi ni Blake at huminga ng malalim.


"Yown! Oh ano?" Tanong ni Sean. Sasagot nalang si Blake dahil kahit ano namang piliin niya sa dalawa, pwedeng maging awkward pero mas malala yung pangalawa kaya dun nalang siya sa pang una.


"Nagustuhan ko si Mau dati." Sabi ni Blake at gulat na napatingin sa kaniya lahat ng kaibigan niya pati si Kaydee. Nanlaki yung mata ni Mau at di makapaniwala sa sinabi ni Blake. Nakatingin lang si Migo kay Blake, iniisip niya na kaya pala ganon siya magcare kay Mau noon.


"Oh wag niyo kong tignan ng ganyan! Dati yun. Ako na!" Sabi ni Blake at pinaikot na ang bote. Kay Zel tumapat.


"Oh ikaw Zel, sinong nagugustuhan mo ngayon? Hindi pwedeng wala!" Sabi naman ni Blake. Nakaabang lang sa kanya yung mga kaibigan niya at nakangisi naman si Migo dahil mukhang alam niya kung sino.


"I'll go for dare! Uh, wag nalang pala dare. Para naman may silbi yung alak niyo, iinom nalang pag di masagot yung tanong." Sabi ni Zel at napaisip naman yung iba dahil pwede rin naman yun.


Definitely My Happy PillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon