Maurine Antheia's POVMarch. Ilang linggo nalang, graduation na. Bakasyon nanaman. Magkakahiwa-hiwalay nanaman kami. Sana, walang lumipat ng school. Masyado na kong na attach sa mga tropa ko, ayoko na tuloy mahiwalay sa kanila :<
Sa buong tropa ba talaga masyadong na-attach?
Che! Kalandian tigil. Magkakaibigan kami okay?
Napatingin ako bigla sa likod ko dahil may yumakap sakin. Oh, Zepp Miguel. Great, parang nagkatotoo yung sinabi sakin ni Izzy na ang galing kong magpanggap. Kasi naman, nagpapanggap akong best friend ko lang talaga siya, pero ang totoo, nahulog na ko. At palalim ng palalim yung pagkahulog ko. Kainis, ayoko naman siyang layuan kasi mas weird yon diba? Bigla mo nalang layuan best friend mo, e di naman siya aware sa feelings mo sa kanya. Kahit naman gusto ko siya, best friend ko parin siya. Always, he'll always be the best friend I ever had.
At oo nga pala, okay na rin kami ni Izzy. Wala ng awkwardness. Tropa na nga din ulit sila ni Blake e hahaha! Kawawang Blake, tropa zoned!
"Someone's so clingy today." Sabi ko sa kanya at kumapit sa braso niyang nakayakap sakin. Feeling ko may problema 'to eh. Kaso pag tinatanong ko naman, sasabihin niya wala daw. Kaya ayun, hinihintay kong siya yung magsabi sakin. Ayoko na muna siyang pilitin, baka kasi di pa siya ready magkwento. Ang panget kasi kapag napilitan lang yung taong magkwento sayo, parang napilitan lang rin siyang pagkatiwalaan ka sa mga narinig mo.
"Mamimiss kasi kita after graduation, vacation na." Malungkot niyang sabi. Mamimiss rin naman kita. Sobra. Hayy, ang hirap pigilan ng feelings noh? Nakakairita. Alam niyo yon? Nakakainis kasi alam ko namang feelings in all levels should be suspended according to your pag-asa. Duh? Mag best friends kaya kami. Hanggang dun lang, saket 'no? Pero willing naman akong isantabi yung nararamdaman ko para sa friendship namin.
"Magbabakasyon lang naman, magkikita pa tayo next school year, unless lilipat ka ng school. At tsaka pwede pa naman tayong makita sa bakasyon, 'to naman." Sabi ko at humarap sa kanya. Di naman siguro siya lilipat ng school diba? Ngumiti lang siya sakin at ginulo yung buhok ko.
"Tara na sa baba, kumpleto na tropa." Sabi niya at kinuha yung phone niya sa kama niya. Nasa kwarto niya kasi kami dito sa kanila habang nag aantay sa tropa mula kanina dahil sunday ngayon at trip nila mag moma (movie marathon) ngayon dito kila Zepp. Hep, tumambay lang kami dito sa kwarto niya, wag kayong ano! Kahit naman gusto ko siya, wala akong balak gahasain siya 'no! I'm very conservative and innosex, ay innocent pala shems. Eww Maurine Antheia! Eww!
Sumunod nalang ako sa kanya at paglabas na paglabas namin ng kwarto ay nakasalubong namin si Zel. Nang makita niya kami ay bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. Hay nako, ayoko ng ganyang ngiti ni Zel. Napailing nalang si Zepp at Inirapan ko lang siya. She just chuckled, hmp!
•
Zepp Miguel's POV
We're watching a movie right now and I'm just hugging Antheia. Okay lang chumansing, hindi niya naman alam na gusto ko siya. Sanay naman kaming clingy sa isa't isa as best friends. As best friends lang, yun ang alam niya. Pero kahit naman gusto ko talaga 'tong si midget, I really treasure our friendship so much that I can't risk it just because of what I'm feeling towards her.
Plus, I'm leaving soon. Kapag sinabi ko sakanya na gusto ko siya at malalaman niyang aalis ako, doble yung sakit na mararamdaman niya if ever na gusto niya din ako. But I'm not expecting na she likes me too. Knowing her, she's just friendly and naturally clingy to her friends, including me. That's why I'm not giving malice on her actions just because I like her.
BINABASA MO ANG
Definitely My Happy Pill
Teen FictionLove or Friendship? But what if you found both love and friendship in one person? Will you choose one? Or both? [TagLish] [On-Going]