Chapter 11

22 4 0
                                    




Maurine Antheia's POV


Thursday. Mamaya na yung flight namin pa Cebu. Nakakainis nga lang kasi di ko alam pano ko kakausapin si Zepp. Nakakatampo kasi siya. Di manlang niya sinabi sakin na may iba pa palang babaeng babalik maliban kay Cams. Para saan pang best friend niya ko? Hmp!


I tried asking Cams pero pagkatanong ko sa kanya negpaalam nalang siya bigla at bumalik sa dorm niya. Bat parang iniwasan niya sina Zepp, I mean yung girl na kayakap niya kagabi. Ayoko magtanong kay Zepp, gusto ko siya yung magsabi sakin.


"Goodmorning midget!" Oh gosh, eto na nga ba yung kinakatakutan ko. Ang makasalubong siya ngayon. Mukhang papasok na siya sa klase at ako naman papunta sa gymnasium. Aish bat ko pa siya nakasalubong?


"Morning. Ah una na ko." Lalagpasan ko na sana siya kaso humawak siya sa kamay ko. Aish ano ba naman yan.


"Uy okay ka lang? What's wrong?" Nagtatakang tanong niya. Hindi ako okay, okay? Aish bat ba ko ganto? E ano naman kung di niya sinabi sakin kung sino kayakap niya? Sino ha naman ako para magtampo sa best friend ko? Aish!


"U-uh wala ah haha! Okay lang ako. Sige na baka malate ka na." I said then smiled. Aish bat parang ang plastic ng ngiti ko? Kainis naman oh!



"Di ako naniniwala." Umakbay siya sakin pero yung mahigpit at dinala ko sa may bench malapit sa kinatatayuan namin. Aish nakikita pa tuloy ng iba.


"Spill." He said looking at me. Kalmado yung pagkasabi niya pero kinakabahan ako. Eh kasi naman ano bang pumasok sa isip ko at nagtampo ako bigla? So weird.


"Zepp may iba ka pa bang ex maliban kay Cams?" Tanong ko, di na napigilan ng madaldal kong bibig yung curiosity ko.


"Huh? Wala naman. Bat mo naman natanong yan midget? Ikaw talaga." Ginulo niya yung buhok ko. Inalis ko naman agad yung kamay niya sa ulo ko at tumingin ulet sa kanya.


"May nililigawan ka na 'no? Tas di mo manlang pinapaalam sa best friend mo." I asked at kumunot naman noo niya.


"Ano bang trip mo midget? Hahaha lakas ah! Syempre wala noh." E sino yung kayakap mo kagabi ha? Ano yon multo?


"Okay. Mag t-training na ko." Akmang tatayo na ko pero pinigilan niya ko. Aish! Ano nanaman ba yon Zepp Miguel?


"Ano bang meron Antheia? You're acting weird." Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. Ewan ko ren Zepp, hindi ko den alam kung anong meron at ang weird ko. Hindi ko din alam.


"Wala naman. Tsaka mo nalang ikwento sa best friend mo kung sino yung kayakap mo kagabi pag ready ka na. Bye!" Di ko na siya pinasagot at nagmadaling pumunta sa gymnasium.


Aish bat ko ba kasi pinauna si Cams dito? Kung sumabay ako sa kanya nung dinaanan niya ko edi sana di ko makakasalubong si Zepp!


"Girl antagal ha! Buti wala pa si Coach at Capt." Hay nako Cams kung alam mo lang. Buti nalang talaga wala pa yung iba.


"Sorry napatagal. Ay Cams sino nga pala yung—"


"Jog na then warm up!" Anubayan wrong timing naman dating ni Coach at Capt ngayon. Nakita ko namang huminga ng maluwag si Cams. Bakit niya tinatakasan yung tanong ko? Anong meron sa kanila nung babae?







Kakarating lang namin ngayon dito sa Cebu. Ang ganda ng view dito sa hotel na tinutuluyan namin. Ang yaman talaga ng school namin!


Definitely My Happy PillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon