Maurine Antheia's POVToday will be a great day! Dahil ngayon, buong araw kaming mamamasyal dito sa Tokyo with friends!
"Ready ka na girl?" Zel asked after putting on her make up. She's wearing a black long sleeves with a light gray sleeveless on top and shorts. Naka trench coat din siya na above the knee ang length dahil kahit autumn palang dito sa Japan ay medyo malamig na. She's also wearing black boots na above the knee din ang length.
"Yup, tara na sa labas, nanjan na daw si Zepp." I also stand up and get my bag. I'm just wearing a cute white blouse partnered with jeans and a white Nike Air Max 97. Nagsuot din ako ng trench coat na above the knee yung length.
"Let's go!" Zel looks so excited at hinila na ko palabas ng room at si Zepp Miguel ang bumungad samin. He's wearing jeans and a white shirt partnered with a black and white Nike Classic Cortez. Naka coat din siya na hanggang above the knee. Lakas parin ng dating kahit kailan. Wow ha, bakit parang terno yung suot namin? Lol.
"Good morning." Bati niya samin.
"Goodmorning!" Sabay naming bati ni Zel. Grabe, good talaga. Hay, ang gwapo ba naman ng bumungad sayo, gwapo talaga ng best friend ko 'no? Hoy. Kalma Mau, ikalma mo yang puso mong baliw.
"Let's goooo!" Kakatingin at isip ko kay Zepp, di ko namalayang andito na rin yung ibang tropa. Grabe ha, ang hyper nitong si Pia. Bumaba na kami sa may parking ng hotel, van yung gagamitin namin dahil nagrent sila at may kasama ring driver para maghatid samin sa mga gusto naming puntahan.
"Kindly drive us to Showa Kinen Park, thank you." Sky said to our driver. May inassign na kasi kaming places na pupuntahan namin at una na nga don yung Showa Kinen Park.
"Okay sir." He replied then nagdrive na nga siya papunta don. So yung pwesto namin sa van, si Sky yung nasa may tabi ng driver. Sa likod niya, kami ni Zepp at Zel. Nasa gitna namin ni Zel si Zepp. Sa likod naman namin sina Cams, Izzy, at Blake, tapos sa likod nila sina Xyrix, Pia, Cas, at Sean.
"Do you want to sleep?" Zepp asked while we're on our way. Antukin ako pero di ako inaantok sa byahe ngayon dahil ang ganda ng ibang tanawin sa labas at ang linis ng paligid.
"Nope, I'm enjoying the view outside." I replied then smiled. Nagkwentuhan kaming magkakaibigan ng kung anu-ano hanggang sa makarating na kami sa Park at bumaba na kami sa sasakyan. Ang gandaaaaa, may mga autumn leaves na nakakakalat pero ang gandang paring tignan.
"Woah!" Pare-parehas kaming namangha dahil ang ganda tignan at ang presko din ng hangin.
"Ang gandaaaa!" Syempre kaming mga girls nagtatakbo na kala mo mga bata. Patapos palang yung September pero marami-rami na rin yung autumn leaves na nakakalat sa daan.
"Please take a picture of us, pleaseee!" Zel handed the camera to our driver at inabot naman niya yon. We took so many groufies and syempre selfies din. Di naman mawawala pictorial dito 'no! Hinayaan lang namin yung driver namin sa mga gusto niyang gawin, basta we'll call him kung aalis na kami. Nakarami na rin kaming pictures, syempre may mga pictures din kami ni Zepp 'no!
"Tara, bike tayo!" Pag-aaya ko sa kanila. May nare-rent kasing bike dito at mukhang masaya magbike dito sa park.
"Game!" Kanya-kanya kaming namili ng bike at yung mga hindi marunong, umangkas nalang. Merong kasing bike na for 2 persons. After naming maglibot libot sa park ay bumalik na rin kami sa van para pumunta sa Tokyo DisneySea.
BINABASA MO ANG
Definitely My Happy Pill
Teen FictionLove or Friendship? But what if you found both love and friendship in one person? Will you choose one? Or both? [TagLish] [On-Going]