Maurine Antheia's POV"Hey Mau, may plans ka ba tonight?" Dale asked nang naglalakad na kami palabas ng airport.
Guess what? Si kuya Dale na Captain namin dati ang piloto sa flight ngayon! I mean, kanina. And, I'm one of the flight attendants on duty kanina. Ayaw niya ngang tawagin ko siyang 'kuya Dale' kapag nasa labas ng plane. 3 years lang naman daw, panget daw pakinggan. Kaya ayun, Dale nalang tawag ko sa kanya. And about sa issue namin dati, matagal na yon! Kinalimutan na namin.
"Ah wala naman maliban sa umuwi, bakit?" Wala naman talaga akong plano ngayong except uwumi at matulog. Nakakapagod rin kasi 'no. Pero masaya naman. After almost 2 years since I graduated, natupad ko na yung pangarap ko. Mag o-one year na ko bilang F.A.
"Ah if it's okay, let's hav—" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil nag ring ang phone ko. It's Blake, calling. Napataas kilay ko. Problema netong mokong na 'to?
"I'll just answer this call." Paalam ko at tumango naman siya kaya lumayo muna ko.
"Ano? Bilis antok na ko." Tanong ko agad pagkasagot ko sa tawag.
"Mau alam mo ba,,, nasa airport kamiiiii!!"
"Ha?! Anong ginagawa niyo dito?" Shocks anong ginagawa nila dito? Nako kung nagbabalak nanaman 'tong mga 'tong mag bar pass talaga ko.
"Basta im-message ko sayo kung saang part kami. Tapos na ba duty mo?"
"Oo tapos na pauwi na sana ko pero sige. Send details." Sabi ko bago i-end ang call. Pinuntahan ko ulit si Dale para magpaalam sa kanya. Ang bastos naman kung aalis ako bigla.
"Uh Dale, may pupuntahan pa pala ko sa loob, sorry." Sabi ko at ngumiti naman siya. Ang gwapo talaga, ewan ko ba kung bakit di ko siya binigyan ng chance dati. Char hahaha!
"Uhm ano yun? Samahan na kita." Pag aalok niya pero umiling lang ako at ngumiti.
"No, wag na. Okay lang talaga, nandon mga kaibigan ko. Sorry talaga, I need to go."
"It's okay. Uh, then una na ko. Take care!" Kumaway siya at ngumiti bago umalis. Ganon din ginawa ko bago pumunta sa sinabi ni Blake kung nasaan sila. Maya maya at natanaw ko na rin si Cams at nang makita niya rin ako ay kumaway siya at nakita narin ako ng iba. Wow kumpleto sila ha! Kasama din si Zen. Bata kayo sila nandito at kasama si Zen—
Shit.
Don't tell me...
"Guysssssssss!!!" Nang marinig ko ang sigaw ni Zel, napatigil ako. Nanjan din ba siya? Kasama ron siyang umuwi? Shet punyeta ka Blake. Shet self, di pa tayo ready makita siya. Ano ba yan matagal na pero di parin ako ready makita siya. Wag muna ngayon please, bukas na lang magre-ready muna ko sa sakit, ay.
"Mau!" Excited na tawag niya at niyakap ako nang makalapit siya sakin. Woo, kinakabahan ako ha.
"Z-Zel." Niyakap ko din siya pero ang totoo, kinakabahan na talaga ako. Di ko naman siya nakitang kasama ni Zel pero pano kung bigla siyang sumulpot? Di pa talaga ako ready. Shocks ilang years na, ilang years na pero siya pa din. Pero ako, limot na ata niya ko. Hahay.
"Bat naman ganyan itsura mo girl? Wag kang mag alala. Wala siya. Di ko kasabay okay?" Medyo natatawang sabi niya at nakahinga naman ako ng maluwag don.
"Kabang kaba girl?" Tanong naman ni Cams at napailing nalang yung iba.
Baka kaya di siya sumabay kasi di niya kayang iwan si Kaydee. Hehe. Close na close na nga sila eh, kita ko lang sa social media 'no. Pero di ako stalker ha! Hay, kainggit naman siya, di magawang iwan. Sana all. Char. Sino ba naman ako? Hindi naman ako enough reason for him to stay. Ay wow, napapa english kanalang talaga kapag nasasaktan ka e 'no? Minsan lang naman pero oo naman talaga. Ha ano daw? Ay basta, gumaan pakiramdam ko nang sinabi ni Zel na wala siya at di niya kasabay.
BINABASA MO ANG
Definitely My Happy Pill
Teen FictionLove or Friendship? But what if you found both love and friendship in one person? Will you choose one? Or both? [TagLish] [On-Going]