Maurine Antheia's POVGosh, Monday nanaman. Ibig sabihin, may pasok nanaman. Buti nalang di na masyadong mugto mata ko kakaiyak. Simula talaga nung nalaman ko nung Friday na aalis pala si Zepp, umiiyak talaga ko pag gabi. Mamimiss ko kasi siya. At ngayon, dahil Monday na naman, makikita ko na siya ulit pagkatapos ng iyakan namin nung Friday. Hay, ayoko ng awkward moments kaya I'll act normal. I guess.
"Mau, okay ka na ba?" Tanong ni Izzy nang matapos kaming kumain ng almusal. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Alam kong di siya naniwala don dahil bumuntong hininga siya. Nag sorry nga sila sakin kasi daw ang ingay nila. Pero wala naman silang kasalanan, walang may kasalanan, malalaman at malalaman ko rin naman yon.
Pumasok na kami sa room at may results na sa bulletin board ng room namin. Buti nga at may bulletin board bawat room kaya dito lang pinapaskil mga results ng exams namin, hindi na makikita ng ibang section at ibang grade. Kuntento naman ako sa mga results ng exams ko. Matataas kaya napangiti ako.
"Congrats." Napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko. Si Zepp. Nalungkot ako bigla. Mamimiss ko 'tong mokong na 'to. Nagcling ako sa braso niya. Di naman kasi ako galit. Nagtampo lang kasi di niya agad sinabi. At nasaktan, kasi aalis siya.
"Congrats din." Sabi ko dahil nakapasa din siya sa lahat. Ginulo niya yung buhok ko. Mamimiss ko din yung pang-gugulo niya sa buhok ko kahit nakakairita yung ganon, nasanay na ko e.
"Di ka galit? Sorry na midget." Sincere na sabi niya at nakatingin parin siya sakin. Ngumiti ako at kinagat braso niya. Pero di naman sobrang diin, medyo lang mwehehe.
"Aw!" Napahawak siya sa braso niya at inalis ko na yung pagkacling ko don. Binelatan ko lang siya at napailing nalang siya.
"Baka mamaya sa ibang parte na kayo magkagatan ha." Napalingon kami kay Cas dahil sa sinabi niya at natawa din yung iba naming kaklase. Shocks, marami na pala yung mga kaklase namin dito.
"Ewan ko sayo Cas, baka kayo ni Sean." Sabi ko sa kanya at inirapan niya lang ako.
"Di ka talaga galit?" Tanong ni Zepp nang makaupo na kami sa upuan. Katabi ko siya hmp! Masakit kaya, sobra. Tuwing naiisip kong malapit na siyang umalis, nangingilid yung mga luha ko. Sobrang maninibago ako. Pero di ako galit. Masyado akong nasanay na may Zepp ako. I mean di siya sakin pero nanjan lang siya for me. Natatakot akong baka hanap-hanapin ko yung presence niya pag alis niya. Hindi naman pwede yon, hindi naman pwedeng habang buhay lagi siyang nanjan. Hayy, naiiyak nanaman tuloy ako.
Tumingin lang ako sa kanya at nag pout. He pinched my cheeks kaya ayun, tuluyan ng tumulo yung luha ko. Mukhang nabigla siya don pero pinunasan niya rin yung luha ko. I also saw pain in his eyes while he's wiping my tears using his thumb. That break my heart too.
"Sorry, wag ka nga muna umiyak. Nandito pa naman ako. Sige ka, baka di na ko maka-alis para mag stay nalang ako sa tabi mo." Sabi niya kaya pinigilan ko na rin yung mga luhang gusto pang pumatak mula sa mata ko. Kung pwede lang mag stay ka eh, kaso wala namang dahilan para mag stay ka. Your family supports you. Kahit naman malungkot at masakit, sinusuportahan padin kita at susuportahan pa kita. Hindi naman ako enough reason para mag stay ka. I'm just your best friend. Kaibigan lang. Hindi ka naman comitted sakin hahay. Ouch ha!
Maya maya ay dumating na rin yung prof namin at requirements nalang din naman yung kailangan naming ayusin at tapusin.
—
Uwian na. May training sila Zepp ngayon dahil Monday. Syempre manonood ako 'no.
"Sama ka midget?" Tanong ni Zepp at alam ko na agad yon kaya tumango ako habang inaayos mga gamit ko.
BINABASA MO ANG
Definitely My Happy Pill
Novela JuvenilLove or Friendship? But what if you found both love and friendship in one person? Will you choose one? Or both? [TagLish] [On-Going]